Medyo na discourage ako talaga na mag post sa local at baka dito pa tayo mapahamak. At mapagkamalan na ganyan.
Pero kung ma tag kayo pakita nyo nalang ang discussion dito at para ma aware narin ang iba na existing tong ganito.
Kayo ano ang opinyon nyo dito.
Hindi dapat kabayan, if authentic ka naman sa mga post mo may laban ka naman diyan, huwag ka lang ma discouraged. First and foremost, hindi perpekto yung AI at nagkakamali yan considering na tao lang din naman ang gumawa diyan unless mayroon na talagang will yung AI o agent na mag detect compare to humans. Para sa akin, be authentic and always sound human.
Local nalang ini AI pa? Well actually wala naman talagang problema sa pag gamit ng AI not unless yung reply mo is totally generated, like for example gagawa ka lang ng prompt without constructing your own sentence, dun ka magkaka problema.
Nasa user nalang talaga yan kung pano mo ilalatag yung post mo at bakit na dedetect na AI generated. Wag mag alala kung hindi naman talaga AI post yung gawa mo.
Katarantaduhan, katangahan o napakatamad talaga ng ganyang user if ever kahit lokal post ay ipagkakatiwala pa sa AI. Unless gagawa ka ng thread with help of it pero kahit na dapat authentic ka parin kasi more like mother tongue mo na yan. Jusko!