Maganda sana itong Pax Silica kung hindi pinapaalis sa mga lupang tirahan ng mga katutubo yung paggagawaan ng facilities nila. Sa papel, magandang pakinggan na may mag iinvest dito para sa manufacturing mga chips at pati na rin AI hubs. Pero, kung ang kapalit naman ay kawalang hiyaan naman sa mga katutubo ay huwag nalang pati na rin sa mga magsasaka. Ninanakaw yung lupa nila at sapilitang pinapabenta sa kanila sa murang halaga. At tungkol sa tubig, ngayon palang nangangamba na ang marami sa water supply natin tapos itong facility na ito sobrang daming litro sa araw araw. Kaya sana mauntog yung ulo kung sinomang magpupush nito at magising sa katotohanan na dapat kapakanan muna ng bayan natin at mamamayan ang isipin, kasi yung natural resources natin para naman talaga sa ating lahat.
Ano pa ang susunod?
Wala na akong maisip pa na iba kasi puro pulitika ang inaatupag ng gobyerno ngayon.