Bitcoin Forum
November 06, 2026, 08:44:42 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 32.1 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Giovanni Santostasi - Ang Teorya ng Batas ng Kapangyarihan ng Bitcoin  (Read 33 times)
fullfitlarry (OP)
Sr. Member
****
Offline

Activity: 532
Merit: 404


You Attract What You Are


View Profile
November 05, 2026, 08:00:36 AM
Merited by fillippone (6), crwth (1), cryptoaddictchie (1), Porfirii (1), GazetaBitcoin (1), Peanutswar (1)
 #1

May Akda: fillippone
Orihinal na Akda sa English: Giovanni Santostasi - The Bitcoin Power Law Theory



Lahat ng gusto mong malaman tungkol sa Ang Teorya ng Batas ng Kapangyarihan ng Bitcoin, pero natatakot kang itanong!
Ang OP ay nag post sa Bitcointalk.org: Ang Batas ng Pag-scale ng BTC


Nitong nakalipas na ilang linggo, Naging abala ako sa isang bagong model ng isang propesor sa astrophysics na naging neuroscientist, na kung saan ay nilalarawan ang bitcoin ayon sa Power Laws.

Si Giovanni Santostasi, aka  BTCdragosfera ay inilarawan ang modelo na kung saan ay ipinaliwanag nya kung bakit ang Power Laws na namamahala sa presyo at iba pang sukatan ng Bitcoin (katulad ng mga aktibong addresses at hash rate) ay hindi isang random na katotohanan bagkus sintomas ng ibang bagay, katulad ng Bitcoin ay "hindi karaniwang asset ngunit katulad ito ng natural na phenomena na ginagabayan ng universal Power Laws dahil sa recursive, at walang katapusan na paulit ulit na fundamental sa isang sistema".
Ang Bitcoin ay katulad ng isang lungsod at isang organismo kaysa sa isang financial asset.

Si Santostasi ay unang nag post ng kanyang ideya sa Reddit mahigit 5 taon na ang nakakaraan:



Ang post na ito ay hindi pinansin: Si Giovanni ay isinantabi ito ng panandalian, at tumuon sa ibang bagay, partikular sa isang venture ng Neurosciences, ngunit pinagpatuloy nya ang paggawa sa ideya na ito hanggang inilabas ang sumunod na papel:



The Bitcoin Power Law Theory

Kung gusto nyo ng video format, pakinggan ang video summary ng Teorya



Ang materyal ay hindi organisado, kaya susubukan kong ipaliwanag ang mga ideya ng mas maayos sa thread na to.

Ang Power Law ay ang unang bahagi lamang ng kanyang buong BTC na modelo ng, na kung saan ay mino-modelo ang saklaw ng presyo ng bitcoin at may tagapagpahiwatig na bula upang malaman ang labis na paggalaw ng presyo:



Oo, siyempre nakita nyo na rin ang Rainbow Graph, at sa katunayan ang Trolololo chart ay isang Power Law chart.

Ang inobasyon ng artikulo ni Santostasi ay isaalang-alang ang Bitcoin na isang sistemang pang pinansyal na gumagalaw ng katulad ng isang natural na sistema na ayon sa isang maayos na balangkas na batas. Ang mga batas ay ang Power Laws. Sa ganitong diwa, ang artikulo ay hindi isang "modelo" na tungkol sa Bitcoin kundi sa magkaka-ugnay na "Teorya sa Bitcoin".

Ayon kay Santostasi:
Quote

Sa makabagong agham, ang salitang "teorya" ay tumutukoy sa mga siyentipikong teorya, isang maayos na nakumpiryang uri ng paliwanag na natural, ginawa sa paraang sang-ayon sa siyentipikong pamamaraan, at ganap sa pamantayang hinihingi ng makabagong agham. Itong mga teoryang ito na inilalarawan sa paraan na ang siyentipikong pangsusuri ay dapat na magbigay na suportang empirical dito, or ang empirical na pagsalungat ("falsify") dito. Ang mga Siyentipikong Teorya ay ang mga mapagtitiwalaan, masusi, at komprehensibong anyo ng kaalamang siyentipiko, [1] na kabaligtaran sa maraming karaniwan gamit ng salitang "teorya" na sinasabing na ang isang bagay is hindi pa napapatunayan o haka haka lamang (na kung saan ang mga salita ay mas mabuting tawagin na hypothesis).[2]
(This is from Wikipedia - Ed.)

<...>
Ito ay isang kumpletong teorya dahil pinapaliwanag nito ang buong asal ng Bitcoin. Mayroon itong ilang punto at ipina-paliwanag ang interaksyon ng lahat ng on-chain na parameters.

Kahit ang pagkakaroon ng bubble ay ipinapaliwanag nito at kung bakit mayroon tayong ilalim. Siya ang gumagawa ng mga hula na kaya mukhang mapabulaanan ang teorya.

