I do think isa ito sa mga reasons on why skeptical ang mga pinoy whenever they hear anything related to online transactions.
Madami na kasing na sscam online dito sa atin bansa to the point na naiisip nila na iisa ang lahat ng online transactions. This means na pinag iisa nila ang mga online scams sa cryptocurrencies or bitcoin kaya napakalaking epekto nito sa ating bansa sa pag adopt nito.
Ang taas ng percentage, kailangan mabago yan para gumanda ang adoption, and sa mga ganyan, kailangan na talaga ng tulong ng government para mahuli ang mga scammers, but until now, wala tayong masyadong nababalitaang pag-aresto kaya baka mahuli na naman tayo at malamangan ng ibang bansa. Dati naman maraming crypto users sa bansa natin, pero parang hindi na tayo gaanong nag-grow.
This is the ideal situation pero kailangan talaga magkaroon ng magandang edukasyon and information regarding sa cryptocurrencies. Ang hirap kasi sa mga kababayan natin, ang bilis nilang maniwala sa mga fake news na nadadamay yung mga taong curious sa BTC. Dahil sa mga fake news, instead na mag iinvest sila, mas lalo pa silang lalayo.