Halimbawa, bumili tayo ng Bitcoin worth ₱100k at naging ₱300k ang value nito. Hindi pa natin ito ibinebenta, kaya wala pa tayong profit mula sa sale. Kaya sa tingin ko wala tayong TAX na babayaran.
In simple things wala talaga tax yan since hindi pa converted sa pesos pero once maconvert na eh dun papasok yung capital gain tax though magulo pa siya since wala pang framework.
I dont know if tama pagkakaintindi ko dun na kapag above 250k eh taxable na din siya, pero what if magconvert ka lang sa loob ng 1year below P250k? Safe to say na 0 tax since I assumed their talking about the annual sa income or profits diyan? Pero feeling ko as employee yun eh not sure if sa assets it works that way too.
Yung sa tindahan kasi, tangible, madaling mapuntahan, ma-check kung nagbabayad ng tax. Itong cryptocurrency, naka-base sa declaration mo, kaya kung honest ka at may tiwala ka sa gobyerno na hindi ito nanakawin, puwede ka namang mag-proceed.
Unfortunately karamihan sa atin most likely wala tiwala about the taxes. Why burden to declare it personally di ako magdeclare if ever may above limit na need taxan sa crypto assets. Why should I throw free meals to the wolves na puwede ko naman idonate na lang sa mga kababayan natin na mahihirap.