Bitcoin Forum
June 20, 2024, 11:29:41 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 322 323 324 325 326 327 328 329 330 331 332 333 334 335 336 337 338 339 340 341 342 343 344 345 346 347 348 349 350 351 352 353 354 355 356 357 358 359 360 361 362 363 364 365 366 367 368 369 370 371 [372] 373 374 375 376 377 378 379 380 381 382 383 384 385 386 387 388 389 390 391 392 393 394 395 396 397 »
7421  Local / Pamilihan / Re: Binance na hack! on: May 08, 2019, 02:40:33 AM
Oo nga eh, gagawa sana ako ng tutorial gamit ang binance pero nawalan ako ng gana, iba nalang ginamit ko sa guide. ganito rin yung scenario last year. kung kailan pataas na ang presyo ng BTC tsaka naman meron hacking na magaganap. last year parang korean exchange yata ang na hack tapos pagkatapos non eh bigla nalang bumubulusok pa baba yung presyo ng Bitcoin at iba pang mga Altcoins. hindi na ako mabibigla kung ganon din mangyayari ngayon.
7422  Local / Pamilihan / (Guide) Using Centralized Exchange (Tagalog) on: May 08, 2019, 02:32:06 AM
Ngayong araw nais kong ipakita sa inyo kung pano gamitin ang isang Centralized Exchange, para ito sa mga kababayan ko na nagsisimula palang sa Crypto Industry. ang gagawin natin ngayon magtetrade tayo ng Coins to BTC. Halimbawa may nakuha na kayong stakes sa mga sinalihan nyong bounties, kadalasan pag coins ang binibigay sa inyo may dalawang posibilidad na ipapagawa ito sa inyo:
No.1 ipapadownload kayo ng kanilang Software Wallet para sa Windows or Phone para dito i sesend ang inyong mga Stakes sa Software Wallet na to.
No.2 hihingan lang kayo ng Wallet Address sa mga Exchanges at dito nila isesend ang stakes ninyo.

Pag No.1 ang pinagawa sa inyo, kinakailangan pa i send ang mga coins na ito sa mga Exchanges na kung saan nakalist ang Coins na natanggap nyo. halimbawa nakalista ang Coins ninyo sa https://hitbtc.com ang una ninyong gagawin ay gumawa ng account sa Hitbtc.

Step 1: Gumawa ng Account



Step 2: pumunta sa iyong Account



Step 3: Hanapin ang Coins na isesend mo dito, Like for example DAI ang isesend natin.  i click mo lang ang Deposit.



Step 4: I copy mo ang iyong Receiving Address sa Hitbtc at pumunta sa itong Software wallet



Step 5: Buksan ang iyong Software Wallet (Halimbawa: DAI Wallet ito)



Step 6: Pagka bukas mo ng Wallet hintayin mo muna matapos ito mag Synchronized, tapos makikita mo na ang Total Balance mo. I Click mo ang Send.



Step 7: I paste mo na ang na copy mong Address kanina i double check mo para sigurado. tapos ilagay mo kung ilan ang isesend mo tapos send.



Step 8: Habang nag sesend ito hintayin mo lang doon sa HitBtc medyo matagal yan umaabot ng 20 minutes kaya wag matakot.

Step 9: Pagnakita mo ng dumating na sya, Makikita mo na ang Total Balance mo na DAI



Step 10: I click mo ang Right Arrow Icon na makikita mo sa larawan para ma transfer mo ito sa Trading Account mo



Step 11: Pag na transfer mo na I click mo na ang go to Trading



Step 12: 1. piliin mo ang pinakataas para mataas ang presyo, 2. ilagay ang total DAI mo 300 3. tignan kung ok na sayo ang presyo 4. click mo na ang Buy. (Note: dito kasi bibili tayo ng BTC gamit ang DAI so Buy ang i click natin, sa ibang mga exchanges Ibinebenta naman ito sa BTC so Sell naman dapat. Explore lang kayo malalaman nyo rin yan)



Step 13: Pag nagawa mo yan ng tama mapupunta na ang 0.05089 sa Trading Account mo, tapos click mo ang Left Arrow icon para mapunta naman ito sa Main account mo para ready kana sa pag withdraw.



Step 14: Pagnapunta na ang balance mo sa Main Account pwede mo na ito i withdraw.



