Asuspawer09 (OP)
Sr. Member
  
Online
Activity: 2394
Merit: 477
Buy Bitcoin ✨
|
 |
September 23, 2026, 05:30:40 PM |
|
Nakita ko itong post na ito sa social media mga kabayan, naalala ko na parang dati nagiging trending itong mga Bitcoin ATM dito sa bansa naten, naalala ko gumawa pa ako ng topic sa mga businesses na tumatanggap ng Bitcoin, pero parang ngayon hindi na naging trend itong Bitcoin ATM ngayon naluma nalang dahil wala naman gumagamit talaga? Kahit din siguro kayo hindi ninyo rin nagamit yung mga ATM nuh? Naobserve ko rin siya dati, sa tingin ko kase hindi magiging trend itong Bitcoin ATM dahil yung mga bumibili naman ng Bitcoin more on investment talaga, bakit ka nga naman magwiwithdraw kung malaki lang lalo ang fee diba ibig sabihin nagbebenta ka lang ng Bitcoin kung iwiwithdraw mo siya at outcome lang niyan nagbenta ka sa talo kung mababa ang presyo ka nagwithdraw. So sa ngayon parang naluma nalang talaga ang lahat ng mga ATM akala ko dati dadami pa lalo pero parang nawala pa lalo. Ano sa tingin nyo? Link
|
|
|
|
BitMaxz
Legendary

Activity: 4144
Merit: 3698
#kycfree ❎
|
 |
September 23, 2026, 11:01:39 PM |
|
Cguro kung malapit samin pwede ko itong i try pero kung malayo mas pipiliin ko pang bumili ng Bitcoin sa online. Kasi lahat naman ngayon wireless na at pwede ka naman bumili ng Bitcoin sa online so bakit kapa pupunta sa malayo para lang bumili chaka nakakatakot din kasi yung ibang tao alam mayayaman nag iinvest sa Bitcoin at pwede kang sundan ng masasamang tao o mga taong nag momonitor jan kaya marami ding disadvantage.
Syempre gusto rin natin makita yan pero madalang ngayon ang mga taong interesado jan chaka ok na ko sa nakikita ko na maraming tumatanggap ng crypto lalo na sa boracay kahit ethereum natanggap lalo na yung Bitcoin.
|
|
|
|
|
tech30338
|
 |
September 24, 2026, 12:45:26 AM |
|
Hindi ko nagamit ang Bitcoin ATM sa makati, pero madalas ko sinisilip at tinitignan, meron akong nakikita na parang may ginagawang transaction although nasa labas ako kaya hindi ko sure if meron ba siya deneposit or something, matagal din siya dun nilagay, pero bigla nalang inalis, possible kasi konti lang transaction , saka may nakikita ako parang papasok tapos aatras parang nahihiya sila haha. Sa tingin ko kasi hindi naman na kailangan duon kapa magdeposit kasi kahit sa pc mo or phone pwede na, although busy area tingin ko mga nagiingat din ang mga tao ng panahong iyon, kaya hindi sila dun ngdedeposit or gumagawa ng transaction.
|
|
|
|
crwth
Copper Member
Legendary

Activity: 3654
Merit: 1625
|
 |
September 24, 2026, 01:50:24 PM |
|
Katulad ng sinabi ng iba, mas madali na kasi online. Naisip ko, bakit ka pa mag-BTC ATM na pwede ka naman mag-P2P o kung ano man ang method mo para maging Php ang BTC o crypto mo, diba?
Sa tingin ko, mayroong kinalaman ang mga regulatory requirements para mag-set up ng isang BTC ATM, katulad ng KYC at AML compliance. Yun ata ang isa sa mga dahilan kung bakit ganoon. (Plus maintenance fee pa sa mismong ATM)
|
|
|
|
GreatArkansas
Legendary

Activity: 3206
Merit: 1529
Bitcoin Fixes It
|
 |
September 25, 2026, 12:56:31 AM |
|
Katulad ng sinabi ng iba, mas madali na kasi online. Naisip ko, bakit ka pa mag-BTC ATM na pwede ka naman mag-P2P o kung ano man ang method mo para maging Php ang BTC o crypto mo, diba?
