
Ang Luna Moth Files ay ginawa ng hindi pa nakikilalang panig upang isapubliko ang mga secret document ng Silent Ransom Group.
Ang Silent Ransom Group o kilala ding SRG ay isang organisadong cybercriminal group na nakabase sa Russia.
Ang SRG ay hindi gumagamit ng traditional na ransomware para i-lock ang computer. Umaasa sila sa panloloko at pagnanakaw ng datos. Ginagawa nila eto gamit ang Pekeng Invoice at Callback Phishing. Magpapadala sila ng email sa isang empleyado gaya ng pekeng bayarin. Walang virus ang email pero may nakalagay na numero na pwedeng tawagan kung nais kanselahin.
Kapag tumawag ang biktima, magpapanggap ang hacker bilang Customer Service. Kukumbinsihin nila biktima na mag install ng software para raw maayos ang problema.
Ngunit ang pinakabago nilang paraan ay Physical Office Intrusion. Kinumpirma ito ng FBI na nagpapadali sila ng tao sa mismong opisina o kompanya. Magpapanggap silang IT Technicians at magsasaksak ng USB sa computer ng kompanya upang direktang kopyahin ang mga files.
Kapag nakuha na ang mga files, ang susunod nilang gagawin ay extortion. Magpapadala sila ng email para sa deadline at kung hindi mababayaran ay ipagkakalat ang confidential files.
Ang kadalasang biktima nila ay mga malalaking Law Firms sa Amerika.
Ang SRG ay gumagamit ng crypto upang tanggapin ang mga ransom. Gumagamit sila ng instant exchanges para i-convert ang mga ito sa fiat.
Ang kanilang crypto rules sa pagtanggap ng ransom ay single use wallets. Gumagawa sila ng bagong crypto wallet addy para sa bawat biktima. Mahigpit nilang ipinagbabawal na pagsamahin ang ransom mula sa dalawang magkaibang biktima sa iisang transaction. Ngunit may nagawa silang pagkakamali. Isang member nila ang pinagsama ang pera mula sa dalawang biktima sa isang transaction.
Nagbigay daan ito sa Chainalysis upang maikonekta at ma-trace ang isang malaking payout.
Hindi nga pala isinapubliko ang address at ito ay nasa Dark Web.
Ang hinala nila ay insider daw ang nag leak dahil sa internal dispute. Pwede ring kalaban nilang sindikato.
Paano kaya nila napapalusot ang mga agents nila sa mismong office? Kung nagagawa nila yun sa mga malalaking law firm sa US. Ibig sabihin lang ay talagang matinik ang grupong ito.