---
Pero ito, what if walang SAFU, walang freeze ng stablecoins at tuluyang nawala ang funds ng mga users, do you think magdump ng tuluyan ang Bitcoin?
Anong guess nyo na price na pwedeng abutin ng Bitcoin kung magdump ito starting from $80k?
Kung walang emergency actions na nangyari sa mga companies gaya ng Binance, Circle at Tether, paniguradong mas malaki ang impact nito towards the crypto market as a whole, and for the first time in years, baka makakita tayo ng double-digit percentage drop in a single day sa mga top altcoins.
Kung walang SAFU ang Binance, baka nagsara na sila ngayon or magfifile ng bankruptcy. Imagine kung sa mga mid-tier exchange ito na nangyari na walang kakayahan i-cover yung ganun kalaking loss. Baka bigla na lang silang magsara gaya ng nangyayari sa mga DeFi platforms na nahahack. Sa ngayon, ang price ng Bitcoin ay nasa below $80,000 pero kung titignan ko ang current chart, ang nakikita kong support kung saan pwede magbounce si Bitcoin ay nasa around $75,000 at $67,000. Mejo malalim yung pangalawa dahil sa biglaang pagtaas ng Bitcoin noong nakaraang linggo kung saan tumaas si Bitcoin from $64,000 - $79,000 in just 3 days.
Well, gaya ng post above, hindi lang galing sa SAFU alone yung pinang-cover pero dahil sa nangyaring ito, apektado ang annual revenue ng company. Imagine dahil lang sa isang na-compromised na laptop, ganito kalaking pera ang nawala sa Binance. :X