Bitcoin Forum
May 26, 2024, 04:12:56 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 454 455 456 457 458 459 460 461 462 463 464 465 466 467 468 469 470 471 472 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 [504] 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 ... 694 »
10061  Local / Pamilihan / Re: Bakit magandang gamitin ang coinsph at bakit ang laking tulong nito sa atin on: January 05, 2020, 11:54:31 PM
Sino dito nag-aabang na makita si COINS.PH sa payment method ni SM , Puregold at marami pang naglalakihang business sa Pilipinas?
Madalas ko makita ang Paymaya at GCASH sa mga counter at hindi imposible na susunod na dito ang COINS.PH.

*** Pinakagusto ko talaga dito yung 5 pesos per unique bill tapos pag naka 5x ka in a week meron kang +100 php
*** yung load rebate system tinalo pa yung mga loading wallet/sim card sa tubo, tapos yung mga promo nila na makakakuha ka ng FREE GAME LOAD (rebate parin 100%)
Hindi natin masasabi pero pwedeng dumating yang panahon na yan kasi millions naman ang user ni coins.ph kaya pwede siyang I-consider ng SM malls at iba pang naglalakihang mall sa bansa. Yung Paymaya nga parang saglit na panahon narecognize agad sila ng mga malls na yan at iba pang mga establishments kaya hindi malabo na balang araw makita na rin na yung PHP wallet ng mga naglalakihang business na yan ay may naka attach na coins.ph at sana dumating yung araw na yun na maging partners sila.
10062  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: energi po ba ay profitable? on: January 05, 2020, 10:35:15 PM
Kung sa tingin mo ay hindi ka pa prepared at hindi mo din alam kung profitable ba ang isang coin ang invest-an mo ng pera mo, wag ka na munang mag invest doon. Nagpump pala yang coin na yan last year.

Sa pagkakaalam ko staking ang Energi. Kung hindi bababa ang presyo nya, I can say profitable siya dahil hindi mo naman need ng isang machine na pang mina para magstake.  Pwede mo rin itong istake through VPS.  Meron ditong tuturial tungkol sa pagstake sa VPS pakihanap na lang.
Di ba ang masternode ang nagrerequire ng VPS at staking ang hindi? ayos din pala itong coin na ito, dalawa ang pwede sa kanya. 1 nrg ang minimum para sa staking.
10063  Local / Others (Pilipinas) / Re: IRAN Top Commander died on US Airstrike will it affect Crypto market? on: January 04, 2020, 10:01:27 PM
May epekto siya tingin ko. Maraming mga article ang nagti-trigger na nagsasabing makakaapekto yung nagaganap sa Iran at sa crypto market at kapag nagpatuloy daw yun at posibleng tumaas pa. Pero hindi ibig sabihin na yung mga article na yun ang masusunod, mahirap pa isipin kung ano ang magiging direktang infliction niyan sa market pero mukhang nakikita natin na merong epekto pero antay muna tayo ng mga ilang araw at sana naman wag humantong sa WW3 katulad ng iniisip ng iba.

Sa tingin ko sa ibang bansa maging dito ay wala halos epekto pero sa bansang Iran meron dahil magiging mahal ang dollar sa kanila kaya may posibilidad nga na talagang tumaas ang price ng Bitcoin sa kanilang lugar.