Sa tingin ko, mayroong kinalaman ang mga regulatory requirements para mag-set up ng isang BTC ATM, katulad ng KYC at AML compliance. Yun ata ang isa sa mga dahilan kung bakit ganoon. (Plus maintenance fee pa sa mismong ATM)
Duda ako dito, baka sa poster lang to or dito sa signage na "ATM" pero siguro ang process talaga eh yung mano mano na ginawa like P2P way or sesend mo sa wallet ko yung Bitcoin mo, papalitan ko ng PHP. Lalo na if ang date ay around 2014-2015, at sa Pilipinas pa.
|
|
|
|
|
Peanutswar
Legendary

Activity: 2436
Merit: 2199
Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL
|
 |
September 25, 2026, 06:29:26 AM |
|
Madalang lang din ako mag withdraw ng funds ko sa crypto lalo na sa bitcoin talagang naka imbak lang sya sa wallet ko pero siguro if ever man na may malapit na bitcoin atm is possible gamitin ko ito para sa mabilisang instant need ng cash kasi need mo lang naman mag scan eh which is okay din para sa mga taong gumagamit ng crypto pero personally ideal to may store or place talaga wag lang sa mga basta bastang lugar kasi syempre crypto = anonymity so syempre may makita kang risk dito na may crypto itong tao na ito.
Last time nakita ko nalang nag offer ng crypto exchange nga lang is sa Trinoma forgot the name and if open pa din sila pero di sya ATM pero parang local exchange lang.
|
|
|
|
|
|
| | ..1win.. | █████████████████████████ █████████████████████████ ████████████▀░░░▀▀▀▀█████ █████████▀▀▀█▄░░░░░░░████ ████▀▀░░░░░░░█▄░▄░░░▐████ ████▌░░░░▄░░░▐████░░▐████ █████░░░▄██▄░░██▀░░░█████ █████▌░░▀██▀░░▐▌░░░▐█████ ██████░░░░▀░░░░█░░░▐█████ ██████▌░░░░░░░░▐█▄▄██████ ███████▄░░▄▄▄████████████ █████████████████████████ █████████████████████████ | ..POKER.. | █████████████████████████ █████████████████████████ ███████████▀▀▀███████████ ███████▀▀░░▄▄▄░░▀▀███████ ██████▄░░░░███░░░░▄██████ █████░▀▀█▄▄░░░▄▄█▀▀░█████ █████░██░░▀▀█▀▀░░██░█████ █████░░░░░░░█░██░▄▄░█████ █████▄░░░▄▄░█░▄▄░▀▀▄█████ ███████▄▄▀▀░█░▀▀▄▄███████ ███████████▄█▄███████████ █████████████████████████ █████████████████████████ | ..GAMES.. | █████████████████████████ █████████████████████████ ████████▀▀░░░░░▀▀████████ ██████░░▄██▄░▄██▄░░██████ █████░░████▀░▀████░░█████ ████░░░░▀▀░░░░░▀▀░░░░████ ████░░▄██░░░░░░░██▄░░████ ████░░████░░░░░████░░████ █████░░▀▀░▄███▄░▀▀░░█████ ██████░░░░▀███▀░░░░██████ ████████▄▄░░░░░▄▄████████ █████████████████████████ █████████████████████████ | | |
|
|
|
|
TypoTonic
|
 |
September 25, 2026, 01:39:54 PM |
|
Katulad ng sinabi ng iba, mas madali na kasi online. Naisip ko, bakit ka pa mag-BTC ATM na pwede ka naman mag-P2P o kung ano man ang method mo para maging Php ang BTC o crypto mo, diba? (Plus maintenance fee pa sa mismong ATM)
Pag online P2P or exchange kasi, kailangan pa rin ng local payment method (bank account, gcash, etc.). Sa bitcoin ATM, pwedeng rektang cash > btc and vice versa. Sabi nga dito sa isang article na nakita ko: "Crypto ATMs were one of the first linkages between cash and cryptocurrency and enabled many who lacked bank accounts to purchase cryptocurrency."Duda ako dito, baka sa poster lang to or dito sa signage na "ATM" pero siguro ang process talaga eh yung mano mano na ginawa like P2P way or sesend mo sa wallet ko yung Bitcoin mo, papalitan ko ng PHP. Lalo na if ang date ay around 2014-2015, at sa Pilipinas pa.
