|
Maslate (OP)
|
 |
October 13, 2026, 02:59:22 AM |
|
 May interesting na balita tungkol sa Bitcoin mining industry, particularly sa Genesis Digital Assets, na dating isa sa malalaking Bitcoin mining companies. Ang interesting dito, unti-unti na silang inililipat ng kanilang bagong majority owner na SWI Group sa AI computing business. So parang sumasabay na rin sila sa AI trend ngayon. Ayon sa report ng Bitcoin.com, nakalikom ang SWI Group ng almost $900 million para sa kanilang AI data center expansion. And since dati silang Bitcoin mining company, may existing infrastructure na sila na maaari nilang gamitin. So plano nilang i-convert ang kanilang dating mining facilities para sa AI computing at ibenta ang natitirang maliliit na mining sites nila sa Kazakhstan, ayon sa report. So curious lang ako, bakit kaya mas pinili nilang lumipat sa AI kaysa ipagpatuloy ang Bitcoin mining? Since businessmen naman sila, nakikita kaya nila na mas malaki ang potential profitability ng AI? Lalo na ngayon na malaki ang demand sa ganitong technology. So kung marami pang Bitcoin mining companies ang susunod sa ganitong direction, ano sa tingin ninyo ang magiging epekto nito sa Bitcoin network? O baka mas makikinabang pa ang mga miners na mananatili dahil mababawasan ang competition?
|
| █▄ | R |
▀▀▀▀▀▀▀██████▄▄ ████████████████ ▀▀▀▀█████▀▀▀█████ ████████▌███▐████ ▄▄▄▄█████▄▄▄█████ ████████████████ ▄▄▄▄▄▄▄██████▀▀ | LLBIT | ▀█ | THE #1 SOLANA CASINO | ████████████▄ ▀▀██████▀▀███ ██▄▄▀▀▄▄█████ █████████████ █████████████ ███▀█████████ ▀▄▄██████████ █████████████ █████████████ █████████████ █████████████ █████████████ ████████████▀ | ████████████▄ ▀▀▀▀▀▀▀██████ █████████████ ▄████████████ ██▄██████████ ████▄████████ █████████████ █░▀▀█████████ ▀▀███████████ █████▄███████ ████▀▄▀██████ ▄▄▄▄▄▄▄██████ ████████████▀ | ........5,000+........ GAMES ......INSTANT...... WITHDRAWALS | ..........HUGE.......... REWARDS ............VIP............ PROGRAM | . PLAY NOW |
|
|
|
fighter2627
Full Member
 
Online
Activity: 306
Merit: 106
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
|
 |
October 13, 2026, 12:42:41 PM |
|
Malawak na usapin yan sir, Una ang SWI group ay Europe based company, second pinalitan nila ang GDA(genesis digital assets) ng SWI digital. Ngayon ang tanung bakit nila ito ginawa? ang reason ay yung pagconvert ng mga lahat na suitable na bitcoin mining ay lilipat sa AI. Hindi rin naman nakakapagtaka na mangyari yung paglipat kasi nga dahil ang SWI group ay tinatawag na AIONX at nangyari ito dahil hawak ng SWI yung 77.2% shares sa GDA. Kaya kung meron mang mga ibang mining site na lilipat siguradong manggagaling ito sa US based, siguro sa ngayon sa ginawa nilang ito hindi pa ito ganoon makakaapekto sa network, pero pag once na makumpleto yung paglipat na hindi natin alam kung kelan ay malamang makaapekto ito sa Hashrate nya dahil mababawasan ito, pakicorrect lang ako kung mali yung pagkakaintindi ko sa bagay na ito. Though mababawasan yung competition sa mga maiiwan na mga miners, dahil bababa rin yung mining difficulty nya na siyang magiging dahilan para gumanda yung kita ng mga maiiwan na miners.
|
|
|
|
|
Maslate (OP)
|
 |
October 14, 2026, 03:19:47 AM |
|
pakicorrect lang ako kung mali yung pagkakaintindi ko sa bagay na ito. Though mababawasan yung competition sa mga maiiwan na mga miners, dahil bababa rin yung mining difficulty nya na siyang magiging dahilan para gumanda yung kita ng mga maiiwan na miners.
Tama ka, bababa ang competition at bababa rin ang difficulty, so mas maraming rewards ang makukuha ng mga miners. However, itong mining operation nila ay isang business naman, so kahit tumaas pa ang rewards, hindi ibig sabihin na profitable na ito since nakadepende pa rin sa presyo ng Bitcoin ang income nila. Kaya siguro may mga lumilipat kasi risky ang business nila since unpredictable ang presyo ng Bitcoin, unlike sa AI business where they can earn dollars.
|
| █▄ | R |
▀▀▀▀▀▀▀██████▄▄ ████████████████ ▀▀▀▀█████▀▀▀█████ ████████▌███▐████ ▄▄▄▄█████▄▄▄█████ ████████████████ ▄▄▄▄▄▄▄██████▀▀ | LLBIT | ▀█ | THE #1 SOLANA CASINO | ████████████▄ ▀▀██████▀▀███ ██▄▄▀▀▄▄█████ █████████████ █████████████ ███▀█████████ ▀▄▄██████████ █████████████ █████████████ █████████████ █████████████ █████████████ ████████████▀ | ████████████▄ ▀▀▀▀▀▀▀██████ █████████████ ▄████████████ ██▄██████████ ████▄████████ █████████████ █░▀▀█████████ ▀▀███████████ █████▄███████ ████▀▄▀██████ ▄▄▄▄▄▄▄██████ ████████████▀ | ........5,000+........ GAMES ......INSTANT...... WITHDRAWALS | ..........HUGE.......... REWARDS ............VIP............ PROGRAM | . PLAY NOW |
|
|
|
fighter2627
Full Member
 
