Naisip ko lang kung hindi pinagbawalan ang pagpasok ng ibang bansa sa pamamagitan ng paghinto ng pagtanggap ng mga aplikasyon, gaano na sana kalayo ang development ng crypto sa ating bansa?
Hindi ko sinasabi na magiging advanced tayo, pero makaka-keep up tayo sa ibang bansa na bukas sa pagtanggap ng mga global exchange. Makaka-experience tayo ng iba't ibang features na ino-offer ng mga global exchanges na di mo makikita o ma-e-experience sa mga local exchanges natin.
Dahil hindi tinatanggap ang application ng mga global exchange, marami ang nakakaramdam na parang paatras tayo, dahil huli tayo sa latest development ng mga global exchange.