Medyo marami-rami na rin ang mga scams ngayon. Malaki pala talaga ang nakukuha ng mga scammers as there was a report shared in
this post na umabot na sa billions ang estimated losses in just one year, sana ma-update na rin ni
Kelvinid ang kanyang scam list.
Sana ma-update nga since meron na rin pala tayong thread na ganito, yung parang directory na lang ng mga proven/suspected scams.
Sino kaya yang Erica Aguilar na yan baka dummy name lang din na ginagamit ng mga scammers para makapang uto.
Baka AI na lahat, ang dali nalang ng trabaho ng mga scammers.
Imagine, if meron kang mga AI agents sila ng mag work sayo, so yung owner (scammer) nagbabakasyon lang habang pumapasok ang pera.
Sa dami ng naglipana na scam involving crypto ngayon, hindi nasagap ng radar ko itong scam platform na to. Pero mukhang nag rug pull na ata to, kasi madami na reklamo tungkol dito at may mga groups na din na nabuo sa social media para habulin ang ulo nitong trading platform na to.
Base sa mga nababasa ko na mga scams, wala pa akong nabasa na nahuli ang head.
Kaya if ma detect ang scam nila, gawa naman sila ulit ng bagong company since madali lang naman mag register sa SEC through online.