Online
Activity: 306
Merit: 106
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
|
 |
October 14, 2026, 05:06:41 AM |
|
pakicorrect lang ako kung mali yung pagkakaintindi ko sa bagay na ito. Though mababawasan yung competition sa mga maiiwan na mga miners, dahil bababa rin yung mining difficulty nya na siyang magiging dahilan para gumanda yung kita ng mga maiiwan na miners.
Tama ka, bababa ang competition at bababa rin ang difficulty, so mas maraming rewards ang makukuha ng mga miners. However, itong mining operation nila ay isang business naman, so kahit tumaas pa ang rewards, hindi ibig sabihin na profitable na ito since nakadepende pa rin sa presyo ng Bitcoin ang income nila. Kaya siguro may mga lumilipat kasi risky ang business nila since unpredictable ang presyo ng Bitcoin, unlike sa AI business where they can earn dollars. Uu kasi nga itong SWI ay isang investment conglomerate na meron silang data center na tinatawag at yun nga yung Aionx. Saka tulad ng sinabi ko ang mga lilipat lang dyan ay yung mga mining na nasa us based sigurado ako dyan. Saka sang-ayon sa pananaliksik na ginawa ko ay hindi lang naman ito ngayon nangyari na kung saan may mga miners na nagsisialisan dahil nangyari na ito before kung hindi ako nagkakamali, at nababalanse parin naman ng network yung mga miners na naiiwan sa mga miners na umaalis? tama ba ako sir?
|
|
|
|
|
coin-investor
|
 |
October 14, 2026, 02:47:54 PM |
|
So curious lang ako, bakit kaya mas pinili nilang lumipat sa AI kaysa ipagpatuloy ang Bitcoin mining? Since businessmen naman sila, nakikita kaya nila na mas malaki ang potential profitability ng AI? Lalo na ngayon na malaki ang demand sa ganitong technology. Ganito talaga ang mga kumpanya doon sila kung saan sila mas kikita, kasi na-realize nila na kung comparison malaki ang potensyal ng AI dahil lahat ng malalaking players sa internet ay may AI at gusto nila na makakuha ng shares ng market, ang AI ay malapit sa kanilang business model kaya naging madali sa kanila na magdesisyon na lumipat So kung marami pang Bitcoin mining companies ang susunod sa ganitong direction, ano sa tingin ninyo ang magiging epekto nito sa Bitcoin network? O baka mas makikinabang pa ang mga miners na mananatili dahil mababawasan ang competition? Hindi mawawalan ng miners ang Bitcoin at mas gugustuhin pa nga nila na mabawasan ang competition. May mga miners na naka-set up ang kanilang model nang pangmatagalan, hindi dahil sa profit lang kundi dahil sa dedication nila sa kanilang nasimulan.
|
|
|
|
|
bhadz
|
 |
October 14, 2026, 03:49:30 PM |
|
So curious lang ako, bakit kaya mas pinili nilang lumipat sa AI kaysa ipagpatuloy ang Bitcoin mining? Since businessmen naman sila, nakikita kaya nila na mas malaki ang potential profitability ng AI? Lalo na ngayon na malaki ang demand sa ganitong technology.
Yan ang rason diyan, mas malaki ang profit sa AI infrastructure at meron naman na sila nun. Ganyan naman yung mga tech companies, kung saan ang profitable, doon sila at hindi naman nila basta basta iiwan yung mining dahil posibleng mga allot pa rin sila ng infra nila diyan. At kaya din naman sila siguro nakareceive ng $900M funding dahil sa condition na dapat ay magshift na sila into AI. So kung marami pang Bitcoin mining companies ang susunod sa ganitong direction, ano sa tingin ninyo ang magiging epekto nito sa Bitcoin network? O baka mas makikinabang pa ang mga miners na mananatili dahil mababawasan ang competition?
Tingin ko mananatili lang din yung competition dahil yung difficulty hindi naman na yan magbabago. Kung may aalis, may ibang makakakita ng opportunity na papalit sa kanila.
|
|
|
|
robelneo
Legendary

