Akala ko sa crypto lang uso ang hacking.. pati rin pala ang mga government websites natin na-hack.. so kung titingnan mo ang timing, parang sunod-sunod, lahat ng mga nakikita nilang vulnerabilities, hina-hack nila.
Ang saklap nito, na-hack ang SEC, medyo di tayo concerned kasi kung wala tayong business (partnership or corporation) wala tayong data diyan.
Pero ito ang masakit yung BIR na-hack rin at halos lahat tayo nito mga workers and business owners.
So posibleng na-expose na mga data natin diyan.
Dahil sa hack may batas na gustong ipasa si Sen. Bam which is the Cybersecurity Agency Bill .. I don't know if effective yan, pero I think ang kulang talaga ay security ng government system natin, .. lalo na itong BIR, instead na ma-improve ang system, parang mas naka-focus sa corruption.
LMAO, Nothing new.
Hindi na talaga natuto tong government agencies natin. Ang dami ng nangyaring hacks and data breaches in the past
cough* PhilHealth pero hanggang ngayon most of them still have not upgraded their systems and security. LOL
Ang masaklap pa sa insidenteng iyan, parang sinisi pa ni SEC ang users nila sa nangyaring data breach sa kanila.
may have been leaked potentially through malware infection or unauthorized access by a third-party threat actor of your laptop, desktop, mobile phone or any other device you used to access our digital platforms.
WTH? Saan ba nakalagay ang data ng users nila? sa web portal?

BTW, kahit anong bill pa regarding cybersecurity ang maipasa, kung yung mismong agency ay hindi rin magha-hire ng qualified cybersecurity expert para ma-set up nang maayos ang sistema nila, bale wala rin.

Alam mo naman dito sa Pinas, lahat na 'lang ng ginagawa ng gobyerno, tinitipid.
