Grabe naman to, wala na talagang safe pag pinag-uusapan na yong cryptocurrency lalo na ang bitcoin.
I agree with OP. Di lang crypto or Bitcoin but masasabi natin na world na din in general. Like dito sa ating bansa, napakarami nang krimen ang binabalita kada araw.
Ito kadalasan yong risk sa mga baguhan sa crypto, yong paano sila maka-iwas sa mga hackers.
Mabuti nalang at walang nakuhang bitcoin ang mga hackers sa attempts na to pero ang lugi ay yong mga miners kasi yong opportunity na makakuha ng bitcoin ay nawala pero ganoon pa man ay good news kasi kung nagkataon na successful na napunta sa kamay ng mga hackers yong mining rewards, panigurado may epekto agad ito sa presyo ng bitcoin.
Ang matindi dito is di newbie ang mga taget ng hackers, kundi yung mga batikan or beterano na sa industriya ng crypto. Siguro ang sa mga newbie ay ang mga scams. Once na identified na ang dahilan ng hacks or scams, pwede padin naman tayo maka iwas if mag iingat tayo at ifollow lang natin yung mga tama at latest na safety protocols. But yeah, even though wala nakuha na mining or block reward, lugi parin yung mga na hack na miners kase sila yung nag babayad ng kuryente dito. So di ko masasabi na good news to. But about sa effect sa price ng BTC, I think yes because for sure ibebenta nila yan agad para di na sila ma trace pa and ma block. At negative news parin to. Alam naman natin na ang news ay isa din factor sa pag galaw ng presyo.