Naghihigpit na talaga ang PAGCOR, tingin ko magandang pagbabago naman ito since hindi natin maitatanggi na lumalala na talaga ang problema sa pagkagumon sa sugal sa bansa natin. Though hindi masyadong nire-report ng government ang ganitong problema since bad publicity yan, mas gusto nila yung mga report na bumababa ang krimen, gumagamit ng droga. etc,...
Pero ito ang nabasa ko now :
PAGCOR strengthens responsible gaming with dedicated department, consolidated advertising rules and wider player exclusionSinabi dito na bago lumabas ang isang advertisement, kahit sa TV or social media, kailangan muna ng approval ng PAGCOR, depende rin sa kanilang mga patakaran kasama na ang lahat ng content at kung ilang beses ito puwedeng ipakita sa isang tao sa loob ng 24 oras.