Imagine one day pag bukas mo ng wallet mo may nakita kang 1 BTC na pumasok and coming from an address na hindi mo kilala, ano ang gagawin mo dito, i-hold mo ba or gagastusin mo? Question lang kung ano ang reaction niyo kasi baka mangyari rin ito one day sa atin.
Unang reaksyon? Magugulat siyempre. I mean sino ba naman ang mag-aakala na makakakuha ka ng 1BTC out of nowhere, di ba?
Anong gagawin after? Dun na magkakatalo dahil baka ang karamihan dito ay baka gamitin pang-invest sa ibang asset class, i-convert sa fiat money, or gastusin completely, and hindi naman ako against dito pero para sa akin, may mas maaus pang approach pag nangyari ito sa atin.
Maghintay ng around 90 days to 6 months. Bakit? Baka may magclaim rin nito at gagayahin ko yung sinabi ni @SFR10 na manghihingi muna ako ng signature galing sa sender's address bago ko ibalik at nasa kanya na yun kung bibigyan niya ako ng reward or hindi. Ang kaibahan lang siguro is hindi ako yung lalapit sa iba't ibang mga forums para hanapin kung sino ang owner ng 1 BTC na yun pero kapag may nakita akong post na naghahanap at nai-post yung BTC address ko which is the receiving address then dun ako gagawa ng aksyon.
Ngayon sabihin nating walang nag-claim after 6 months na palugit, dun ko siguro iisipin kung anong gagawin ko sa 1 BTC na yun. Sa ngayon wala akong naiisip pero baka i-diversify ko rin sa iba't ibang altcoins.