Mukhang legit naman bro, sa Sunette Tower Hotel daw yan dati sa Makati base dito sa post ng Bitcoin ATM Philippines. Pinakaunang two-way bitcoin ATM (supports both buying and selling) sa pinas. https://www.facebook.com/photo?fbid=475347035961978https://www.facebook.com/BinatrixSmartContract/photos/philippines-first-two-way-bitcoin-atm-opens-in-heart-of-manilas-financial-distri/1672194623057039/
|
| █████ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ █████ | █████████████████████████████████████████████████████ jet LA █████████████████████████████████████████████████████ | █████ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ █████ | █████ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ █████ | ██████████ ██ ☘︎ ██ ██████████ | ███████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████ A crypto casino LOL ███████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████ | ██████████ ██ ⚽︎ ██ ██████████ | █████ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ █████ | | | | | ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ | | | | █████ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ █████ | █████████████████████████████████████████████ Play Now █████████████████████████████████████████████ | █████ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ █████ | |
|
|
|
|
aioc
|
 |
September 25, 2026, 05:06:04 PM |
|
So sa ngayon parang naluma nalang talaga ang lahat ng mga ATM akala ko dati dadami pa lalo pero parang nawala pa lalo. Ano sa tingin nyo?
Noong panahong nagkaroon ng Bitcoin ATM, parang mababa pa ang acceptance at unawa ng tao sa Bitcoin, at ’yung mga traders at investor, mas komportable sila na sa online na lang mag-transact, kaya hindi ito na-sustain bukod sa limitado ang lugar na pinaglagyan. Noong mabalitaan ko ’yan, gusto ko nga makasubok niyan, pero naging plano na lang kasi nasanay ako sa online at may duda pa ako sa Bitcoin ATM noon kaysa sa mga traditional ATM.
|
|
|
|
|
tech30338
|
 |
September 26, 2026, 12:44:50 PM |
|
Katulad ng sinabi ng iba, mas madali na kasi online. Naisip ko, bakit ka pa mag-BTC ATM na pwede ka naman mag-P2P o kung ano man ang method mo para maging Php ang BTC o crypto mo, diba? (Plus maintenance fee pa sa mismong ATM)
Pag online P2P or exchange kasi, kailangan pa rin ng local payment method (bank account, gcash, etc.). Sa bitcoin ATM, pwedeng rektang cash > btc and vice versa. Sabi nga dito sa isang article na nakita ko: "Crypto ATMs were one of the first linkages between cash and cryptocurrency and enabled many who lacked bank accounts to purchase cryptocurrency."Duda ako dito, baka sa poster lang to or dito sa signage na "ATM" pero siguro ang process talaga eh yung mano mano na ginawa like P2P way or sesend mo sa wallet ko yung Bitcoin mo, papalitan ko ng PHP. Lalo na if ang date ay around 2014-2015, at sa Pilipinas pa.
Mukhang legit naman bro, sa Sunette Tower Hotel daw yan dati sa Makati base dito sa post ng Bitcoin ATM Philippines. Pinakaunang two-way bitcoin ATM (supports both buying and selling) sa pinas. https://www.facebook.com/photo?fbid=475347035961978https://www.facebook.com/BinatrixSmartContract/photos/philippines-first-two-way-bitcoin-atm-opens-in-heart-of-manilas-financial-distri/1672194623057039/Akala ko sa may paseo lang meron eh, naluma nadin kasi iyan at sa tingin ko hindi patok sa pinas, since meron naman p2p nga or meron naman exchange ppuntang non custodial wallet bakit pako ppunta diyan, para safety natin, dahil hindi natin alam baka meron nagmamanman kung sino ang may mga bitcoin, at may gawing masama satin kaya, siguro hindi ito pumatok sating bansa pero alam ko sa ibang bansa may nagooffer parin neto.
|
|
|
|
|
bettercrypto
|
 |
September 26, 2026, 02:44:26 PM |
|
San lugar ba dito sa bansa natin merong atm machine sa Bitcoin? Kasi ang alam ko lang yung sa makati, pero bukod pa fito wala na akong idea kung saan meron pa na ganyan.
Saka maliban sa alam ko na mdaming mga merchant sa tinawag na bitcoin island dito sa bansa natin na karamihan na mga store ay tumatanggap ng crypto o bitcoin pero di ko lang alam kung may btc atm din dun.
|
|
|
|
|
|
qwertyup23
|
 |
September 26, 2026, 10:59:56 PM |
|
Isa sa mga naging limitasyon ng BTC ATM is yung kanyang accessibility. Hindi lahat ng lugar may BTC ATM and it was also implemented at a time na onti pa lang ang nakakaalam ng crypto sa ating bansa. In fact, I would even argue na only a niche of people ang may alam sa BTC although this sparked and aroused their curiosity dito.
