Recently lng nasira ang laptop ko dahil sa coinminer virus na ito galing sa crack apps ko(karma na dn siguro sa hindi pagbayad ng subscription).
Sa palagay ko ay galing ito sa Autocad application na recently installed ko. Nung una hindi ko pinapansin since nadedelete nmn sya ng AV ko pero persistent na lumalabas yung AV notif kada open ko ng laptop.
Yung coinminer na ito ay nagmimine ng monero coin sa background ng laptop kaya pala sobrang lakas ng fan at nadra2in yung battery ng mabilis kahit dota 1 lang nilalaro ko. Saklap since naka Legion gaming laptop ako na kakatapos lng ng warranty.
Lesson learned nko dito. May mga scammer pa pala na nagmimine ng token. Hyp.

I think makakatulong if bigyan mo ng context saan mo ito dinownload, if may pangalan ng developer o forum na pinagdownloadan para maiwasan na rin ng iba. Fan rin kasi ako ng mga cracked apps lalo na't talagang open mo lahat na parang pro subscription pero pinipili ko lang minsan yung mga apps for entertainment like alternative ng Netflix or Spotify pero I think risky parin kung tutuusin.
Ang tanong may nawala ba sayo like yung mga coins/tokens dahil rito? Wala ng magagawa para maayos ulit yung laptop or totally na deds na talaga?
Hindi ko na matandaan bro since nag browse lng ako sa google. Nagcheck virus lang ako dun sa virus total na yun na site then nung goods nag install nako.
Walang nawalang token since hindi ako nagiinstall ng wallet app sa laptop ko pero nasira yata battery ng laptop ko since hindi ko na maopen. Hinahanapan ko pa ngayon ng magrerepair since hindi mabuksan kaya hindi ko mafully assess yung damage.
Pwedeng malaman bro ano AV mo hindi ko sinasabi na mahina ang AV pero the fact na nagbibigay siya ng notification may kakayahan siya na mag-trace, pero ang alam ko may mga AV na dedicated sa ganyan na kaya nila puksain ang choice mo na lang talaga tulad ng sabi ng mga kababayan natin dito ay reformat at deep cleaning.
Hourong AV yata yun. Package deal kasi sa laptop yung license nung AV.
Grabe OP nasira na ba tuluyan yung laptop? Legion alam ko mahal yan eh. I never heard yung coin miner na yan and eversince ata hindi ko pa natry yung mga mine mine ng coin using laptop kasi nga alam ko din na malakas yan sa kuryente at talagang gamit na gamit ang kaptop usage na for sure in the long run eh magiging dahilan ng pagkasira.
Sana di pa talaga sira or kaya pa maremedyuhan ng technician kasi sayang. Lesson learn talaga siya malala.
85K yata bili ko dito last year. Taena nasira ng pagtapos ng warranty. Ang masaklap pa e ilang beses ko lng dn nagamit since more on ipad at desktop ako.
Pinang autocad ko lng saglit.
Update ako dito kapag narepair ko na then try ko irecover kung ano mismo yung malware at website na potentially ko na download. Nasa browser history kasi mismo ng laptop.
Oh bka meron dito nagrerepair ng gaming laptop. PM lang.