Step 15: i withdraw mo na ito, 1. ilagay mo ang total amount ng BTC mo = 0.05089 2. ito ang transaction fee 3. ito ang total na makukuha mo 0.04939 4. i paste mo ang BTC address ng Coins.ph mo 5. click mo ang withdraw.



Step 16: Pag nagawa mo yan lahat ng tama. mapupunta na yan sa Coins.ph mo.







Kadalasan ganito rin ang mga paraan ng paggamit sa mga Centralized Exchanges na nakalist sa taas kaya pag na master mo na ito madali na sayong mag trade sa ibang Centralized Exchanges.

Itong Guide na ito ay ginawa para sa mga Newbie O Baguhan para hindi sila mahirapan. sa mga Veterano kung meron akong pagkakamali ay tulungan niyo akong maitama ito, sa pagkat kayo ang mas may alam kaysa sa akin. gayumpaman kung may katanungan kayo i post lang sasagutin namin yan ng mga kakabayan.




Source:
https://bitcointalk.org/index.php?topic=2906237.0
https://bitcointalk.org/index.php?topic=3989132

7423  Local / Pamilihan / Re: Listahan ng Mga Online Stores na tumatanggap ng Bitcoin on: May 07, 2019, 02:11:42 PM
To OP: Accepted ba PH dyan sa mga nabanggit mong mga merchants?

Hindi ko alam tol, since hindi ko pa ito nasubukan, nais ko lang i share na pwedeng gumamit ng Bitcoin sa pagbayad sa mga tindahan nato. yun nga lang eh hindi ito dito sa atin sa pilipinas gaya nga ng sinabi ng karamihan nating kababayan eh mas maganda kung sa susunod mga kilalang online store naman dito sa ating bansa ang maging katulad ng mga tindahan na yan. tumatanggap ng Bitcoin bilang paraan ng pagbayad.
7424  Local / Others (Pilipinas) / Re: Expect more poster in Pilipinas Local board! - Welcome home! on: May 07, 2019, 01:31:42 PM
Ako rin isa sa mga napili, ang swerte ko nga eh nag rank pa ako habang nakasali sa Campaign na ito. sana good record kaagad tayo kay Boss Manager para mapili tayo sa mga susunod nyang campaign. pagbutihin natin lang at wag tayong magsawang magtulungan. para sa atin din to. malay nyo sinusubukan lang tayo. kumbaga try out lang, kaya wag natin sana palampasin ang pagkakataon na ito upang ipakita sa kanila ang husay natin sa pag post ng mga may kabuluhang bagay.
7425  Local / Polski / Re: Signature campaing - regularnie płatne pewniaki on: May 07, 2019, 01:29:06 PM
Greetings to Pilipinas member Smiley I never thought this topic will bring foreign users to our local board. Great to see you here. Since this campaign is first campaign of junior member manager (without escrow) i cannot link it in OP since it does not match this rule:

  • Sprawdzony manager (np hampuz lub yahoo62278)
which means "trustful manager". Anyway thank you for report and hope to see more from you in the future Smiley


My apology to enter here, but the Poland board is only below the Pilipinas board that's why I often see your topic. I clicked it and sees that you are rewarding users for every signature campaign that they posted here. I will post it here every time I see a new sig campaign that pays btc with "trustful manager" off course.
7426  Local / Polski / Re: Signature campaing - regularnie płatne pewniaki on: May 07, 2019, 12:21:56 PM
Manager:  EthexBet
Nazwa kampanii: Ethex.Bet Signature Compaign 0,024 BTC / month
Ile do zarobienia/tydzień / ilość postów:
Pay rates:
Legendary: 0.002 BTC / 10 post
Hero: 0.0015 BTC / 10 post
Senior: 0.001 BTC / 10 post
Jakie rangi: Senior Member - Legendary
Dodatkowe informacje: Basic info:
Members: Senior, Hero and Legendary
Total / free slots: 30 / 30
Min .. max posts per week: 15 .. 30
7427  Alternate cryptocurrencies / Altcoin Discussion / Re: Paying low fees in Ethereum - Gas Limit, Gas Price and Gwei on: May 07, 2019, 12:13:43 PM
Thanks for letting me translate this topic of yours, my fellow countrymen really appreciate it. here's the link on my translation: https://bitcointalk.org/index.php?topic=5135891.0
7428  Economy / Games and rounds / Re: [DAILY FREE RAFFLE] 267th JUST BECAUSE I AM STILL IN A GOOD MOOD FREE BITCOIN on: May 07, 2019, 12:07:21 PM
C - Yazher
7429  Local / Pamilihan / Re: Listahan ng Mga Online Stores na tumatanggap ng Bitcoin on: May 07, 2019, 12:02:52 PM
Hinihintay ko rin ang Lazada at shopee na sana tatanggap na sila ng Bitcoin bilang bayad, kasi napaka convenience yon para sa atin kung nagkataon, tapos makikipag partner pa sila sa coins.ph ang ganda siguro non tapos may mga freebies pa.