Activity: 4130
Merit: 1310
Bitz.io Best Bitcoin and Crypto Casino
|
 |
October 14, 2026, 04:31:15 PM |
|
Alam naman natin na papaunti ng papaunti ng narereceive na rewards ng mga miners bukod pa sa marami silang kakakumpitensya dito kaya marami sa mga mining companies ang naghahanap ng mga alternatives para makaalis sila sa mining at ang AI ay isang magandang option.
Malamang marami sa kanila ang susunod, pero mayroon pa ring matitira sa mining dahil alam naman natin na patuloy ang pag taas ng Bitcoin.
Dahil sa paglipat na ito lalong lalakas ang industriya ng AI at isa ito sa magiging malaking industriya sa hinaharap.
|
|
|
|
|
rbynxx
|
 |
October 14, 2026, 10:43:21 PM |
|
Sa tingin ko, mas attractive lang talaga ang AI ngayon dahil sa mataas na demand at potential na mas stable na kita kumpara sa Bitcoin mining or talagang trend ito o ito an susunod na best investment kasi early parin. Mas challenging na rin kasing kumita dahil sa reduced block rewards at tumataas na competition at ang dami ring malalaking kompanya ang parang nag momonopolyo rito.
Pero kung marami mang miners ang lumipat sa AI, posibleng dito makinabang ang mga matitirang miners dahil mag-adjust naman ang difficulty sa pagminina. Basta hindi lang sobrang bumaba ang hashrate ng BTC, sa tingin ko hindi naman ito magiging malaking problema sa Bitcoin network.
|
|
|
|
fullfitlarry
Sr. Member
  

Activity: 518
Merit: 372
You Attract What You Are
|
 |
October 15, 2026, 01:02:17 AM |
|
Marami rami na ring kumpanya ang nagbenta ng Bitcoin nila para mag shift sa AI. Wala naman akong nakikitang masama sa moves nila na ganito. Ang kagandahan naman ay anytime pwede silang bumalik sa pagbili ng Bitcoin at ilagay ulit nila sa treasury nila at napakadali naman nito.
|
|
|
|
|
Botnake
|
 |
October 15, 2026, 12:41:51 PM |
|
Wala naman akong nakikitang masama sa moves nila na ganito.
if bitcoin miners sila, sugal rin gagawin nila since they have to sell their equipment. For miners ASIC Miner ang gamit while sa AI are GPU Computers or AI servers. So they need to see na profitable ang AI Data Center para sulit. Ang kagandahan naman ay anytime pwede silang bumalik sa pagbili ng Bitcoin at ilagay ulit nila sa treasury nila at napakadali naman nito.
This is is investing in bitcoin, I think hindi masyadong related ito since shift ang usapan.
|
|
|
|
abel1337
Legendary

