Sa tingin ko ay isang publicity stunt lang ito para makakuha ng attention. Kung titingnan natin, para itong isang start up, maaring security start-up company ito. I do not think na may kakayanan silang tukuyin o suportahan ang kanilang countdown claim dahil hindi idle ang mga developer sa pagdevelop ng technology na magreresist sa quantum threat.
Interesado ako kung ano ang propaganda ng tao behind sa Quantum Doomsday Clock. Nagooffer kaya sila ng service about preparation para sa Q-Day, if yes, alam na this..

Agree ako na isa lang tong publicity stunt at naki ride lang sila sa hype ngayon tungkol s Quantum Computing sinasabing katapusan na ng Bitcoin.
I don't think that's just a publicity stunt. Yung mga
founders ng site na yan, sina Dr. Richard Carback at Colton Dillion, are both co-founders ng Postquant Labs, and that company is also a member of The Quantum Alliance. Other noticeable members of it are Hacken, Midnight Foundation, and Quantus. Ang main aim ng The Quantum Alliance ay mag-publish ng security tests and guides para sa paglipat ng kasalukuyang network sa quantum-resistant systems.
As for the services they offer, I think it's meant for all na gustong gawing quantum-resistant ang BTC holdings nila. Especially sa mga known wallet address na abandoned or never been claimed.
Even CZ (Binance Founder) suggested that, too. Suggestion niya is e freeze ang BTC na hawak ng known wallet address ni Satoshi para once umabot na sa tayo sa panahon na possible na talaga ang quantum hacks, safe yung funds ng BTC Founder. They could just prove they own it and claim it if they want to.
Source: [
1]
Based sa article or discussion about quantum computing parang masyado pang maaga para masabi na mabreak nila ang bitcoin security gayung di tugma sa numbers na need like 1.9billion qubits well close to impossible siguro saka by that time mas nastrengthen na ng mga core bitcoin developers ang bitcoin network.
This was before, at noong mga panahong iyon, akala nila 2032 and above pa magiging possible ang ganitong scenario, pero sa recent research and studies na nilabas ng Google, less than 500,000 physical qubits 'lang ang kailangan. 1.9 billion down to 500k; 20-fold reduction.
The good thing is lahat ng 'to theoretical pa 'lang at wala pang kahit anong hardware sa mundo ang kayang makakagawa niyan. Even Google's most advanced chip, Willow, may 105 qubits 'lang.
Source: [
2]