About sa Jolibee at McDo naku pag nag order kayo jan magdala kayo ng extra cash, kasi may nabasa ako dati Parang restaurant yata yun, nagka error yung bitcoin payment nila kaya pag nangyari yun sa inyo tapos wala kayong dalang cash naku malaking problema.
7430  Local / Altcoins (Pilipinas) / Complete Guide to Using ForkDelta/EtherDelta (Tagalog) on: May 07, 2019, 05:12:43 AM
Pagdating sa pag trade ng ETH at ERC20 tokens, ang ForkDelta ay isa sa mga popular na decentralized exchanges ngayon. Gayunpaman, para sa mga baguhan mahirap itong intindihin lalo na yung mga nagsisimula palang. kaya narito ang Gabay upang malaman kung paano gamitin ang ForkDelta/EtherDelta.

Bago tayo pumunta sa Guide, meron munang mahalagang pagpapaliwanag tungkol sa pagkakaiba sa pagitan ng ForkDelta at EtherDelta dahil maaari itong makalilito sa mga hindi pamilyar sa kanila.

Ang ForkDelta ay isang open source fork ng EtherDelta na gumagamit pa rin ng parehong smart contract ngunit iba't ibang frontend interface. Pero ang backend nila ay pareho (at hindi lamang isang duplicate, ito ay literal ang parehong smart contract) habang ang site ay may konting pagkakaiba.

Ang ForkDelta/EtherDelta ay isang desentralisadong exchange na nagbibigay-daan upang i-trade ETH at iba pang mga ERC20 tokens. Bagama't hindi mataas ang trading volume nito, ang katanyagan nito ay mula sa pagiging ang unang listing ng ERC tokens post-ICO. ang resulta, ang ForkDelta na marahil ang may pinakamataas na bilang ng ERC20 tokens listed; higit sa 200.

Mag Import ng account sa ForkDelta/EtherDelta, Pag import gamit ang PrivateKey

Official Site ng Forkdelta at Etherdelta

Step 1



Step 2



Note: wag na wag mo itong ibibigay sa iba, ang Private key makukuha mo ito sa MyEtherWallet mo. sa view-wallet-info tapos i click mu yung Eye na icon lalabas ang private key mo tapos i copy mo lang:




Mag Trade ng Token sa ForkDelta/EtherDelta

Step 1
Pumunta ka sa https://ethplorer.io/address/0xc2c384240366b209c75ef9b730fe136ce1789f6f at palitaan ang ETH address na yan ng gamit mong ETH address sa MyEtherWallet:




Step 2
Piliin ang Token na nais mong ibenta at pagkatapos i open in newtab mo ito:



Step 3
Pumunta ka sa ForkDelta or EtherDelta dipende kung saan nakalista ang token mo at hanapin ito, kung wala sa listahan i scroll mo lang hanggang mapunta ka sa Other na nasa pinakaibaba:



Step 4
Kung nasa listahan ay mag proceed ka na sa Step 5, kung wala i click mo yung other tapos pumunta ka sa na newtab mong token kanina sa step 2. Makikita mo dito sa box na merong (Address,Name,Decimals). sundan mo lang ang gabay sa larawan 1 2 3.








Step 5
tapos makikita mo dito ang tokens balance mo sa MyetherWallet No.1 at Forkdelta Balance mo sa No.2



I adjust mo muna ang Gas Price para hindi mataas ang babayaran mo sa transaction fee. tignan mo ang Tamang Gas Price sa https://ethgasstation.info/ sundan mo lang ang makikita mo sa larawan.