Sa agham, ang modelo ay isang representasyon ng isang ideya, ang isang bagal or kaya ang proceso o ang sistema na gumagamit para ilarawan at ipaliwanag ang penomena na hindi maranasan ng direkta.
Ang mga modelo ay nasa sentro na kung saan ang mga ginagawa ng siyentipiko, sa parehong pangsasaliksik at sa pakikipag usap sa kanilang paliwanag.

Ang modelo ay halos katulad ng isang hipotesis, kaya ito ay isang unang pormulang matematikal o algoritmo upang subukang ulitin ang ilang pag-uugali ng paksang pinag-aaralan.


Ang teorya ang pinakamahusay na paraan upang maintindihan ang isang penomenon: ito ay kumpleto sa diwa na sinisikap nitong ipaliwanag ang lahat ng naobserbahang pag-uugali.
Sa kaso na ito, kung paano gumagana ang mga on-chain na parameter, kung paano lumalago ang adopsyon (sa pamamagitan ng mekanismong parang virus), at kung paano naaapektuhan ng adopsyon ang presyo (sa pamamagitan ng batas ni Metcalfe).


Kung paano ang presyo ay magbibigay ng marami sa minero, kung paano nauugnay ang hash rate sa presyo, kung paano ang pag-adjust sa hirap  at gumawa ng isang inhibitory loop na nagbibigay ng katibayan sa sistema, at iba pa

Hindi pa ito naiintindihan ng mga tao: sinasabing sa lahat  ng kailangan nating malaman tungkol sa Bitcoin, at may kaugnayan at nagpapaliwanag sa mga bula at ang kanilang kahalagahan. Maaari itong pagandahin at gawing mas mahusay, ngunit ito ay magkakaugnay at kumpleto: talagang malaking bagay na ito.
(Gumawa ako ng ilang maliliit na pagsasaayos para mas madaling basahin ang mga pangungusap.)


Panimula: Ano ang Power Law?

Ayon sa Wikipedia:

Quote
Sa estadistika, ang Power Law ay isang functional na ugnayan sa pagitan ng dalawang sukat, kung saan ang pagbabagong relatibo sa isang sukat ay nagreresulta sa relatibong pagbabago sa kabilang sukat na proporsyonal sa kapangyarihan ng mga pagbabago, hiwalay sa unang laki ng mga sukat: ang isang dami ay nag-iiba ayon sa kapangyarihan ng isa pa.

Ang mga Power Laws ay pwedeng isulat sa mga sumusunod na anyo:

Y=10^B*(x+S)^A

o kaya:

log(y)=A*log(x+S)+B

Maraming mga natural, sosyolohikal, matematikal, pisikal, at sikolohikal na mga phenomena ang sumusunod sa Power Laws.

Ang Power law ay mayroon mga ilang importanteng tampok.
  • Scale invariance: Ang mga Power Laws ay nanantiling mabisa kapag ang mga kasaling baryabol ay nagbabago ng bilang ng pagkakasunud-sunod ng magnitude.
  • Lack of well-defined average value: Ang Power Laws ay may median ngunti kulang sa halaga ng mean.
  • Universality: Ang Power Laws ay may parehong eksponent ay gumagawa ng magkatulad na dinamika.

Ang unang katangian ay ang Power Law na iginuhit sa isang log-log na tsart, o isang tsart na kung saan ang parehong axes ay nasa logarithmic na sukat, ay isang tuwid na linya na may slope na A, B intercept, at S bilang shift parameter.

Laging tandaan na ang tuwid na linya sa log-log na grap ay kinakailangan, ngunit hindi sapat ang ebidensya para sa mga Power Law. Ang pagtukoy sa pag-iral ng Power Law dahil lamang sa tuwid na linya sa log-log na tsart ay isang hindi kaaya-ayang paglapit sa estadistika.


presyo ng bitcoin na naka-plot laban sa oras
Isang grap na maaring nakita mo na ang Log bitcoin na presyo, naka plot laban sa oras
Ngayon, parehong nasa Log ang mga axis, at lumilitaw ang isang linear na ugnayan.
Bahagyang binago ang nakaraang grap

Laging tandaan na ang 4 na grap na iyon ay kumakatawan sa eksaktong parehong na datos. Ang asul na linya ay kapareho ng pula.
Ang tanging pinagkaiba ay biswal, at ito ay pinakamahusay na nakikita sa pulang linya sa log-log na tsart, na tila ipinakpakita ang mga presyo ng Bitcoin.
Sa realidad, ang pagpapaliwanag ng kapangyarihan as parehas sa lahat ng grap, ngunit ang linear na sukat ay "pinapababa ang halaga"" ang ng mga pagkakamali sa unang mga hakbang na grap at "pinapataas ang halaga" ng mga pagkakamali sa huling mga hakbang, dahil tumaas ng apat na order ng magnitude ang mga presyo.

Ang log-log na tsart ay pantay na "nagpapaluwag" ang presyo at oras ng chart, at ang pinakamgandang function ay tila isang tuwid na linya.