I remember back in 2017, may option sa security bank where you can withdraw your BTCs directly sa kanilang mga ATMs using their cardless withdrawal. May makukuha kang pin from your cellphone number and ilalagay mo ito sa any Security Bank ATM where you can directly withdraw your BTCs.
Just to add na din, naalala ko din yung mga times na nakukuha ko yung mga BTCs ko via LBC cash withdrawal though sobrang hassle and inconvenient yung mga transactions dito. Ngayon, we can directly withdraw our BTCs to our bank or to any mobile bank platform given na madami na din ang nakakaalam sa cryptocurrencies sa panahon na ito.
|
RAZED | | | 100% | WELCOME BONUS | │ | █████████████████████ █████████████████████████ ████████████▀░░░░▀███████ ██████████▀░░▄▀▀▄░░▀█████ ██████████▄▄██▄▄██▄░▀████ █████▀░░░░░░░▀██░░█░░████ ████░░████▀▀█░░██▀░░▄████ ████░░████▄▄█░░█░░▄██████ ████░░█▀▀████░░██████████ ████░░█▄▄███▀░░██████████ █████▄░░░░░░░▄███████████ █████████████████████████ █████████████████████ | █████████████████████ █████████████████████████ ██████████▀▀░░░░░▀▀██████ ████████▀░░▄▄█░░▀▄░░█████ ██████▀░░▄█████▄░░▀░░████ █████░░▄████▄▀░░█▄▄░░████ ████░░▄███▄▀░░▄▀██▀░░████ ████░░▀▀██░░▄▀███▀░░█████ ████░░▄░░▀█████▀░░▄██████ █████░░▀▄░░█▀▀░░▄████████ ██████▄▄░░░░░▄▄██████████ █████████████████████████ █████████████████████ | | |
NO KYC | | | RAZE THE LIMITS ► PLAY NOW |
|
|
|
Asuspawer09 (OP)
Sr. Member
  
Online
Activity: 2394
Merit: 477
Buy Bitcoin ✨
|
 |
September 26, 2026, 11:59:24 PM |
|
~
Madalas din nakikita ko sa social media sa boracay nga madalas may ginagamit sila na crypto wallet na tinatanggap madalas sa mga merchant doon, parang ok siya if sa mga designated merchant talaga kaso centralized platform nga lang talaga para maging mabilis ang transaction at walang fees. dun nanaman tayo babagsak sa mga centralized platform which is hindi naman naten recommended. Isa sa mga naging limitasyon ng BTC ATM is yung kanyang accessibility. Hindi lahat ng lugar may BTC ATM and it was also implemented at a time na onti pa lang ang nakakaalam ng crypto sa ating bansa. In fact, I would even argue na only a niche of people ang may alam sa BTC although this sparked and aroused their curiosity dito.
I remember back in 2017, may option sa security bank where you can withdraw your BTCs directly sa kanilang mga ATMs using their cardless withdrawal. May makukuha kang pin from your cellphone number and ilalagay mo ito sa any Security Bank ATM where you can directly withdraw your BTCs.
Just to add na din, naalala ko din yung mga times na nakukuha ko yung mga BTCs ko via LBC cash withdrawal though sobrang hassle and inconvenient yung mga transactions dito. Ngayon, we can directly withdraw our BTCs to our bank or to any mobile bank platform given na madami na din ang nakakaalam sa cryptocurrencies sa panahon na ito.
Tama ka jan kabayan, hindi nga naman dumami ang mga Bitcoin ATM, akala ko noon magkakaroon ng ganito sa mga Unionbanks dahil sobrang open naman sila sa cryptocurrency and may mga news na possible din na magkaroon neto sa mga ATMs for withdrawal pero parang hindi na ata natuloy yung ganun ngayon not sure kung bakit. Sa Coins.ph ata itong sinasabe mo nuh, ito rin ang ginagamit ko noon dahil sobrang convinient sobrang daming mga Security bank kaya di na problema may labas ng pera.
|
|
|
|
|
coin-investor
|
 |
September 27, 2026, 02:19:37 PM |
|
So sa ngayon parang naluma nalang talaga ang lahat ng mga ATM akala ko dati dadami pa lalo pero parang nawala pa lalo. Ano sa tingin nyo?