Step 6
Bago mo ito maibenta kailangan mo muna i deposit ito sa Forkdelta, halimbawa: ang balance ng token na gusto kong ibenta ay 10,000,000 BTCC (BitcoinCrown), ito ang ilalagay ko sa deposit box.



tapos click mo lang ang deposit tapos maghintay ng sandali hanggang may lumabas na confirmation at i ok mo lang.



tapos maghihintay muli ng ilang minuto hanggang mapunta yung balance mo sa Forkdelta or pwede rin i reload mo ang page:



Step 7
Yung mga nakikita nyong numero sa may kanan yan yung mga Volumes ng token Kung gusto mong bumili i click mo yung pula, kung magbebenta ka naman i click mo yung green. since magbebenta tayo green ang i pipiliin ko. ang piliin natin yung nasa pinakamataas na green ang nasa taas yung ang may mataas na offer o mataas ang presyo.



Step 8
Ngayon ipapakita ko lang sa inyo kung halimbawa meron kang 10,000,000 BTCC ang kabuuang benta nito ay makikita sa larawan 1.410 convert to PHP = 13,023 Pesos. tapos kung ok kana dun i click mo lang yung ok.



Step 9
Pagka click mo ng OK may lalabas ulit na Transaction Confirmation Pag successful ang pag benta mo, maghintay ka lamang ng ilang minuto, hintayin mo mapunta ang ETH sa Forkdelta Balance mo.



Step 10
Kung nakita mo na napunta na ang balance mo sa ForkDelta maari mo na itong i withdraw sa MyEtherWallet mo. paano mag withdraw? sundan lang ang instruction sa image:

Una i click mo ang Withdraw:



Tapos ilagay mo sa box ang 1.410 na makikita sa larawan tapos i click mo ang Withdraw maghintay ka lamang ng ilang minuto, hintayin mo mapunta ang ETH sa MyEtherWallet mo:



Step 11
Kung napunta na ang ETH balance mo sa MyEtherWallet mo tulad ng makikita sa larawan 0.007 + 1.410 = 1.417 pwede mo ng i close ang ForkDelta/EtherDelta at pumunta ka na sa MyEtherWallet Mag log in ka muna tapos i send mo na rin ito sa Coins.ph.




Pag Send ng ETH Galing sa MyEtherWallet papuntang Coins.ph.

Step 1
Buksan ang iyong MyEtherWallet i click ang Send Ether & Tokens



Step 2
Ilagay ang amount na i sesend mo sa Coins.ph magtira ka ng pang gas fee mo. Like for example meron kang 1.417, 1.410 lang ang i send mo para may pang gas fee ka sa susunod na mga transaction mo.
at tsaka wag mong kalimutan i adjust ang Gas price: tignan mo ang Tamang Gas Price sa https://ethgasstation.info/



Ilagay mo ang ETH address ng coins.ph mo tapos ilagay mo rin ang amount na i sesend mo 1.410. tapos i click mo lang ang send transaction tapos i click mo naman ang Yes! I am Sure to make this transaction.





Pagnagawa mo yan ng tama, pagkatapos ng ilang minuto mapupunta na yan sa Coins.ph balance mo.




Ang mga ito ay pawang halimbawa lamang kung paano ang paraan ng paggamit sa ForkDelta/EtherDelta. at siguraduhin mo muna bago mo gawin ito siguraduhin mo na nakalist na ang iyong tokens sa ForkDelta/EtherDelta dahil kung wala pa ito roon hindi mo pa ito mabebenta ang gabay na ito ay para lang sa mga tokens na nakalista doon. kung may katanungan at may mga hindi naintindihan i post nyo lang sasagutin yan ng mga kababayan natin at ako na rin.


Soure:
https://www.coingecko.com/buzz/complete-guide-to-using-forkdelta?locale=en
7431  Local / Pamilihan / Listahan ng Mga Online Stores na tumatanggap ng Bitcoin on: May 06, 2019, 09:24:18 PM
Alam nyo ba na sa panahon ngayon marami ng tindahan ang tumatanggap ng Bitcoin bilang isang paraan nag pagbayad. narito ang mga iilan:


1. Microsoft



Ang Microsoft ay isa sa mga unang Tech giants na tumatanggap ng bitcoins bilang payment method nagsimula ito noon pang 2014. sa pag add ng bitcoins sa iyong microsoft account, pwede ka ng makabili ng Windows 10 licenses to games, movies, and apps in the Windows and Xbox stores. Pansamantalang tumigil ang Microsoft sa pagtanggap ng Bitcoins dahil sa kanilang mga likas na pagka volatility pero nagsimula din nila tanggapin ito bilang isang paraan ng pagbayad.

