Naisipan ko na gumawa ng maikiling kasaysayan ng Hardware wallet at napapanahon parin naman ang paksang ito dahil ito na tayo nakaka get over sa issues ng CryptoBilis at Coldcard hack.
1.
Pre-2013 - Ang mga Bitcoin investor ng mga panahon na to ay kadalasang sa paper wallet at offline nila ito ginagamit sa pag store ng kanilang Bitcoin.
2.
2013-2014 - Lumabas ang kauna unahang hardware sa merkado, at ito ang Trezor Model one. At ito ay ginawa ni Marek “Slush” Palatinus and Pavol “Stick” Rusnák, ang founder ng SatoshiLabs. Ito ay opisyal na ni launched noong July 29, 2014
3.
2013-2016 - Nilabas ng Ledger ang kanilang hardware wallet at tinawag ito HW1. Isang simpleng chip na kung saan pwede mong itago ang iyong Bitcoin private keys na offline.
4.
2014 pataas - Maraming nang lumabas na hardware wallets at marami na tayong pagpipilian. Katulad ng KeepKey at ang mga screen nito ay malalaki na.
5.
2018-2019 - Nilabas ng Trezor ang kanilang model T na touchscreen. At inayos narin ang recovery at backup options, kasama na rito ang Shamir Backup and SLIP-39 sa pag hati hati ng recovery seed.
6.
2020's - Mas malawak at maraming security na desenyo. Open source firmware, QR transactions at larger touchscreens, ay mayroon ding wireless connectivity. Katulad ng Blockstream Jade, Foundation Passport, at mga bagong design ng Trezor at Ledger.
https://trezor.io/blog/news/a-decade-of-pioneering-10-years-since-trezors-first-hardware-wallet-revolutionhttps://www.ledger.com/academy/topics/ledgersolutions/ledger-hardware-devices-explained-the-10-year-evolutionhttps://www.historyofbitcoin.io/timeline/keeping-it-coldhttps://www.ledger.com/ledger-nano-s-secure-multi-currency-hardware-wallethttps://bitwallets.org/1/bitcoin-wallet.html