Para sa inyo, lalo na yung matatagal na talaga sa mundo ng bitcoin.
Ano ang mas mahirap: Bumili ng bitcoin o hindi ito ibenta? At bakit?
Para sa mga walang pera na pangbili ng Bitcoin, ang pinakamahirap ay bumili ng Bitcoin. Dahil para mahirapan na hindi ibenta ang Bitcoin, need muna ng tao na makabili nito. At karamihan sa atin mga tao ay hindi nakakalampas sa unang proseso, ang pagbili ng Bitcoin.
Sa mga tao naman na may pera, syempre mas madali sa kanila ang bumili kaysa sa hindi ito ibenta, dahil kapag hawak mo na ang Bitcoin, malakas ang temptation ng pagbenta lalo na kapag nakita na natin ang profit.
Samakatuwid, ang sagot sa tanong mo, @OP, ay depende sa financial na kakayahan ng tao dahil ito ang nagiging dahilan kung ano ang magiging mas mahirap sa ibinigay mong tanong.