2. Overstock



Ang Overstock ay isa sa mga unang  online retailers na tumatanggap ng Bitcoins bilang bayad para sa kanilang mga produkto (2014). Ang online store na ito ay nagpapahintulot sa mga customer nito na magbayad  gamit ang Bitcoins, simula sa mga elektronics products tulad ng TV set at laptop o computer mga produktong may kaugnayan sa bahay, tulad ng mga unan. Ang kagandahan pa sa retailer na ito, ay ang pag suporta nila sa lahat ng mga pangunahing cryptocurrencies Kabilang dito ang mga Ethereum, Litecoin, Dash, Monero, and Bitcoin Cash.

3. Expedia



Nabuhay tayo sa panahon na kung saan mas madaling magtravel kaysa sa dati, kaya, napakagandang pagkakataon ito para mag booking ng iyong next trip gamit ang iyong Bitcoins. Ang Expedia ay isa sa pinakamalalaking online travel booking agencies at tinatanggap nito ang Bitcoins bilang paraan ng pagbayad mula pa noong 2014. Ang Expedia ay nag teamed up at Coinbase para ma implement ang new payment option na nagpapatunay ng tagumpay sa huling ilang taon.. ngunit sa ngayon ang Bitcoin payment ay nagagamit lamang sa mga  hotel bookings.

4. eGifter



na nagbibigay-daan sa iyo upang gamitin ang iyong Bitcoins upang bumili ng mga gift cards mula sa mga lugar na hindi direktang tumatanggap ng Bitcoins, tulad ng Amazon, JCPenny, Sephora, Home Depot, Kohl’s at marami pang iba. Tulad ng Expedia at Overstock, ang eGifter ay kasosyo rin ng Coinbase.

5. Shopify (Shopify stores)



Maaaring pamilyar sa iyo ang Shopify, isang sikat na e-commerce platform sa mundo na nagpapahintulot sa mga merchant na mag-set up ng kanilang sariling mga online shops at magbenta ng mga paninda katulad ng Amazon, eBay, at iba pang online giants. Noong 2013, lahat ng Shopify merchant ay may pagpipilian upang tanggapin ang mga pagbabayad ng Bitcoin sa tulong ng isang serbisyo na tinatawag na BitPay.Sa teorya, hindi ka maaaring bumili ng anumang bagay mula sa site ng Shopify mismo gamit ang Bitcoin, dahil ang kanilang platform na SaaS ay hindi tumatanggap ng mga cryptocurrency. Available lamang ang option na ito para sa mga merchants gamit ang platform ng Shopify gamit ang mga serbisyo tulad ng Coinbase Commerce.

6. CheapAir



Ang CheapAir ay isang American flight booking service na nagpapahintulot sa iyo na magbayad para sa mga flight gamit ang mga cryptocurrency, kasama na dito ang Bitcoin. Ang serbisyo nila ay nagpapahintulot sa iyo na gumawa ng parehong domestic at internasyonal flight bookings.
Upang mapakinabangan ang sistema ng pagbayad ng Bitcoin sa CheapAir, dapat kang magkaroon ng isang Coinbase wallet.

7. Newegg



Ang Newegg ay isa sa mga pinakamalaking electronic retail companies na tumatanggap ng Bitcoin bilang  paraan ng pagbabayad sa pamamagitan ng paggamit ng BitPay bilang opisyal na kasosyo sa pagpoproseso ng pagbabayad nito. Sa kasalukuyan, tinatanggap ng Newegg ang Bitcoin sa isang disenteng hanay ng mga produkto at serbisyo maliban sa call orders, Newegg gift card, market place items,subscription orders, premier memberships, return shipping labels. Ang ilan sa mga pinakasikat na pagpipilian para sa mga gumagamit na nagbabayad ng Bitcoin ay mga hardware parts para sa mga computer, pati na rin mga mining hardware.

8. PizzaForCoins




Natatandaan mo pa ba ang kwento na lalakeng bumili ng Pizza sa halagang 10,00 Bitcoins para sa 2 Papa John's Pizza noong 2010? hindi ko sinabi na ang pagbili ng Pizza ay magdudulot ng parehong pagkakamali ng lalakeng yon. pero ngayon pwede ka ng makakuha ng pizza gamit ang mga Cryptocurrencies kasama na ang Bitcoin sa PizzaForCoins.

