Laki pala ng effect ng pagtanggal ng direct links ng e-wallets sa mga gambling platforms particularly sa GCash.
Kasi based sa
nabasa ko, ito ang naging epekto sa revenue ng dalawang kumpanya sa first half ng 2026.
GCash (Mynt) - Bumaba ng 3.7% ang payment solutions revenue, equivalent to approximately ₱957 million na decline compared sa same period last year.
DigiPlus (BingoPlus at ArenaPlus) - Nag-report ng 31.2% revenue decline, equivalent to approximately ₱14.9 billion compared sa same period last year.
Dahil ito partly sa BSP restrictions na nagsimula noong August 2025, so more than a year na pala at ito ang nakikita nating epekto. Although hindi lahat ng revenue decline ay necessarily dahil lang sa restrictions, malaking factor ito ayon sa report.
And with these figures, masasabi nating mukhang effective nga ang strategy ng gobyerno, although hindi pa rin totally nawala ang gambling dahil makakapagsugal pa rin naman tayo gamit ang ibang payment methods. But this shows na malaking factor talaga ang easy access sa online gambling.
Sa tingin ninyo, kung ipagpapatuloy ang ganitong restrictions, mas bababa pa kaya ang online gambling activity o eventually makakahanap lang ng ibang paraan ang mga gamblers?