Activity: 2646
Merit: 1151
|
 |
October 15, 2026, 01:07:49 PM |
|
SWI Chief Executive Max-Hervé George said. On bitcoin mining, his position was even clearer: he has “zero interest.” Frank na sinabi ng SWI Chief Executive na wala silang pake sa bitcoin kaya most likely mapapalitan at matutuloy yung plano nila na iconvert yung mining infrastructure ng Genesis Digital. Satingin ko inacquire lang nila yung genesis digital para ma control nila yung existing mining sites para maconvert nila into AI data center, Isa yun satingin ko na biggest reason kung bakit nila inaim na maging biggest share holder sa Genesis Digital. I think it's way cheaper na mag acquire ng existing company at iconvert nalang ito compared sa gagawa ng bagong infrastructure para sa AI data center. I personally think this is a good move since makakatipid sila at mas mataas ang potential return kung business ang pag uusapan, pero nakakalungkot ito kasi pwede ito mag trigger ng interest ng other mining companies na mag pivot na din sa pagiging AI data center. If proven effective tong business strategy nato is satingin ko mas dadami yung crypto mining business na mag pipivot as an AI data center.
|
|
|
|
|
aioc
|
 |
October 15, 2026, 11:44:48 PM |
|
Itong pag shift ng Bitcoin mining company ang isang patunay na ang AI ay legal na concept at ito ay magtatagal o magiging permanent, kaulad ng Internet at Cryptocurrency mananatili ang AI bilang isa sa mga ginagamt ng mga netizen.
Dahil sa legal concept, maraming scam na AI ang lalabas kaya maging matalino tayo sa pagpili ng tamang AI na gagamitin natin at sa market share ng AI malamang na mas malaki ang makukuha ng mga internet giants tulad ng Facebook, Google at iba pa.
|
|
|
|
|
xLays
|
 |
October 15, 2026, 11:52:57 PM |
|
Kung hindi na kasi profitable sa pag mine ng bitcoin di ba bakit kapa mag iistay sa industry na yun. Baka mas profitable na kasi sa AI kaya ganun na lumilipat na sila. For sure magsisilipatan ang iba kapag alam nilang profitable sa AI. At yung natitirang miner lalo lang silang mag dadagdag or upgrade.
|
| .SHUFFLE.COM.. | ███████████████████████ ███████████████████████ ███████████████████████ ███████████████████████ ███████████████████████ ███████████████████████ ███████████████████████ ███████████████████████ ███████████████████████ ███████████████████████ ███████████████████████ ███████████████████████ ███████████████████████ | ███████████████████████ ███████████████████████ ███████████████████████ ███████████████████████ ███████████████████████ ███████████████████████ ███████████████████████ ███████████████████████ ███████████████████████ ███████████████████████ ███████████████████████ ███████████████████████ ███████████████████████ | . ...Next Generation Crypto Casino... |
|
|
|
|
tech30338
|
 |
Today at 12:38:58 AM |
|
Kung hindi na kasi profitable sa pag mine ng bitcoin di ba bakit kapa mag iistay sa industry na yun. Baka mas profitable na kasi sa AI kaya ganun na lumilipat na sila. For sure magsisilipatan ang iba kapag alam nilang profitable sa AI. At yung natitirang miner lalo lang silang mag dadagdag or upgrade.
sa pagkakaalam ko kasi kaya kinumvert nila ang mga facility ay mas mataas ang potential ng AI pagdating sa profit, pagkatapos ang mga old gpu ay magagamit nila sa AI, ang asic hindi, pero less ang expenses at mas malaki ang profit na nakukuha kaya most of them ay ngshift na sa bitcoin mining into ai, kasi malaki expenses sa mining, tapos hindi na kaya ng return, kaya nglipatan na talaga sila, less hassle padin para sa kanila. Nagbabago talaga ang technoloy use kada taon na dumadaan.
|
|
|
|
|
Botnake
|
 |
Today at 03:05:53 AM |
|
Kung hindi na kasi profitable sa pag mine ng bitcoin di ba bakit kapa mag iistay sa industry na yun. Baka mas profitable na kasi sa AI kaya ganun na lumilipat na sila. For sure magsisilipatan ang iba kapag alam nilang profitable sa AI. At yung natitirang miner lalo lang silang mag dadagdag or upgrade.
I think profitable pa rin naman kabayan, siguro lumipat lang sila kasi may mas profitable na business which is AI data centers. Lumalaki na rin kasi ang demand sa AI kaya mas mabuti na habang maaga pa, doon na sila mag-invest, just like Bitcoin mining noon na profitable naman during its early stages until dumami ang competitors at tumaas ang mining difficulty habang hindi naman ganoon kabilis tumaas ang presyo ng Bitcoin.
|
|
|
|
GreatArkansas
Legendary

Activity: 3206
Merit: 1529
Bitcoin Fixes It
|
 |
Today at 03:09:20 AM |
|
May nakita din nga ako na news about shoes company sila then lumipat din sila ng AI business, hahaha. So possible nga may future ang AI, ito isa sa mga big innovation na nangyari sa century na ito kasama ang Bitcoin. Para s a akin, di parin mawawala ang Bitcoin at kahit itong Bitcoin Mining, kasi need parin natin ng compute AI man or Bitcoin.
|
|
|
|
|
Russlenat
Legendary

Activity: 3668
Merit: 1095
Bitz.io Best Bitcoin and Crypto Casino
|
 |
Today at 07:02:04 AM |
|
May nakita din nga ako na news about shoes company sila then lumipat din sila ng AI business, hahaha. So possible nga may future ang AI, ito isa sa mga big innovation na nangyari sa century na ito kasama ang Bitcoin. Para s a akin, di parin mawawala ang Bitcoin at kahit itong Bitcoin Mining, kasi need parin natin ng compute AI man or Bitcoin.
Obviously mas malaki talaga ang demand for AI data centers since most people, if not all, will be using AI in their daily jobs. Honestly, even ako parang hindi na makapag-work nang maayos without AI. I'm working in an office, and I do a lot of communication, so I need an AI assistant, particularly OpenAI's ChatGPT, to help me with my tasks since most of my communications need to be formal. Also, I've been exploring a little bit of programming, and AI has been helping me a lot. If you're familiar with Claude, OpenAI also has Codex, so I've been doing some vibe coding, and nakaka-excite din pala kasi hindi ko naman pinag-aralan ang programming but with AI, naging madali ang lahat.
in terms of demand, AI is for 90% more or less of the world popular ( just estimate) while bitcoin ( 5% i guess)
|
|
|
|
|