Ang serbisyong ito ay nagsisilbing isang uri ng tagapamagitan nag lolocates ito ng Pizza venture malapit sa iyong lokasyon, at pagkatapos ay nagpapahintulot sa iyo na mag-order at magbayad gamit ang iyong cryptocurrencies. Tandaan na ang isang maliit na bayad para sa serbisyo ay kasama sa final payment option.

9. Reeds Jewelers



Ang Reeds Jewelers ay isang kilalang prominent US-based fine jeweler na may maraming lokasyon na sumasaklaw sa higit sa 13 estado. Mula sa Reeds Jewellers, maaari kang bumili ng anumang bagay mula sa alahas sa mga premium na relo at maluwag na diamonds. Hindi lamang kayo maaaring magbayad gamit ang Bitcoin sa lahat ng mga lokasyon na ito, ang serbisyo ay meron din kasamang libreng paghahatid sa pamamagitan ng armored transportasyon para sa anumang mga pagbili ng mga loose diamonds na nagkakahalaga ng higit sa $ 25,000.

10. Gyft



Ang Gyft ay isang online gift card service na nagbibigay-daan sa iyo upang bumili ng mga goods mula sa mga napakaraming hanay ng mga online retailer (higit sa 200, to be exact). Ang serbisyo nila ay nag-aalok ng mga card para sa mga retailers tulad ng Southwest Airlines, Whole Foods, CVS Pharmacy, Hotels.com, at iba pa. Upang makabili ng mga card mula sa Gyft, kailangan mong magkaroon ng isang Coinbase account.

11. More Stamps Global



Ang More Stamps Global ay kamakailan-lamang ay inihayag na ito ay magsisimula sa pagtanggap ng mga bayad sa pamamagitan ng “forty different popular cryptocurrencies.” Tulad ng inaasahan, ang Bitcoin ay kabilang sa mga cryptocurrencies na ito. Pinahihintulutan ng More Stamps Global na pumili mula sa mga flights, car rentals, hotel bookings, and all sorts of other traveling packages.

12. Bitcoinshirt.co



Ang Bitcoinshirt.co ay isang online retailer na nag specialized sa pagbebenta ng "funky" na isang Bitcoin merchandise, tulad ng mga T-shirts, hoodies, coffee mugs, hats, posters, at iba pa. Ang online store na ito ay kilala sa mga malikhaing disenyo, na maaaring mabili gamit ang higit sa 30 different types of online cryptocurrencies.



Note:

ito ay isang maliit na bilang ng mga indibidwal na mga online stores and retailers na tumatanggap ng Bitcoin bilang isang paraan ng pagbabayad. Gayunpaman, ang mga nabanggit sa listahan na ito ay mahusay na itinatag na mga tindahan na may mahusay na katanyagan at community backing, na nangangahulugan na ang mga ito ay ligtas na mga pagpipilian.

Hindi ako isang empleyado o nagpopromote ng mga nasabing tindahan sa taas, ang hangad ko laman ay mag share ng aking mga nalalaman.

Source:
https://usethebitcoin.com/list-of-online-stores-accepting-bitcoin/
7432  Local / Pilipinas / Re: (Guide) Signed Message gamit ang (Electrum) on: May 06, 2019, 01:06:23 PM
Especially Hhampuz, sending segwit to segwit address can help us save with the transaction fee, it's very low actually that's why I like to use it.
My current campaign, I'm using segwit and thanks to Hhampuz for requiring this to us. The address I use in campaign is the one also I use in signing message so it can easily be recognize and I have logs here in the forum that I am using the address.

Good for you bro, mine is the one that I've used in coins.ph. kaya yung naka sign na message ko sa stake your bitcoin address here ay wala pa akong napopost dito. baka sa susunod gagamitin ko na para sakaling magka problema may maipapakita ako sa kanilang ebidensya.
7433  Local / Others (Pilipinas) / Re: (Babala) Wag basta2x maniniwala sa Screenshot on: May 06, 2019, 10:52:15 AM
may nag turo na din sakin nyan before nung di ko pa alam yan hangang hangang ako sa nakikita ko sa balance nila pero nung nakita ko na kung pano mag edit parang ang sarap murahin kasi alam mong nangloloko lang lalo na sa wallet ng coins.ph at sasabihin ask me how.

