Ano ba ang TRM Labs?Ito ay isang private blockchain intelligence company na itinatag noong 2018 sa United States. Nakikipagtulungan sila sa mga law enforcement agencies at crypto exchanges para makatulong sa pag-trace ng stolen funds at iba pang illegal crypto transactions.
Balak din nilang palawakin ang kanilang support sa Southeast Asia, at sa tingin ko malaking tulong ito lalo na sa bansang tulad ng Pilipinas na marami na ring nabibiktima ng crypto scams. Pati na rin sa mga kaso ng corruption kung saan posibleng ginagamit ang crypto para itago ang ill-gotten wealth. Just recently, may report tungkol kay Atong Ang na posibleng nag-convert ng malaking halaga ng kanyang pera into cryptocurrency, although hindi pa ito confirmed. Malaking tulong ang ganitong technology sa pag-trace ng mga funds kung mapapatunayan na dumaan nga ito sa crypto.
Paano nila nata-trace ang stolen crypto?May system sila na tinatawag na
Beacon Network, kung saan nakikipagtulungan ang investigators at participating crypto exchanges.
1. Kapag may stolen crypto, maaaring i-report ang wallet address at transaction details.
2. Gagamit sila ng blockchain analysis para ma-trace kung saan napunta ang funds kahit dumaan sa ibang wallets.
3. Kapag nakarating sa participating exchange, maaaring makatanggap ito ng alert at ma-hold ang funds bago ma-withdraw.
pero it does not mean if ma trace mababawi agad, at least ma solve na ang hardest part, next niyan is law enforcement na and required cooperation ng exchanges.
Sa tingin ninyo, gaano kalaking tulong ang ganitong technology sa Pilipinas, possible rin kaya ma solve ang corruption on politicians converting fiat to crypto?Sources:BitPinas - TRM Labs InterviewBitPinas - Report on Atong Ang's Alleged Cryptocurrency Holdings