OFW CRYPTO REMITTANCE GUIDE
Paano Magpadala ng USDT o USDC Papuntang Pilipinas
Step-by-step tutorial para sa mga OFW at kanilang pamilya
Normally pag nagpapadala ang mga OFW sa bansa natin, gumagamit sila ng mga remittance centers at mga bank, but with the popularity of stablecoins, like USDT and USDC, maaari na nila itong gamitin sa pagpapadala, dito makikita natin kung ano ang mga advantages compared sa traditional system.
In this tutorial we will see kung paano magpadala from start until ma-convert ang crypto into Philippine peso.
01 | Ano ang USDT at USDC?
Syempre dapat malaman muna natin kung ano ang mga ito, ang dalawang ito ay stablecoins that are designed to maintain a value close to the US dollar, so hindi ito katulad ng Bitcoin na volatile ang price.
For example meron kang 100 USDC, ang value nito ay around $100, although hindi guaranteed na laging $1 ang value ng isang USDC since nagbabago rin minsan though hindi ganoon ka-volatile gaya ng Bitcoin.
USDT / USDC
100 USDC ≈ $100 USD
Example lamang, hindi guaranteed ang exchange rate
02 | Ano ang kailangan ng OFW at ng receiver?
Bago makapagpadala dapat meron na ng mga ito.
- Account sa isang trading platform na legal sa bansang pinanggagalingan ng padala ng isang OFW
- Verified account ng receiver sa isang BSP-authorized crypto service provider sa Pilipinas na sumusuporta sa napiling stablecoin. Gaya ng Coins.ph and PDAX, o kung gusto mo meron din namang ibang international platforms pero kailangan munang i-check kung authorized silang mag-operate sa Pilipinas.
- Syempre stablecoins (USDT or USDC)
- Correct deposit address and make sure na same network ang gamit ninyo.
- And dapat alam mo kung paano i-withdraw ang peso balance mo once converted na iyan.
Para ma-verify mo kung legit ang ginagamit mong crypto platform, puwedeng tingnan ang mga BSP-supervised institutions dito:
BSP Financial Institution Verifier
03 | Paano magpadala ng USDT o USDC?
STEP 1 - BUY STABLECOINSAng OFW ay bibili ng USDT or USDC sa kanyang trading platform gamit ang available payment method. (through banks or e-wallets)
STEP 2 - GET THE RECEIVING ADDRESSAng receiver sa Pilipinas dapat siguraduhin niya na ang address na ibibigay ay tama kasi kung mali walang guaranteed reversal ito or kung may recovery option man it will take time.
STEP 3 - CHECK THE NETWORKDapat supported ang network na gagamitin ng both sender and receiver
STEP 4 - COPY AND DOUBLE-CHECKKapag magbibigay ng address or mag-input sa papadalhan, make sure huwag isulat manually, just copy-paste para makopya nang tama at double-check before ipadala
STEP 5 - SEND A TEST AMOUNTIf concerned or first time, padala muna ng maliit then confirm if dumating saka ipadala ang balance
STEP 6 - CONVERT TO PHPKapag natanggap na ng receiver ang stablecoins (USDC or USDT) puwede na itong ma-convert into PHP
STEP 7 - CASH OUTI-withdraw ang peso papunta sa bank mo or e-wallet.
SIMPLE TRANSACTION FLOWOFW ABROAD
|
v
BUY USDT / USDC
|
v
SEND TO RECEIVER
|
v
CONVERT TO PHP
|
v
BANK / E-WALLET
Example using Coins.ph:If Coins.ph ang gagamitin natin, matapos mong ma-receive ang stablecoins puwede mo itong i-convert into PHP, and then withdraw through bank or e-wallet. May news na temporarily suspended ang PESONet and InstaPay cash-in services pero hindi kasama rito ang cash-out ayon sa available advisory kaya swak ito dito, basta operational pa rin ang withdrawal service kapag gagamitin mo na.
04 | Mas mura ba ito kaysa traditional remittance?
Hindi sa lahat ng pagkakataon, pero maaari itong maging mas mabilis.
Kailangan nating isama ang mga sumusunod sa computation:
- Fee sa pagbili ng stablecoin
- Exchange rate o conversion spread
- Blockchain withdrawal o network fee
- Fee sa pag-convert ng stablecoin into PHP
- Cash-out fee papunta sa bank o e-wallet
05 | Ano ang mga risks?
IMPORTANT WARNINGKapag naipadala mo sa maling address posibleng hindi na mabawi ang funds mo
SourceKaya laging i-double-check ang address at network bago magpadala.
REFERENCES