Yan nga talaga tol ang madalas na nakikita natin ask me how, syempre unang tingin mo palang nakakapang gigil na akala naman natin totoo pero parang namulat lang tayo sa bulag na katotohanan. Fake at ginamit nila lang tayo pang referral ang masakit pa don eh wala tayong kamalay2x.
7434  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: How to send Eth to multiple wallets (Tagalog) on: May 06, 2019, 07:47:41 AM
Iisang transaction fee lng ba mababayaran mo dito? yung isang transaction lang ang magagawa.

Hindi ko pa naman na try kasi wala akong budget para i send. pero kung titignan mo dun sa guide parang ganun na  nga kasi ginagawa yung pag send sa mga multiple address para makatipid sa mga transaction fee. pero hangga't hindi natin nasusubukan itong guide hindi ako 100% sure na iisang bayaran lang ito tol.
7435  Other / Beginners & Help / Re: 161 History of Bitcoin 2007-2014 on: May 06, 2019, 03:00:00 AM
P.S.: Are we allowed to translate this in our local language and publish in our local section with a link referring to the original content here?

you have my permission but make sure to put the original source that I posted below the OP and also add my link in the description if possible.
7436  Local / Pilipinas / Re: (Guide) Signed Message gamit ang (Electrum) on: May 06, 2019, 02:49:40 AM
Wait, tama ba yung nakita ko sa taas? Segwit na din mga address sa electrum? So suportado na pala nila ang segwit, medyo matagal na ako hindi gumagamit ng electrum kaya hindi ko na alam LOL

pwede ka nang makakuha ng segwit na address gamit ang electrum actually may pag pipilian kang dalawa Segwit or Legacy. kakadownload ko pa ngalang nitong Electrum eh. nagulat din nga ako na ganito lang pala kadaling gumawa ng segwit BTC address.

7437  Local / Pilipinas / Re: (Guide) Signed Message gamit ang (Electrum) on: May 06, 2019, 02:18:03 AM
Nag install ako ng electrum kasi nowadays segwit address na ang nire require ng ibang campaign. I thought pwede ang apk version para mag sign message.

isa rin yan sa mga dahilan yang Segwit dahil yan na nga rin madalas hinihingi sa mga campaign para makatipid sila sa mga transaction fees. kaya maganda nga gumamit nalang ng electrum para double ang magagawa natin makakapag sign na tayo ng message guaranteed segwit pa ang ating mga address.
7438  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Kumikita parin ba kayo sa bounty campaigns? on: May 06, 2019, 01:42:41 AM
Yung pag asa nalang natin ngayon yung mga IEO isang magandang salihan pag meron silang bounty, wala ng aksaya pa ng oras ang mga tokens or coins agad2x naiiilista sa mga exchanges. ito rin hinihintay ko pag merong magandang campaign tapos IEO na sya hindi ICO. yung ICO kas karamihan paasa pero yung IEO pag napasok yan sa makakapagkatiwalaang exchanges walang duda pera na.
7439  Alternate cryptocurrencies / Altcoin Discussion / Re: Be aware of the new exchange's IEO! on: May 06, 2019, 01:31:23 AM
IEO is not like ICOs they are easy to spot because if they were listed on some big exchanges there is a higher percentage that the project would be good and no big exchanges out there to sell their names just to scam people. on the other hand, if they were listed on some unknown and low volume exchanges the percentage of it being a scam is also higher.
7440  Bitcoin / Bitcoin Discussion / Re: The use of Crypto currencies in our country. on: May 06, 2019, 01:23:51 AM
Unfortunately, in my country, Bitcoin and cryptocurrency are not yet used.  But I still hope that it will be very soon.  Seeing the fact that so many users in our country are engaged in trade.

If the government of your country sees the positive effect of the cryptocurrency they will let some big crypto company build up some business their. unfortunately, most of the countries in the world follow the footsteps of chinese government instead of supporting crypto they let it go to waste and banned it in their own country.
Pages: « 1 ... 322 323 324 325 326 327 328 329 330 331 332 333 334 335 336 337 338 339 340 341 342 343 344 345 346 347 348 349 350 351 352 353 354 355 356 357 358 359 360 361 362 363 364 365 366 367 368 369 370 371 [372] 373 374 375 376 377 378 379 380 381 382 383 384 385 386 387 388 389 390 391 392 393 394 395 396 397 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!