|
Natalim (OP)
|
 Sa bagong balita, muling nagtaas ng interest rate ang BSP ng 50 basis points, making it 5.50%. Pang-apat na sunod na pagtaas na ito dahil sa patuloy na pagtaas ng inflation na umabot sa 7.2% noong September. Sabi nila, ang purpose nito ay para makontrol ang inflation, pero may epekto rin ito sa ating economy tulad ng: 1. Housing at car loans - Mas nagiging mahal ang pangungutang dahil maaaring tumaas ang interest rates. 2. Business loans - Mas mataas ang borrowing costs kaya maaaring maapektuhan ang expansion ng mga negosyo. 3. Bank savings - Posibleng tumaas ang interest sa savings at time deposits, pero hindi automatic. 4. Presyo ng bilihin - Layunin nitong pabagalin ang inflation, pero hindi ibig sabihin na agad bababa ang presyo. 5. Bitcoin at investments - Posibleng mabawasan ang demand sa risky investments dahil mas nagiging attractive ang interest-bearing assets.
So with these possibilities na nakikita natin, hindi na worth it mag-save ng pera sa bank kung ang goal mo is growing your money, kasi kung ang yearly interest ay 5% but the inflation is 7.2%, your money might grow but the purchasing power will drop.. in short, need natin ma-grow yung money natin more than the inflation rate para mapanatili ang purchasing power nito. So with this, would you choose to invest in Bitcoin, ma-solve kaya nito ang problem ng inflation?
|
|
|
|
|
Ziskinberg
|
 |
October 25, 2026, 07:33:46 AM |
|
If you have the capacity to invest in Bitcoin, why not?
Unfortunately, mataas na nga ang inflation rate sa bansa, that means maraming naghihirap, so in short maraming hindi kayang mag-invest in Bitcoin. And since volatile rin naman, no assurance it will rise, but what we need is a stable source of income so i think the best solution is to start a business, start small.
|
| jet LA | █████ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ █████ | ██████████ ██ ☘︎ ██ ██████████ | ███████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████ A crypto casino LOL ███████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████████ | ██████████ ██ ⚽︎ ██ ██████████ | █████ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ █████ | | ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ | | ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ ██ | Play Now | |
|
|
|
|
Yamifoud
|
 |
October 25, 2026, 08:33:50 AM |
|
Para sa mga negosyo, since marami sa kanila ang umaasa sa loans, posibleng tumaas din ang presyo ng kanilang mga produkto at serbisyo, at eventually dahil sa inflation rate maaari ring magresulta ito sa pagtaas ng sahod ng mga tao. Overall effect nito, mas mahihirapan ang mga tao, kaya kung may choice tayong mag-ipon ng pera, mas mabuting mag-invest na lang sa Bitcoin, dahil nakikita kong maganda ang long-term potential nito.
|
|
|
|
LogitechMouse
Legendary

Activity: 3332
Merit: 1188
BiggerZ.com Ambassador - Ready to Help
|
 |
October 25, 2026, 10:15:10 AM |
|
5. Bitcoin at investments - Posibleng mabawasan ang demand sa risky investments dahil mas nagiging attractive ang interest-bearing assets.
So with these possibilities na nakikita natin, hindi na worth it mag-save ng pera sa bank kung ang goal mo is growing your money, kasi kung ang yearly interest ay 5% but the inflation is 7.2%, your money might grow but the purchasing power will drop.. in short, need natin ma-grow yung money natin more than the inflation rate para mapanatili ang purchasing power nito. So with this, would you choose to invest in Bitcoin, ma-solve kaya nito ang problem ng inflation? Noong nakita ko yung phrase na "mas nagiging attractive ang interest-bearing assets", mejo napatawa ako dahil totoo naman pero in the long run, alam naman natin na Bitcoin pa rin ang profitable compared sa ibang mga asset classes jan. Ito ang aking iniisip pagdating sa pera sa banko. HINDI AKO MAGLALAGAY NG PERA SA BANKO BUKOD SA KUNG EMERGENCY FUNDS YUN. Hindi worth it ang paglalagay sa banko kung gusto mong mag-grow ang pera mo. Minsan nga hindi na rin worth it kahit ilagay mo ito sa mga digital banks. Panigurado agree tayong lahat na nandito kung sasabihin kong mas magandang mag-invest pa sa inflation kaysa istore sa banks or kahit sa digital banks.  Masosolve kaya ng Bitcoin investing ang problema sa inflation? Well, kung yearly eh may mga times na hindi dahil alam natin na may years na bumabagsak ang price ni Bitcoin pero kung i-coconsider natin ang average return noong years 2022 at 2025. - Average return ni Bitcoin = 51.47% - Average inflation rate sa PH = 4.18%. Napakalaking difference. Invest in Bitcoin kapag may spare money.
|
|
|
|
|
Natalim (OP)
|
 |
October 25, 2026, 11:31:01 AM |
|
Masosolve kaya ng Bitcoin investing ang problema sa inflation? Well, kung yearly eh may mga times na hindi dahil alam natin na may years na bumabagsak ang price ni Bitcoin pero kung i-coconsider natin ang average return noong years 2022 at 2025. - Average return ni Bitcoin = 51.47% - Average inflation rate sa PH = 4.18%. Napakalaking difference. Invest in Bitcoin kapag may spare money.
kung totoo ito, pwede. JPMorgan issues first long-term bitcoin return forecast, projecting 10% annually
|
|
|
|
lionheart78
Legendary