Popular na topic 'yang pagkakaroon ng Bitcoin ATM dito sa ating bansa. Unfortunately, hindi siya nag-take off dahil nga, tulad ng nabanggit mo, mas pabor ang mga investors sa online transaction na puwede mong gawin kahit saan, anytime, kaysa lumabas ka pa at pumunta sa Bitcoin ATM. Pero hindi natin masabi, malay natin, kung maging napaka-popular na ang cryptocurrency sa atin at muling bumalik ito. Mangyayari ito kung magiging mainstream na ang Bitcoin, hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong mundo. Parte na lang ito ng historical event ng mga pangyayari dito sa bansa natin ang Bitcoin ATM na yan.
|
|
|
|
lionheart78
Legendary

Activity: 3570
Merit: 1211
|
 |
September 27, 2026, 06:28:49 PM |
|
Naging mas madali na kasi ngayong ang pagcash out ng Bitcoin into peso dahil marami ng mga exchanges na may function na p2p rekta sa ewallet hindi katulad noong kasikatan ng Bitcoin ATM.
Isa pa dahil sa papataas ng popularidad ng Bitcoin noon, parang astig pakinggan kapag sinabing nakapagtransact ang isang tao sa Bitcoin ATM, then dumating iyong mga $5 wrench attack, kaya ang mga dating gumagamit ng Bitcoin ATM ay nagdalawang isip dahil baka maexpose sila sa mga taong may hindi magandang hangarin at magkaroon pa sila ng problema o maendanger pa ang buhay nila o di kaya ay ang buhay ng kanilang pamilya.
Ang pag-usad ng teknolohiya at pagtanggap ng mga kumpanya sa Bitcoin at pagkakaroon ng access sa e-wallet ang naging dahilan ng unti-unting paghinto ng tao sa paggamit sa Bitcoin ATM, idagdag pa ang mataas na processing fee at ang maaring maging risk na maexpose sa delikadong sitwasyon.
|
|
|
|
BitMaxz
Legendary

Activity: 4144
Merit: 3698
#kycfree ❎
|
 |
September 27, 2026, 11:13:39 PM |
|
~
Madalas din nakikita ko sa social media sa boracay nga madalas may ginagamit sila na crypto wallet na tinatanggap madalas sa mga merchant doon, parang ok siya if sa mga designated merchant talaga kaso centralized platform nga lang talaga para maging mabilis ang transaction at walang fees. dun nanaman tayo babagsak sa mga centralized platform which is hindi naman naten recommended. Ginamit na rin sya pang attract dun sa mga torista yan nga rin ang dahilan kaya nandun yung mga crypto enthusiast nag babaksyon dami mga forener gumagamit dun kahit ibang crypto ethereum solana tron yung mga ibang kilalang crypto tumatanggap sila yung iba nga mostly yung mga major coins lang Bitcoin Eth at usdt/usdc. Sa palagay hindi lang naan sa boracay meron nito meron din ito sa iba pang bakasyonan kagaya dun sa siargao narinig ko dumadami ang mga merchant na tumatanggap ng crypto don laki na nga improvement ibig sabihin lang nyan most crypto na talaga ginagamit lalo na may stable coins pa usually nakikita ko usdt at usdc lang option.
|
|
|
|
Asuspawer09 (OP)
Sr. Member
  
Online
Activity: 2394
Merit: 477
Buy Bitcoin ✨
|
 |
October 02, 2026, 10:19:33 PM |
|
Katulad ng sinabi ng iba, mas madali na kasi online. Naisip ko, bakit ka pa mag-BTC ATM na pwede ka naman mag-P2P o kung ano man ang method mo para maging Php ang BTC o crypto mo, diba? (Plus maintenance fee pa sa mismong ATM)
Pag online P2P or exchange kasi, kailangan pa rin ng local payment method (bank account, gcash, etc.). Sa bitcoin ATM, pwedeng rektang cash > btc and vice versa. Sabi nga dito sa isang article na nakita ko: "Crypto ATMs were one of the first linkages between cash and cryptocurrency and enabled many who lacked bank accounts to purchase cryptocurrency."Duda ako dito, baka sa poster lang to or dito sa signage na "ATM" pero siguro ang process talaga eh yung mano mano na ginawa like P2P way or sesend mo sa wallet ko yung Bitcoin mo, papalitan ko ng PHP. Lalo na if ang date ay around 2014-2015, at sa Pilipinas pa.
