Alam ko halos lahat ng kasali sa signature campaigns dito sa forum ay aware na sa patuloy na pagdami ng mga accounts na na-si-signature ban.
Kung makikita natin dito sa
https://bitlist.co/analytics/sigbanned, regular na may mga accounts na naba-ban.
Kaya sinubukan kong i-check ang ilang accounts gamit ang
https://postflayer.onrender.com/ at ito ang ilan sa mga lumabas na scores.
- Score: Below Average (Lower 10-25% of active posters)
- Score: Good (Top 25% of active posters)
- Score: Below Average (Lower 10-25% of active posters)
- Score: Good (Top 25% of active posters)
Ang napansin ko, may mga accounts na magaganda naman ang scores pero na-signature ban pa rin. May ilan na pinaghihinalaang gumagamit ng AI sa kanilang mga posts at paulit ulit nilang ginawa. May mga nakikita rin akong umaabot ng 2 years ang ban, na para sa akin ay medyo mabigat.
( yung 2 years ay sa pagamit ng AI sa pag post) May mga accounts din akong nakikita na umaabot sa Top 10% Elite Posters ang score. ( still AI post)
Siyempre ayaw naman nating mangyari ito sa ating mga accounts lalo na sa mga kababayan nating matagal nang sumasali sa signature campaigns.
Kaya gusto ko sanang malaman ang opinyon ninyo tungkol dito. May mga tips ba kayong maibabahagi para maiwasan ang signature ban, lalo na sa mga users na nasa Top 25% o Top 10% Elite Posters?
At sa tingin ninyo, sapat bang basehan ang magandang score sa Postflayer para masabing quality poster ang isang account, o may iba pang dapat nating bantayan sa paraan ng pagpo-post natin?
note : as of now, 268 users na na sigban..