Activity: 3570
Merit: 1213
|
 |
October 25, 2026, 10:21:18 PM |
|
Sa palagay ko mabuting maginvest sa Bitcoin hanggang ang market nito ay papataas tuwing ika-apat na taon kaya masasabi kong situational ito kasi pagdumating ang time na naabot na ng Bitcoin ang peak ng kanyang market, magiging stable na ito at posibleng ang susunod na trend ay either sideways or downtrend.
Sa sitwasyon ngayon maari pa rin nating sabihin na tama ang pag-invest sa Bitcoin dahil gumagana pa ang 4-year cycle nito at patuloy pa rin ang adoption sa iba't -ibang bansa. Hanggang hindi pa fully saturated ang market ng Bitcoin, masasabi nating ang pag-invest sa Bitcoin ay isang aksyon para hindi tayo gaanong maapektuhan ng inflation rate.
|
|
|
|
Shinpako09
Legendary

Activity: 2660
Merit: 1032
Bet25.com - Smart Crypto Casino
|
 |
October 25, 2026, 11:35:51 PM |
|
Sa nangyayari sa ekonomiya natin, kung may kakayahan kang mag invest sa bitcoin or kahit sa mga top alts, mas maigi na dito na lamang. Pumapabor din satin yung pagtaas ng palitan ng dolyar. Tumaas man ang bilihin, at least nakakasabay or makakasabay tayo. Kumpara mo pag natutulog lang ang pera mo na naka php sa bank. Ang problema lang, hindi kaya ng normal na Juan na mag invest, dahil kung hindi sakto lang ang sweldo, yung iba kulang pa. Bukod pa dun, hindi lahat may knowledge sa crypto kaya yung iba nadadali ng scam investment, imbes na sila na lang mismo ang bumili.
|
|
|
|
Kelvinid
Sr. Member
  

Activity: 3094
Merit: 373
CCC.io - Crypto Casino & Web3 Betting Platform
|
 |
October 26, 2026, 02:17:23 AM |
|
Minimum projection lang yan, average, kaya maganda rin kung meron kang capacity. Kaya lang, kung hindi naman din gaano kalaki ang pera natin, mahirap mag hold ng bitcoin. Another solution dito kung hindi tayo marunong sa business, pwedeng mag abroad, kasi ang laki nag minimum nila compared sa bansa natin. If dollar ma earn natin, makakatulong pa tayo sa bansa natin.
|
|
|
|
|
tech30338
|
 |
October 26, 2026, 03:38:42 AM |
|
Minimum projection lang yan, average, kaya maganda rin kung meron kang capacity. Kaya lang, kung hindi naman din gaano kalaki ang pera natin, mahirap mag hold ng bitcoin. Another solution dito kung hindi tayo marunong sa business, pwedeng mag abroad, kasi ang laki nag minimum nila compared sa bansa natin. If dollar ma earn natin, makakatulong pa tayo sa bansa natin. Kukurakutin lang ung tulong natin na iyan, para lang natin silang pinapakain tapos tayo din kinakagat. Para sakin malaki din ang need natin na pera para sa investment kasi kung maliit hindi ganun kalaki ang makukuha natin, pero kung longterm naman ang target mo, meron mga gumagawa nung 10 dollar a day or a week na parang plan daw nila para sa future maliit ito pero kung wala kang palya maaring maging malaking pera ito pagdating ng panahon kasi nasa bitcoin, hindi lang nga ganun kalaki sa malaki ang investment na pinapasok nila, pero mabuti nadin sa wala sa panahon ngayon, pera na talaga ang labanan.
|
|
|
|
|
Oasisman
|
 |
October 26, 2026, 12:49:25 PM |
|
Masosolve kaya ng Bitcoin investing ang problema sa inflation? Well, kung yearly eh may mga times na hindi dahil alam natin na may years na bumabagsak ang price ni Bitcoin pero kung i-coconsider natin ang average return noong years 2022 at 2025. - Average return ni Bitcoin = 51.47% - Average inflation rate sa PH = 4.18%. Napakalaking difference. Invest in Bitcoin kapag may spare money.
Can't agree more dito. As long as may separate na emergency funds. Sabi ng mga financial guru, dapat daw atleast 6 months of your salary yung intended for emergency, pero since Bitcoin is a very volatile asset, I would say mas safer pag atleast 1 year of your currently salary/income ang naitabi as emergency funds just incase hindi sapat yung 6 months worth of salary in times of emergency. Isa sa pinaka iiwasan natin mangyari sa Bitcoin natin is kung magiging part na ito ng emergency funds. Para sakin pag na achieve ko na yung atleast 1year worth of may income intended for emergency, ay e-lalagay ko na ang malaking bahagi ng savings sa Bitcoin for my retirement. Base sa calculation mo, hindi lang napo-proktehan yung value ng pera natin from inflation, maari rin itong lumago at mag generate ng malaking profit. Consider it as bonus, napakalaking bonus.
|
|
|
|
|
bhadz
|
 |
October 26, 2026, 05:57:19 PM |
|
So with this, would you choose to invest in Bitcoin, ma-solve kaya nito ang problem ng inflation?
Isa ito sa choice ko sa investing at patuloy lang din ako bumibili hangga't meron akong pambili. Kasi nga talo tayo kung i-save lang ang pera sa bank kahit taasan pa nila yung interest rates. Karamihan ngayon wala talagang pang save dahil ang mahal ng mga bilihin, kaya doon lang din napupunta lahat ng mga gastos natin. Kahit anong tipid, hindi swak talaga. Ang dapat gawin ay pababain ang cost ng mga products para bumaba ang inflation kasi kahit anong adjustment ang gawin nila sa interest rates at basis points, kung ang mismong driver ng economy tulad ng langis na patuloy na tumataas pati na rin ang mga pagkain, hindi din magagawa ng iba na mag invest at mag ipon. Pero kung sa option lang talaga, mainam na inflation hedge ang pagkakaroon ng bitcoin.
|
|
|
|
abel1337
Legendary

