Re: Makaka apekto kaya sa pag iinvest natin itong super El Nino
Nag-iisip ako ng mga scenarios kung saan pwede itong makaapekto at isa lang ang naiisip ko.
Isang pamilya na nagiinvest sa crypto thru DCA pero dahil Super El Nino at sobrang init sa area nila, naisip nilang itake advantage itong mainit na panahon at nag-decide na mag-invest sa solar panel para kahit papaano ay mabawasan ang kanilang binabayaran na kuryente dahil sa possible aircon or electric fan.
Isang draw back lang pag sa solar ay hindi agad agad makikita ang ROI mo.
Ewan ko lang kung saan kayo nakatira, pero itong mga nakaraang buwan at minomonitor ko ang per KwH na bayad, sa nag range sya sa akin na 14.8x-15.10 pesos. Pero kung talagang sobrang init ay wala talagang choice kundi mag aircon at talagang tataas ang kuryente.
Kaya siguro sa ating mga investors ay baka mabawasan lang ang pera na pag iinvest natin sa Bitcoin o sa crypto dahil ilalaan natin na mag budget tayo ng mas malaki laki dahil nga sa mas malaking konsumo natin sa kuryente.
Biruin mo, October na, dapat malamig na sa atin pero sa hapon grabe ang init parang summer.