Wow, ang ganda ng development na ito para sa Southeast Asia. Just this month lang, October 8, officially announced ng SEC ng Thailand na finalized na ang kanilang regulations para payagan ang pag-establish at pag-trade ng cryptocurrency exchange-traded funds (ETFs) sa kanilang stock market.
And according sa
official announcement ng SEC, magiging effective daw ang bagong regulations this October 16, 2026.. And since bago pa lang ito, Bitcoin at Ethereum muna ang kanilang uunahin, at probably madagdagan pa in the future.
Image source: CointelegraphAno ang mga bagong regulations?Well, it's not just about announcing crypto ETFs, syempre meron ding mga guidelines na dapat sundin ng mga fund managers, custodians, at investors. And of course, they need to comply with these regulations.
And ito naman ang mga importanteng information na dapat nating malaman.
- Bitcoin at Ethereum muna — Ito pa lamang ang dalawang cryptocurrency na eligible sa initial phase nila.
- Stock Exchange of Thailand (SET) — Ito lamang ang stock exchange kung saan puwedeng i-list at i-trade ang crypto ETFs.
- 80% exposure requirement — Average exposure lamang ito sa loob ng isang accounting year, para masigurong sa Bitcoin o Ethereum talaga nakatuon ang majority ng investments, at hindi sa ibang assets na maaari ring hawakan ng fund.
- Regulated custodians — Dapat SEC-regulated ang mga custodians na responsible sa pag-iingat ng crypto assets. Additional protection din ito para sa investors.
- Investor protection — So there's a need to explain the risks to investors, especially kung ano ang posibleng mangyari sa kanilang investment, at dapat maintindihan nila ang mga ito bago sila mag-trade.
- No margin loans — Hindi maaaring magbigay ang securities companies ng margin loans para bumili ng crypto ETFs. Meaning, hindi puwedeng mangutang sa broker para lang makabili ng mas malaking investment sa crypto ETF.
Ano ba ang Crypto ETF?For those who are not familiar with ETFs, although madalas na natin itong naririnig, ito naman ay isang investment fund na puwedeng bilhin at ibenta sa stock exchange, at ang performance nito ay nakadepende sa presyo ng Bitcoin at Ethereum (for this example, since dalawa pa lang ang eligible sa initial phase nila).
For example, puwede naman tayong direktang bumili ng Bitcoin, but since minsan hindi tayo comfortable kung paano ito i-secure, baka ma-hack or something, so with ETFs, may alternative na tayo. At least hindi na natin kailangang mag-manage ng sariling Bitcoin wallet or private keys, dahil ang custodian na ang responsible sa pag-secure ng crypto assets. Pero syempre, hindi rin ibig sabihin na wala nang security risks.
But one thing, when you buy a Bitcoin ETF, it does not mean you directly own Bitcoin (just remember that), dahil shares ng fund ang binibili natin, at ang investment natin ay nakadepende sa performance ng Bitcoin.
And even if regulated ang ETF, the risk is still there since investment nga naman ito.
Kailan kaya sa bansa natin?Please share mga kabayan if anong tingin ninyo dito, if possible bang mangyarisa bansa natin in the future, or hindi na?
Anong hindrance, government ba?
Sources:[1]
Thailand SEC — Official Announcement (October 8, 2026)[2]
Cointelegraph — Thailand Finalizes Rules for Bitcoin and Ether ETFs