Nakita ko itong post na ito sa social media mga kabayan, naalala ko na parang dati nagiging trending itong mga Bitcoin ATM dito sa bansa naten, naalala ko gumawa pa ako ng topic sa mga businesses na tumatanggap ng Bitcoin, pero parang ngayon hindi na naging trend itong Bitcoin ATM ngayon naluma nalang dahil wala naman gumagamit talaga? Kahit din siguro kayo hindi ninyo rin nagamit yung mga ATM nuh?
Naobserve ko rin siya dati, sa tingin ko kase hindi magiging trend itong Bitcoin ATM dahil yung mga bumibili naman ng Bitcoin more on investment talaga, bakit ka nga naman magwiwithdraw kung malaki lang lalo ang fee diba ibig sabihin nagbebenta ka lang ng Bitcoin kung iwiwithdraw mo siya at outcome lang niyan nagbenta ka sa talo kung mababa ang presyo ka nagwithdraw.
So sa ngayon parang naluma nalang talaga ang lahat ng mga ATM akala ko dati dadami pa lalo pero parang nawala pa lalo. Ano sa tingin nyo?
Link