Base diyan sa image na yan, pasok ang paghohold ng Bitcoin sa capital gains tax kung kumita na. Yung value appreciation na meron siya ay doon ibabase at mataas ang tax diyan sa CGT. Dahil classified as property ito, 6% ang tax niyan. At sa halimbawa mo na 300k pesos ay doon ibabase ang CGT at hindi sa 100k. Kung tama ang calculation ko, magiging 6k pesos ang CGT niyan sa 300k pesos/ 6% CGT. Ang kinaibahan lang dito sa ibang classified as capital assets ay nasa sayo yan kung idedeclare mo.
Sinasabi dito na wala pang malinaw na nakasaad na kailangang i-declare ang Bitcoin holdings kahit hindi pa ito ibinebenta. Pero rin tayo maging kampante na wala na tayong obligasyon. Siguro sa ngayon hindi pa naging priyoridad ng gobyerno natin. Pero mas mabuti na yung handa at alam natin ang batas.
Mangyayari yan, kulang lang talaga sila sa regulatory framework tungkol dito. Pero sa ngayon na kahit daw maliit na tindahan ay dapat registered at taxable, asahan nalang natin na susunod yan sa ayaw man natin at sa gusto. Iba lang kasi sa ngayon ang focus nila.