---
Tanong, meron na bang nakapag-attend ng mga ganitong training? Please share your experience.
Does it help you improve your skills, and how does it benefit your life, or sayang lang ba ang oras at mas marami pang natututunan through self-education lang about crypto?
Mukhang need natin maghintay lahat sa kung sino rito ang may experience pagdating dito dahil TBH, nakita ko rin ito online and mukhang maganda siyang stepping stone especially kung gusto mo matuto pagdating sa Blockchain technology.
This shows na gumagawa talaga ng paraan ang DICT para magkaroon ng kaalaman ang mga kababayan natin sa kung ano ang trending skills ngayon na pwedeng makapagbigay sa atin ng source of income. Sana lang magkaroon sila ng ganyan sa Norte pupuntahan ko talaga kahit may 10 day face-to-face classes. Gusto ko rin talaga matuto rin. Dagdag skill na rin kumbaga.
---
BTW, swerte na ang mga kabataan ngayon - kami dati, ultimo isang PC, wala sa high school namin. Principal lang ang may PC. lol
Napaghahalataan na matatanda na tayo boss.

Ako saka lang ako makakahawak ng PC kapag nasa may computer shop ako habang suot-suot yung maasim na headset.

Kahit rin kami noon wala kaming PC kaya sobrang swerte nga ng kabataan ngayon. Sabi nga nila, lahat ng information na need nila matutunan ay nasa dulo na lang ng kanilang fingertips. Sila na ang bahala maghanap.