Anyway, sana hindi magkaroon ng gyera sa bansang Iran  and USA dahil maraming mapapahamak, kaya isa po to sa ipagpray natin.
Kung tungkol sa gyera ang usapan, mukhang mainit init pa ang alitan ng dalawa at mahirap isipin na hindi yan matutuloy. Kaso wag naman sana humantong na maging pangdaigdigang gyera yan. Nagmamahal na yung bitcoin sa Iran, kung may paraan lang para magbenta doon sigurado maraming gugustuhin ang magbenta ng hindi kinakailangang magpunta doon. Ang gulo ng mga nababasa ko sa media, may nabasa ako na yung pinatay ng US ay talagang masamang tao, meron naman na nagsasabi na mabait na tao. Kaya hanggang ngayon naghahanap ako ng reliable source kung ano ba talaga ang tunay na kaganapan dahil alam natin kung ano ang ugali ng US kapag gyera.
10064  Local / Pamilihan / Re: REMINDER from Coins.ph on: January 04, 2020, 09:03:33 PM
Na post na ito sa mismong coins.ph thread.
Dapat ma-report yan sa NTC kasi premium number yung ginamit at "Coins.ph" rin ang nag-text pero hindi sila mismo yun kasi parang kinopya at ginaya lang ang mismong provider. Kawawa yung mga nabiktima.
Bale ang message na nakalagay galing din sa coins.ph ?
Para magawa nila to ng tama kinakailangan na meron din silang number nung mga user's ni coins.ph medyo mahirap na ata gawin un unless ung hacker eh wala naman talaga paki kung users ni coins.ph ung mga number na imemesage niya o hindi.
Hindi bro. Galing talaga mismo sa mga phishers yung number, hindi ko alam pano nila naregister yung premium number into "Coins.ph" pero alam ko pwede naman talaga gawin yun. Ang tanong lang paano nakalusot yun sa mga providers(smart, globe at NTC na din) di ba? hindi nila namonitor yung ganun. Kahit hindi galing mismo kay coins.ph ang number, meron lang silang ginawa niyan para maregister yung "premium number" at pangalanan ng Coins.ph. Hindi ko masyado marecall yung mismong proseso niyan kasi wala ako sa communications industry pero ganyan yung nabasa ko. Tingin ko nag data mining sila para makapagsave ng mga numbers ng coins.ph users lang. Hindi ko alam pano nila nagawa yun pero may paraan kasi para malaman kung sino ang mga coins.ph user lalo na sa social media yung mga giveaway-giveaway tapos require lang nila mag sign up ng number.
10065  Local / Pamilihan / Re: REMINDER from Coins.ph on: January 04, 2020, 12:39:21 PM
Na post na ito sa mismong coins.ph thread.
Dapat ma-report yan sa NTC kasi premium number yung ginamit at "Coins.ph" rin ang nag-text pero hindi sila mismo yun kasi parang kinopya at ginaya lang ang mismong provider. Kawawa yung mga nabiktima.
10066  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: January 04, 2020, 10:23:59 AM
Uu nga pala you are right bro medyo kulang lang yung post ko In my case kasi bpi malapit samin na bank so ito kadalasan kong gamit kaya sa bpi ko nilalagay at ang alam ko as of now wala pang instapay ang bpi sa coinsph kaya pinapadaan ko muna sa paymaya at from paymaya to my bpi atm kasi nga mas mahal ang fee sa atm ng paymaya.
BPI din ako kaso nga lang dati libre ang coins to BPI, ngayon dahil nagka pesonet meron ng bayad. Ang ginagawa ko gcash ko siya pinapadaan kasi ten pesos lang at mas mababa siya kesa sa pesonet at ang pinaka maganda pa, hindi mo na kailangan pa maghintay ng matagal para sa deposit nila kasi sa gcash instant unlike sa pesonet, medyo matagal kaya kapag nagmamadali ka hindi rin sulit.