Mukhang legit naman bro, sa Sunette Tower Hotel daw yan dati sa Makati base dito sa post ng Bitcoin ATM Philippines. Pinakaunang two-way bitcoin ATM (supports both buying and selling) sa pinas. https://www.facebook.com/photo?fbid=475347035961978https://www.facebook.com/BinatrixSmartContract/photos/philippines-first-two-way-bitcoin-atm-opens-in-heart-of-manilas-financial-distri/1672194623057039/Di ko pa nasubukan magwithdraw sa ganito pero ibig sabihin ba nyan ilalagay din yung bank account number mo para makuha mo? or paano mo macacashout directly kung nasa wallet mo yung Bitcoin mo? Dito kase sa photo nakalagay Buy Bitcoin, Get Cash, saka create online wallet. So parang may centralized wallet pala sila na ginagamit lang jan sa ATM na yan? Sayang itong mga ATM hindi naging popular dito sa bansa naluma na lang siguro yan sa location kase wala naman talaga madalas na gagamit nyan, pero siguro if meron malapit dito samen possible magamit ko rin yung withdrawal na feature kung hindi hassle at hindi ganoon kataas ang fees nya.
|
|
|
|
PX-Z
Legendary

Activity: 2338
Merit: 1409
|
 |
October 05, 2026, 11:27:01 PM |
|
Naobserve ko rin siya dati, sa tingin ko kase hindi magiging trend itong Bitcoin ATM dahil yung mga bumibili naman ng Bitcoin more on investment talaga, bakit ka nga naman magwiwithdraw kung malaki lang lalo ang fee diba ibig sabihin nagbebenta ka lang ng Bitcoin kung iwiwithdraw mo siya at outcome lang niyan nagbenta ka sa talo kung mababa ang presyo ka nagwithdraw.
So sa ngayon parang naluma nalang talaga ang lahat ng mga ATM akala ko dati dadami pa lalo pero parang nawala pa lalo. Ano sa tingin nyo?
Ang laki kase talaga ng rates ng mga ATM, good siya for experience pero hindi sa bulsa lol. Di ko pa nasubukan magwithdraw sa ganito pero ibig sabihin ba nyan ilalagay din yung bank account number mo para makuha mo? or paano mo macacashout directly kung nasa wallet mo yung Bitcoin mo?
Basically, parang nag sell order ka lang. Enter amount, tapus qr code will be generated, mag si-send ka ng bitcoin then lalabas yung cash sa atm. Of course, yung pag labas ng pera will depend confirmation base sa atm setup kaya mdjo matagal tagal din before makuha.
|
|
|
|
|
tech30338
|
 |
October 06, 2026, 09:27:12 AM |
|
Naobserve ko rin siya dati, sa tingin ko kase hindi magiging trend itong Bitcoin ATM dahil yung mga bumibili naman ng Bitcoin more on investment talaga, bakit ka nga naman magwiwithdraw kung malaki lang lalo ang fee diba ibig sabihin nagbebenta ka lang ng Bitcoin kung iwiwithdraw mo siya at outcome lang niyan nagbenta ka sa talo kung mababa ang presyo ka nagwithdraw.
So sa ngayon parang naluma nalang talaga ang lahat ng mga ATM akala ko dati dadami pa lalo pero parang nawala pa lalo. Ano sa tingin nyo?
Ang laki kase talaga ng rates ng mga ATM, good siya for experience pero hindi sa bulsa lol. Di ko pa nasubukan magwithdraw sa ganito pero ibig sabihin ba nyan ilalagay din yung bank account number mo para makuha mo? or paano mo macacashout directly kung nasa wallet mo yung Bitcoin mo?