Ginawa ko ang mga graph iyon para malaman ang katotohanan ng mga inaangking katangian ng tsart na log-log.

Kung gusto mong mas maintindihan na mas mabuti kung ano ang Power laws at kung bakit ito ay napakalaganap sa agham, pakitingnan ang mga sumusunod na link:
Geoffrey West: The surprising math of cities and corporations
Why do Power Laws Work so Widely? | Episode 2207 | Closer To Truth


Si Giovanni Santostas ay naglabas ng isang artikulo na sumasagot sa mga ilang katangunan at tinatama ang mga maling akala tungkol sa PLT (Power Law Theory):

Mga Karaniwang Maling Akala at Kamalian Tungkol sa Teorya ng Bitcoin

Ito ay isang pangtatanghal ng "bitcoin clock" gamit ang Power Laws: ang magandang spiral ay mahusay na kumakatawan sa katatagan ng teorya.






Ang presyo ng Bitcoin ay hindi lamang isang baryabol na pinamamahalaan ng Power Law; ang mga address at hash rate ay parehas din pinamamahalaan ng magkaparehas ng batas.



Ito ang magdadagdag sa ganda ng modelo, dahil makikita natin ang "tumawid" na relasyon.

Ito ang kagandahan ng Youtube bidyo tungkol sa relasyong sa pagitan ng dami:



Ang mga Address at Presyo ay may ugnayan sa pamamagitan ng Power Law at kahawig ng Metcalfe Law.
Ang Hashpower at Presyo ay may ugnayan sa pamamagitan ng Power Law na malakas na sumusuporta sa presyo sa halaga ng Mining Hardware.


Ang pangunahing punto ng modelo na to ay hindi ang kakulangan at hindi ito isanaalang-alang kahit sa saan paman sa model. Ang PLT ay hindi tinuturing ang S2F sa pagtukoy ng presyo.
Siyempre, ang may akda ay kalaunang papapasok sa sa pagtatalo kay PlanB:



Sa artikulong ito Ni Giovanni ay nagpapaliwanag kung bakit ang Kakulangan ay hindi gumaganap sa pagtukoy ng presyo:

Quote
Ang kakulangan ay hindi ang nagtutulak sa presyo ng Bitcoin.

<...>

Dito ang 2 modelo, ang power of law na mayroong walang pakialam sa kakulangan, batay ito sa obserbasyon na ang presyo ay tataas sa isang mahuhulaan na paraan. Ang kakulangan ay hindi parte ng modelo sa pangkahalatan. Ang isa, S2F na kung saan ang kakulangan ang pangunahing nagdadala nito, sa katunayan, ipinapalagay nito na ang kakulangan ay tumataas kasabay ng oras. Ang power law (na walang palagay sa kakulangan) ay papunta sa "bilisan mo at kumuha ka ng BTC ngayon". At kung titingnan mo ang S2F imbis na sabihin na makukuha ko ito sa kahit anong oras at makagawa parin ng parehas na kita, kahit na ikaw ay sumali mahigit 10 taon na ang nakakaran (para sa parehas na kita ng 4 na taon na HODLING na oras) or kaya 10  taon mula ngayon (muli sa parehas ng oras na pag HODLING). And magkaparehas na investors ay kikita ng 10x na balik sa mga panahon na to. Habang napansin mo ang ang Power Law na modelo ay nakapakahalaga na sumali kaagad agad. Kaya nakikita mo ba ang mga taong ginagamit ang kakulangan ay humahantong sa mga maling konklusyon na hindi sinusuportahan ng katotohanan?

Kung gusto mong mas malalim na pag-aralan ito, narito ang bidyo:
Bakit ang BTC stock-to-flow model na nakabatay sa kakulangan ay hindi lang mali kundi lubos na kalokohan.



Hindi pa tapos is Santostasi, Una, sinusubukan nyang ayusin ang kaalamang nakakalat sa ilang artikulo at X na post.
Ang unang kinalabasan ay isang siyentipikong papel, posiblengna peer reviewed, at isang mas pang-edukasyong aklat na mas detalye ng kanyang teorya.



Resources:

fillippone
Legendary
*
Online Online

Activity: 3066
Merit: 21904


Duelbits.com - Rewarding, beyond limits.


View Profile WWW
Today at 06:03:37 PM
 #2

Thank you, fullfitlarry, for taking the time to translate my thread into your local language.
To me, it's very important to "speak" each local language in order to lessen the required effort to get in contact with something that is so revolutionary and, consequently, so difficult!
So, well done, once again!


Courtesy translation by Deep.L

Salamat, fullfitlarry, sa paglalaan ng oras upang isalin ang aking thread sa inyong lokal na wika.
Para sa akin, napakahalagang "magsalita" sa bawat lokal na wika upang mabawasan ang pagsisikap na kinakailangan upang makaugnay sa isang bagay na napaka-rebolusyonaryo—at dahil dito, ay napakahirap din!
Kaya, mahusay ang iyong ginawa, muli!

Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!