Kayo ano ang na notice nyo? or similar parin na yung mga kapitbahay nyo ay wala paring pake kay Bitcoin?
For me parang same pa din kasi based sa reaction nila usually ang comment parang axie yan diba bumagsak after ilang months. Kek masyadong maingay ginawa ni Jessica Sojo kasi yun pa din ang impression.Sa akin lang to, para wala naman akong nakikita o nararamdaman na adoption ng Bitcoin o iba pang cryptocurrencies. Parang iba parin ang tingin ng Pinoy dito na para bang isang scam o ponzi scheme.
Although napaguusapan naman sa social media at meron naman akong nakikitang nag tumatalakay sa topic na to, pero parang tingin ko kulang parin sa ideya ang ating kababayan kung ano ang Bitcoin o crypto o anong paraan para kumikita dito.
Medyo hati pa rin talaga ang madlang people kasi nga yung mga nascam about crypto yung impression nila ay puro galit and mahirap talaga mabura yun sa mga taong nabiktima na pero syempre may mga naniniwala or yung dati na tapos nakakahikayat na magexplore about bitcoin ans blockchain. Kaya medyo 50/50 pa din.