Matagal na rin kasi akong hindi nag cacashout sa coins.ph kaya di ako ganun gaano kaalam sa mga yan. Pinaka alam ko lang na cashout is thru remittance lang at yung egivecash ng security bank na walang fee. Ngayon mukhang natigil na ata yun gawa ng walang kita ung security bank sa ganung proceso. Ano sa tingin nyo?
Partnership naman yan at meron silang agreement, siguro nga ang problema mismo sa security bank pero hanggang ngayon nasa option pa rin naman ni coins yung EGC. Nakakamiss lang na hindi na natin nagagamit pero ganyan talaga baka mawala na rin talaga yan sa option sa mga susunod na buwan.
10067  Local / Others (Pilipinas) / Re: IRAN Top Commander died on US Airstrike will it affect Crypto market? on: January 04, 2020, 08:42:26 AM
Hindi natin alam kung ano ang kakahantungan ng mga crypto coins kung tataas ba ito o hindi pero hindi dapat maapektuhan ang crypto ng hindi maganda gaya ng pagbaba ng coin na ito dahil kung papataas yan mas maganda . Maraming speculations ang nangyayari ngayon sa market dahil kaganapan na yan sa Iran at sa ngayon wala pa rung lead kung amo ang kakalabasan nito.
May epekto siya tingin ko. Maraming mga article ang nagti-trigger na nagsasabing makakaapekto yung nagaganap sa Iran at sa crypto market at kapag nagpatuloy daw yun at posibleng tumaas pa. Pero hindi ibig sabihin na yung mga article na yun ang masusunod, mahirap pa isipin kung ano ang magiging direktang infliction niyan sa market pero mukhang nakikita natin na merong epekto pero antay muna tayo ng mga ilang araw at sana naman wag humantong sa WW3 katulad ng iniisip ng iba.
10068  Local / Pilipinas / Re: satoshi nakamoto iisang tao o grupo ng mga tao on: January 04, 2020, 07:04:57 AM
Hindi naman talaga real name ang satoshi nakamoto, pseudonym yan kumbaga alyas kasi kung totoong pangalan ang ginamit niya, noon palang baka pinatigil na siya ng gobyerno at hinunting na siya kasi yung ginagawa niya ay against sa gobyerno. Walang nakakaalam kung sino ba talaga siya hanggang ngayon, kung grupo ba o isang tao lang na hindi inaasahan yung ginawa niya ay isang magiging hit at success sa mundo ng internet. Talagang pinangatawanan niya yung pagiging anonymous na character ng bitcoin (kahit na ayon sa iba ay hindi talaga anonymous ang bitcoin) at hindi na siya talaga nagpakita o di kaya namatay na din siya.
10069  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin price umabot ng $29,000 sa Iran ano ang masasabi nyo dito? on: January 04, 2020, 06:11:11 AM
at anong bansa naman ung kalaban nila US ba?
Parang ang hirap naman nun dahil sa isang tao mag dedeclare ka ng gyera na possible na mas marami pang mamatay kung mag padala sila sa galit nila sa ibang bansa.
Oo US at nasa mga balita na sa America at si Trump ang nag utos. Parang sa Venezuela lang din na nasa premium ang presyo ng bitcoin kasi ang taas ng demand. Baka mga ginagawa ng mga taga Iran kasi nga malaking epekto ang sa ekonomiya nila ang pagkawala ng kanilang heneral. Giyera talaga yan, baka sa ngayon nag iisip na ng hakbang kung ano susunod na magiging hakbang ng Iran at paano sila babawi.
10070  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Altcoins- kita o lugi? on: January 03, 2020, 11:15:30 PM
Kung kayang pagsabayin bakit hindi di ba kung pwede naman? kaya naman yan kung meron kang goal. Sa mga business mo, pwede ka naman bumili tapos hold lang ng mga altcoins na gusto mo. At kung pwede rin samahan mo na rin ng bitcoin para mas solid ang pundasyon ng portfolio mo. Kung may tiwala at pananalig ka naman sa mga coins na binibili, wala kang dapat na isakripisyo kasi oras lang din naman ang tumatakbo habang nag iinvest ka sa mga altcoins.
Dagdag ko lang, kapag mag-iinvest ka ng long term gaya ng gusto mong ipagawa, dapat ang mind set mo ay hindi mo na kailangan ang perang iyon. As much as possible, kalimutan mo din muna na mayroon kang ganun para hindi mo silip-silipin yung presyo nito kasi kadalasan kung di ka talaga investor, nakakaurat na makita mo yung downs ng market. Ang iba ay hindi kinakaya kaya naman nagpapanic selling sila whichc is a bad practice para sa isang mamumuhunan.
Invest and forget yung strategy. Maganda nga yung ganyan para hindi ka maghahabol kung sakaling yung altcoin na nabili mo ay madalas mag fluctuate. Parang sa bitcoin lang din, kapag nag invest ka sa long term mas maganda na wag kana masyado magcheck at lagi mo nalang alalahanin na yung perang nilaan mo doon ay hahayaan mo nalang ang future magdecide. Kaya mainam na mag invest lang sa magagandang coin at alam mo.
10071  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Altcoins- kita o lugi? on: January 03, 2020, 05:48:15 AM
Maganda mag impok at itabi ang pera o income na nakuha para sa negosyo o mga bagay sa totoo buhay. Pero, para sakin mas magandang ituloy ang investment dito sa crypto world kahit kokonti o maliit plang kasabay ng iyong ginawa na mag invest in real life para kahit papaano ay mayroon pa ring pagkakakitaan.
Kung kayang pagsabayin bakit hindi di ba kung pwede naman? kaya naman yan kung meron kang goal. Sa mga business mo, pwede ka naman bumili tapos hold lang ng mga altcoins na gusto mo. At kung pwede rin samahan mo na rin ng bitcoin para mas solid ang pundasyon ng portfolio mo. Kung may tiwala at pananalig ka naman sa mga coins na binibili, wala kang dapat na isakripisyo kasi oras lang din naman ang tumatakbo habang nag iinvest ka sa mga altcoins.
10072  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: ⚡⚡The First Digital Currency You Can Mine On Your Phone⚡⚡ on: January 03, 2020, 04:44:26 AM
Tumiba sana ako ng malaki kaya lang nahack yung Masternode ko sa Amazon server, ang mali ko kasi dun ko nilagay sa server yung 1998 BTC2 ko, sakto ng nag-PUMP ng 36$ nahack naman siya, $71K sana yun.
Hala, seryoso? sayang naman kung ganun lang nangyari. Nakakalungkot naman, well baka dito mas swertihin at mas malaki ang dumating kung saka sakaling mag pump din.

