May Akda:
achow101Orihinal na Akda sa English:
PSA: ACCOUNTS WILL BE LOCKED IF THE SECRET QUESTION IS USED TO RECOVER IT
Ito ay isang Pampublikong Serbisyong Pahayag:
Kung nawala mo ang iyong password,
HUWAG MONG GAMITIN ANG LIHIM NA TANONG PARA MABAWI ANG ACCOUNT. Magreresulta lamang ito sa pag-locked ng iyong account. Mangyaring gamitin ang email sa pag recover na opsyon upang mabawi ang account.Ang dahilan kung bakit naka-lock ang mga account ay dahil sa noong Mayo 2015 hacked ay inilabas ang Bitcointalk database na hindi ligtas na na-secure ang lihim na Tanong at Sagot. Kaya upang maiwasan ang paghula sa mga sagot, ang ginawa ni theymos ay awtomatikong i-lock ang mga account na naibabalik gamit ang lihim na tanong kapag sinubukan ang opsyong na ito. Ito ay upang pigilan ang mga hacker na maaaring mahulaan ang mga sagot mula sa leaked na database.
Kung ang iyong account ay na locked, para mabawi ito, mangyaring magpadala ng email sa nakalagay sa iyong screen kapag sinubukan mong mag login. Pwede ka ring gumawa ng bagong account at i-pm mo si theymos at badbear. Sa email at sa PM, para mapatunayan ang iyong pagkakakilanlan,
Kailagan mo ng pirmahan ang mensahe kasama ang bitcoin address na dati mo nang ginamit, ng hindi bababa sa 2 buwang nakalipas. Konting pasensiya. Si Theymos at Badbear at abalang mga tao. Ang email mo o pm ay maaaring mawala sa mga ibang bagay na kailangan nilang gawin. Kailangan mong ipadala ulit and iyong email at pm isang beses kada linggo para makita ito at matugunan nila. Kung kailangan mo ng tulong sa pag pirma ng mensahe, pwede mong tingnan ang thread na ito:
https://bitcointalk.org/index.php?topic=990345.0Kung hindi mo nawala ang password mo o kaya nabawi mo ang access sa account mo, wag mong i-set ang lihim na tanong. Magiging abala lang to.
Siguraduhin mo na i-set ang email address na pwede mong ma-access. Magiging madali ang lahat at hindi na kinakailangan ang isang mahabang proseso sa pagbawi.