Nasa tinatayang $351.6M ang na-hack sa Bitget.
Mabuti na lamang at may protection fund silang $464M para ma cover yung losses.
Pero sa ngayon ay naka freeze pa ang kanilang withdrawal.
Malaking dagok to sa Bitget. Kahit pa kinover nila yung losses, panigurado maraming users nila ang magpu-pull out once available na ulit ang withdrawal dahil na rin sa takot or pangamba. Pero hindi ko din sila masisisi. Kahit ako man ay ganun din ang gagawin.
Eto ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ka dapat nagho-hold or mag hold ng malaking halaga lalo kung long term sa kahit na saan at anong cex pa yan. Kung walang protection fund, maglalahong parang bula ang pinaghirapan mo. Sa cex, not your keys, not your coins.
https://www.forbes.com/sites/boazsobrado/2026/09/24/bitget-hack-of-3516-million-triggers-a-withdrawal-freeze/