So with these possibilities na nakikita natin, hindi na worth it mag-save ng pera sa bank kung ang goal mo is growing your money, kasi kung ang yearly interest ay 5% but the inflation is 7.2%, your money might grow but the purchasing power will drop.. in short, need natin ma-grow yung money natin more than the inflation rate para mapanatili ang purchasing power nito.
So with this, would you choose to invest in Bitcoin, ma-solve kaya nito ang problem ng inflation?
Sa totoo lang kung interest rate lang di ako magtatabi sa bank eh pero karamihan pa din sa atin bank ang lagakan ng pera kasi feel natin mas safe talaga dito ang pera natin kesa aa mga investment or digital banks. Sa reality naman lahat tayo malamang diyan nagtatabi ng pwra di dahil sa gusto natin kumita ng interest pero para lang masecure ang pera natin at di nakakalat lang sa bahay.
Pero kung may malaki kang pera at willing magrisk mas okay ilagay sa bitcoin ito pero dapat iingatan mo lang kasi decentralized yan at puwede manakaw na wala kang ibang susubungan pag nangyari. Kaya isip isip din.
Wala tayong aasahang profit sa bank, dahil sobrang baba lang talaga per annum ng mga binibigay nila.
Sila lang din ang yumayaman sa mga deposits natin. Dahil pinapautang nila ito sa iba nilang client or nilalagak nila sa ibang investment.
Kaya mainam talaga kung gusto ng mga tao ng magandang investment na paglagakan ng pera nila. Ay bili na sila ng Gold dahil proven na ito at tumataas ang value lalo na kung may kaguluhang nagaganap sa mundo.
Pwede din naman Bitcoin dahil alam naman natin ang potential nito. Kung may pundo din naman choose both, dahil ito ang pinaka goods talaga kaysa matulog lang pera natin sa bank na wala namang balik sa atin yun.
Para sakin ang dapat lang ilagak natin dun ay yung pang emergency funds lang talaga.