Basically, parang nag sell order ka lang. Enter amount, tapus qr code will be generated, mag si-send ka ng bitcoin then lalabas yung cash sa atm. Of course, yung pag labas ng pera will depend confirmation base sa atm setup kaya mdjo matagal tagal din before makuha. Same parang tinignan ko lang talaga siya at inobserbahan kung meron mga magdedeposit, hindi ko pa siya sinubukan, pero nattempt ako ayun lang daan lang ako ng daan sa may paseo silip silip lang ako, may nakikita ako minsan nagumpukan so naisip ko meron dito mga nagccrypto. Kung mataas rates talo pala ang mga gumagamit nuon, buti nalang maliit lang lage pinapasok ko nun e hanggang diko na nabuksan ung aking coinsph account sayang pa ung btc ko haha, dati pahirapan pa talaga magwithdraw nuon galing crypto eh, or deposit, coinsph kasi anlaki ng pagpasok pala pera may kaltas na tapos transfer ganun din double kill e.
|
|
|
|
Asuspawer09 (OP)
Sr. Member
  
Online
Activity: 2394
Merit: 477
Buy Bitcoin ✨
|
 |
October 15, 2026, 11:30:53 PM |
|
Naging mas madali na kasi ngayong ang pagcash out ng Bitcoin into peso dahil marami ng mga exchanges na may function na p2p rekta sa ewallet hindi katulad noong kasikatan ng Bitcoin ATM.
Isa pa dahil sa papataas ng popularidad ng Bitcoin noon, parang astig pakinggan kapag sinabing nakapagtransact ang isang tao sa Bitcoin ATM, then dumating iyong mga $5 wrench attack, kaya ang mga dating gumagamit ng Bitcoin ATM ay nagdalawang isip dahil baka maexpose sila sa mga taong may hindi magandang hangarin at magkaroon pa sila ng problema o maendanger pa ang buhay nila o di kaya ay ang buhay ng kanilang pamilya.
Ang pag-usad ng teknolohiya at pagtanggap ng mga kumpanya sa Bitcoin at pagkakaroon ng access sa e-wallet ang naging dahilan ng unti-unting paghinto ng tao sa paggamit sa Bitcoin ATM, idagdag pa ang mataas na processing fee at ang maaring maging risk na maexpose sa delikadong sitwasyon.
Tama ka jan kabayan, dahil din talaga sa mga exchange kaya naglaho na rin itong mga Bitcoin ATM at hindi na rin kailangan, I mean bukod sa mataas na fees diba, syempre maspipiliin naten yung masokey na option kasya gumastos tayo ng masmalaki sa fees, same thing lang din naman kase dahil kapag nagP2P exchange ka sa bank mo pa rin mapupunta ang pera at sa ATM mo rin icacashout, and possible free pa ang withdrawal kung sa mismong bank mo na ATM ka magwiwithdraw, halos lahat na naman ng Pilipino ngayon ay may ATM. Isa sa mga naging limitasyon ng BTC ATM is yung kanyang accessibility. Hindi lahat ng lugar may BTC ATM and it was also implemented at a time na onti pa lang ang nakakaalam ng crypto sa ating bansa. In fact, I would even argue na only a niche of people ang may alam sa BTC although this sparked and aroused their curiosity dito.
I remember back in 2017, may option sa security bank where you can withdraw your BTCs directly sa kanilang mga ATMs using their cardless withdrawal. May makukuha kang pin from your cellphone number and ilalagay mo ito sa any Security Bank ATM where you can directly withdraw your BTCs.
Just to add na din, naalala ko din yung mga times na nakukuha ko yung mga BTCs ko via LBC cash withdrawal though sobrang hassle and inconvenient yung mga transactions dito. Ngayon, we can directly withdraw our BTCs to our bank or to any mobile bank platform given na madami na din ang nakakaalam sa cryptocurrencies sa panahon na ito.
Malaking factor din talaga ito kabayan bukod na piling mga lugar lang naman ang may ganitong ATM dba, so hindi talaga siya convinient at hindi naman pwede na magcacashout ka dadayo ka pa sa ibang lugar dba, possible siguro if one time lang gusto mo lang maexperience or makita yung Bitcoin ATM, pero kung palagi hindi na okey dahil talo sa oras at fees. Naalala ko rin itong sa Coins.ph possible magwithdraw through Security Bank at pwede rin yung door to door LBC, di ko na try yung door to door LBC dahil malapit lang ako sa Security bank kaya yun lang lagi ang way ko na nagwowork saken kapag nagcacashout ako, naalala ko pa noong kumita ako ng medjo malaki, paulet ulet ko kinacashout sa security bank dahil may limit siya.
|
|
|
|
|