Activity: 2646
Merit: 1152
BiggerZ.com Ambassador - Ready to Help
|
 |
October 26, 2026, 08:59:23 PM |
|
Personally nasa bitcoin parin majority ng pera ko kasi tinuturing ko itong investment. Paunti unti padin akong bumibili ng bitcoin since ito ang satingin ko best return in terms of investment. Isa to sa way ko para malabanan ang sunod sunod na pag taas ng inflation rate natin, as much as possible tinatry ko ilessen yung hawak kong PHP sa banks since alam naman nating mabubulok pera natin dun sa sobrang baba ng interest nila. Emergency funds lang ang nasa banks ko at budget for daily expenses. Ang choice of stable currency ko ay USD/USDT since saintin ko malakas padin at hindi devaluing compared to PHP, accessible din since madali na mag convert into PHP.
I'm also thinking toward gold as another investment pero mas bias ko talaga ang bitcoin, I still need more planning sa strategy para malabanan ang tuloy tuloy na pag taas ng inflation rate natin. Satingin ko medyo matatagalan pa bago maka recover ang economy natin with the current happenings sa bansa natin. We need salvation sa next administration natin.
|
|
|
|
fighter2627
Full Member
 

Activity: 361
Merit: 106
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
|
 |
Today at 11:43:30 AM |
|
Sa panahon na ito deretsahang salita ay magandang mungkahi talaga na maginvest sa panahon na ito sa Bitcoin kahit dca lang, dahil kung aalamin lang natin na mabuti ang kalagayan ng inflation rate na meron tayo so far dito sa bansa natin ay dumoble ang taas ang inflation rate natin ngayon.
At nakita naman natin yan dahil bumagsak na naman ng husto ang piso laban sa dolyar at ngayon ay nasa 64.12$ per dollar na in which is hindi na talaga ito maganda at tayong mga nasa laylayan o maralita ang tatamaan ng husto o kahit yung mga may mga negosyo ay apektado din sigurado.
|
|
|
|
|
demonica
|
 |
Today at 02:05:27 PM |
|
If ang goal mo naman talaga is to grow your money, hindi naman talaga advisable na ikeep ang person mo sa bank, even before. At mas lalong hindi sya magwowork ngayon na grabe ang inflation, grabe ang pagbaba ng value ng peso kontra dolyar. Idagdag mo pa ang inaasahang El Nino. Kung gusto mong mapalago ang itong pera, investment talaga sa mga bagay na kikita ka ng income. Solely relying on interest sa bank ay hindi makakatulong. And pag dating sa investment, lalo't medyo humihina ang ating ekonomiya, mas magandang mag invest sa Bitcoin para sa akin. Kung mag invest ka sa businesses here locally, wala pang kasiguraduhan dahil malaking factor din talaga ang status ng ekonomiya natin. At makikita naman nating hindi kagandahan ang daloy nito, kaya mas gugustuhin ko nalang ipasok ang extra funds ko sa Bitcoin. High risk, tiwala naman lalo na kung for long run ang investment na gusto mo.
|
|
|
|
|
|