 
just to make sure na maganda ang spec ng cellphone mo kabayan dahil ang pagmamine need ng ganyan check mo muna kung kaya baka mamaya kasi masira lang yung cellphone mo na instead na kumita baka mamaya kailangan mo pa ng pera ulit dahil need mo nang pambili dahil nasira na yung cp mo dahil hindi niya kinaya ang pagmamine never ko pa natry magmine sa ganyan o kahit sa computer kaya wala akong masyadong alam sa mga ganyan basic knowledge lang alam diyan hintay mo lang sagot ni OP kung pwede siya sa old version ng android.
Na explain naman na hindi mo talaga kailangan ng mataas na specs kasi hindi naman sya yung traditional mining na alam natin sa mga kilalang crypto na gumagamit ng cpu at gpu.
10073  Local / Pamilihan / Re: Magbibigay ako ng 0.0005 BTC for first 20 persons to drop their BTC address on: January 03, 2020, 01:14:46 AM
Mukhang bigatin yung round 2 kaya dapat mas mabigat din yung mechanics mo. Pabor ako sa rules na nabanggit ni rozie at ang ibang rules naman na nasa isip ko parang essay type naman kung bakit ikaw/ako ang dapat manalo tapos ang desisyon ay manggagaling sayo op kung sino ang karapat dapat na manalo. Ang criteria naka depende sayo, kung witty ba, constructive, inspiring at iba pa.
10074  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: January 02, 2020, 11:46:11 PM
Hello guys just wanted to inform you that there is a text messages spreading from CoinsPh regarding a christmas gift. Please all beware that the link is actually a direct link to a phishing site. Ive just grab the photo from Facebook on my crypto groups. Hope no one here will be victimized of this new scam.

img
Nabasa ko lang yan sa facebook din na may nagshare at obvious din naman na peke yung link attached. Mukhang malaki laki na nakuha ng phishing na yan. Para sa mga walang nareceive, parehas lang din tayo na walang nareceive kasi ang naiisip ko baka yung mga nakareceive ng ganyang sms ay exposed yung number nila sa social media o di kaya may na fill upan silang unfamiliar website na kinocollect kung sino ang mga coins.ph users.
10075  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Manny Pacquiao PAC Token Launches IEO on: January 02, 2020, 09:46:47 PM
Yan na din siguro yun, airdrop. Pero parang wala ng ganyang magaganap kasi nga tapos na yung launching. Nung bago bago pa siya pwede pa pero ngayon, malabo na yung ganyan.
Kung gusto nyo talaga ng coin niya, invest nalang kayo at bumili sa mga supported exchanges.

