Buti pa yung sa Romania. Kahit malinaw na nagkaron ng glitch at may pruweba sila na glitch nga eto, binayaran pa rin nila ang mga players na umabot sa €30M ang halaga.
Ito ba yung Arena Plus dumaan ito sa feed ko dati pa, nakakalungkot yung ganito ibig lang sabihin nito na kapag nanalo ka ng malaki sa site nila puwede nila ito maidahilan sa inyo, kasi nga naman sa laki ng panalo puwede sila mabankrupt pero di rin nila naisip na kung may mananalo ng ganito kalaki puwede nila itong gawing promotion na pwede kang manalo ng ganito kalaki, at kung talagang glitch ito dapat mataas sa 5 milyon pesos.
Anyway, puwede niya itong dalhin sa korte if ever na gusto niya talagang makuha ito at naniniwala siya na di ito glitch lamang at na-scam lang talaga siya.
Yes, ArenaPlus nga itong gambling company na nasa article na yan, at naibalita na rin yan sa isang sikat na News Channel sa bansa natin.
Pag talo, babay. Pag panalo, glitch. Halatang manipulado at ayaw manalo ang kanilang mga customer eh.
Sabi pa ng nanalo jan eh kinausap na niya yung customer support at ang sabi lang daw eh "Glitch" or hindi kaya "Maintenance" sila. Like WTF!!! Isa sila sa pinakapopular na gambling platform sa bansa natin tapos saka lang sila nagkakaglitch kapag may nanalo ng ganyan kalaki? BTW, nasa around 472M+ PHP yung napanalunan ng player na yan at 2 years na siyang tumataya sa platform nila. Sa tingin ko kaya ito rin ang dahilan ko kaya ayoko tumaya jan sa mga platforms na legal sa bansa natin. Pag panalo, glitch? Patawa.
May abogado naman na itong player na nanalo at ilalaban daw nila sa korte pero para sa akin, malabong makuha niya yang kabuuang halaga ng napanalunan niya (excluding tax syempre).
