Oh crazy, legit nga. Ibig sabihin ito ung mga down side ng mga cracked software. Kaya against ako sa mga pirated na mga software eh, laro man yan or kahit anong software.
Kasi una kawawa yung mga developer or companty na gumagawa ng mga ganyang software tapos pipiratahin lang.
Posible talagang lagyan ng backdoor ang mga crack application. Hindi rin naman kasi natin alam kung iyong alert na binibigay ng mga anti-malware or antivirus ay false positive o totoong malware na talaga since karamihan sa mga cracked application ay diniditect ng mga security application na malicious. Kaya nakakatakot na ngayon na maginstall ng mga cracked applications sa ating devices.
Second ay ito nga, yung safety ng mga nag dodownload at install ng mga cracked software, although we cant blame them kasi for sure may dahilan sila bakit sila nag iinstall ng pirated software like hindi afford talaga bumili.
Sa mga games naman, karamihan walang demo kaya iyong ibang gustong maexperience ang games ay naghahanap ng pirated version, then kapag nagustuhan nila ay saka nila ito bibilhin.
Hindi naman lahat ng cracked application ay may kargang malware may mga maloloko lang talaga na ginagamit ang mga crack application para makanakaw o maexploit ang biktima.
Kaya kung may mga importante tayong data sa ating devices, mas magandang bumili na lang ng mga software kesa maginstall ng pirated. Nakatipid nga tayo ng ilang libo kung sa dulo eh mawawalan tayo ng daang libo. Dun na tayo sa sigurado.