Bitcoin Forum
October 18, 2026, 01:12:29 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 31.1 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Pax Silica - Super El Niño  (Read 15 times)
Mr. Magkaisa (OP)
Hero Member
*****
Offline

Activity: 1638
Merit: 501


EagleSwap.to | Crypto Exchange


View Profile
October 17, 2026, 02:01:42 AM
 #1

Ang Pax Silica ay isang malawakang hub na balak itayo sa Pilipinas sa puso ng Pampangga, Nangangailangan ito ng maraming tubig na inaasahang 90Milyong litrong tubig araw-araw. Sinasabi na kakayanin ng gobyernong ibigay ito at hindi maaapektuhan ang mga kabahayan sa pangangailangan ng tubig, pero walang nakalatag na plano.

Ang Super El Niño ay nagsisimula na, Isang problemang kakaharapin hindi lang ng Pilipinas kundi ng buong karatig bansa sa Asya. Ang Pacific Ocean ang nagdadala ng hangin papunta sa Pilipinas at iba pang bansa mula sa malawak na karagatan ngunit sa panahong ito, Mag-iiba ang ihip ng hangin at pakabgila ang agos nito na magdadala ng matinding tagtuyot dahil sa kawalan ng ulan at matinding init ng panahon. Ngayon palang ay nagkaroon na ng solusyon ang gobyerno na maghanada at bumili ng timba upang sahurin ang tubig ulan.

Kung ang El Niño ay hindi kayang tugunan ng kahandaan sa loob lamang ng ilang buwan, walang solusyon. Paano pa ang pang habangbuhay na 90milyon litro ng tubi sa araw araw?

Noon: Flood control ay binunyag na hindi matagumpay at ninakaw lang ng sabihin na ang mahigit na 5,000 flood control project ay ayos na at ito ay binunyag ng sunod sunod na bagyo.
Ngayon: Ang kayang ibigay na 90M litro ng tubig araw-araw ay binunyag naman na walang sapat na kakayanan ng Super El Niño.

Ano pa ang susunod?
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!