Recommended ba to na bilhin bro kasi mahirap naman ng dahil lang sa coin nya kaya bibili at di pa tayo sigurado kung coin nya talaga yun o ginagamit lang pangalan nya diba. Ang kaabang abang para sakin yung libra talaga kasi pinupulido pa yung gawa at nag cocomply pa sa rules at feeling ka malilift din nya yung image ng crypto kung sakali.
Sinabi ko lang kung gusto talaga yung coin, bumili at mag invest pero hindi ko hinihikayat na mag invest kayo kasi nga coin yan ni sen. Manny. Na verify naman na aware si senator na ginagamit ang pangalan nya at siya mismo inadvertise niya pa nga yan kasabay nung gcox. Kaya ikaw ang madecide kung bibili ka o hindi kasi pera mo naman ang gagamitin mo.  Grin
10076  Local / Pamilihan / Re: Ang mga Benepisyo ng Gambling( offline)... on: January 02, 2020, 10:19:43 AM
Siguro, maliban as an entertainment and a good way to relieve stress, malaking tulong ang gambling as a job opportunity, sa Pilipinas ang PCSO at Pagcor ay mga government ageagencies na related sa gambling at somehow naeextend nila ang kanilang tulang sa madla at the same time nakakapag provide ng job opportunities.
Tama, sa manpower sector malaki ang ambag din nila kasi mas higit na malalaki ang sahod rin na nabibigay nila sa mga employees nila. Malalaking establishment yung mga casino sa bansa natin at tingin ko sa ibang mga sumisibol na probinsiya pwede rin maghikayat ng mga investor para mas dumami ang mga trabaho. Hindi natin masasabing "kahit papano may ambag sila" kasi ang katotohanan ay malaki talaga ang naiiambag nila hindi lang sa tax pati sa hanap buhay ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa gambling industry.
10077  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Manny Pacquiao PAC Token Launches IEO on: January 02, 2020, 06:05:07 AM
Sana mamigay si Sir Manny Pacquiao ng pac token this month.
kung talagang mamimigay sya,malamang ginawa nya sana yon nitong holiday season dahil napakalaking cash ang binitawan nya nung pasko bawat tao 1k ang natatanggap basta nakapila lang ,kaya i think walang pag asang mamigay ng libreng token,pwede siguro magpa airdrop sya para makakuha ng mga libreng PAC tokens.
Yan na din siguro yun, airdrop. Pero parang wala ng ganyang magaganap kasi nga tapos na yung launching. Nung bago bago pa siya pwede pa pero ngayon, malabo na yung ganyan.
Kung gusto nyo talaga ng coin niya, invest nalang kayo at bumili sa mga supported exchanges.
10078  Local / Pamilihan / Re: [FREE RAFFLE] HAPPY NEW YEAR, HAPPY NEW GAME on: January 02, 2020, 02:45:59 AM
27 - blockman

Happy new year mga kababayan. Parehas maganda pagpipilian pag nanalo first prize.
10079  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: January 01, 2020, 11:48:59 PM
2% withdrawal fee sa Php 50,000 which is Php 1,000 is sobrang di na makatarungan.
If yung rate ngayon yung pagbabasehan natin sobrang laki talaga but it seems OP's cashout seems around like first quarter ng 2018 which is hindi pa nagtataas ng withdrawal fee si Cebuana so basically yung 50k eh 500 lang and fee which is really low.

Hays, nakakamiss yung mga ganun cashout dati. HAHA!!
Bakit mag cecebuana pa e meron naman alternative pag mag withdraw ng 50k gcash,paymaya or LBC na napaka baba ng withdrawal fee.

Yung dati talaga sa mga withdrawal dati e malaki talaga ang fee hindi gaya ngayun na marami ng alternative na pwedeng mag withdraw na mas mababa na fee.
Mas okay ang withdrawals ngayon at masasabi nga nating mas mura ang fee ngayon. Wala na talaga ang cebuana at wag na asahang bumalik pa, maganda din naman siya kaso wala na tayong magagawa kung wala na talaga. Mas okay ang gcash ngayon, no need na para pumila pa at mag wish na sana may pondo yung pagwiwithdrawahan natin, tulad ng ginagawa natin sa lbc at cebuana.
10080  Local / Pamilihan / Re: List of Crypto Exchanges under CEZA- Philippine License on: January 01, 2020, 10:33:31 PM
Di ba ang Ceza sa Cagayan yan? ang dami na palang registered at licensed kaso exchange ba talaga yang mga yan bakit parang kulang sa announcement ang ginagawa ng ceza? Check ko mamaya yung website nila, nakamobile kasi ako eh. Ano kaya pinagkaiba ng principal sa regular license. Parang pamilyar lang ako sa okcoin

yup nandun lahat pati offshore gaming nasa kanila
Okay salamat, kaya pala maraming nasa list ang di ako pamilyar.


Sa ngayon di muna ako na interested sa ibang exchange, except coins.ph at coinspro. Kahit sabihin nating trusted ang mga iyan, mas mabuti parin na dito tayo sa trusted at in demand sa karamiham. Tungkol naman sa licensed ba o hindi, palagay ko naman na comply nila yan kasi bawal mag operate ng business sa pinas kung walang na complied na requirements, pwera nalang kung scam exchange yan.
Ako din naman kuntento na kay coins.ph pero pabor sa ating mga user ang magkaroon ng competition para sa mga exchanges. Kasi dyan magpapagandahan sila ng services, rate at customer service. Sa license, complied lahat yan kasi hindi naman yan ililista ng ceza kung wala sila e, ang tanong ko lang ano pinagkaiba nung principal at regular. May ganun pala.
Pages: « 1 ... 454 455 456 457 458 459 460 461 462 463 464 465 466 467 468 469 470 471 472 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 [504] 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 ... 694 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!