Bitcoin Forum
May 25, 2024, 07:00:34 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 446 447 448 449 450 451 452 453 454 455 456 457 458 459 460 461 462 463 464 465 466 467 468 469 470 471 472 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 [496] 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 ... 694 »
9901  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: March 05, 2020, 09:13:43 AM
Baka isa din po kayo sa makakatanggap ng ganitong email.

Kung nabuksan na po ninyo, change pass na po kayo agad at activate 2FA. So far walang nakuha sa wallet ko pero langya pano nya nalaman ang email na gamit ko sa coins.ph. Yung IP Address sa Korea daw.
Ito talaga yung mga obvious na phishing emails. Kapag ganyan pwedeng nakuha yan kung saan ginamit mo email mo pang signup sa mga give away o airdrops. May naaalala ka bang ganyan na ginawa mo dati gamit yang email mo? Kaya kapag may account ka sa coins.ph iwas nalang masyado sa mga pag sign up, mas maganda gawa ka nalang ibang email tapos yun yung gamitin mo sa ibang purpose. Wag din basta basta magclick ng mga link sa mga emails natin at laging basahin kung saan galing yung email.
9902  Local / Pilipinas / Re: Comelec Eyes Mobile App for Voting on: March 05, 2020, 08:07:38 AM
Mukhang malayo pa tayo sa katotohanan kahit na may mga magagandang proposal. Parang masyadong delikado at mas madaling dayain kung ganyan yung magiging sistema. Mas kailangan natin yung transparency, tama kailangan I-improve yung automation pero dapat sa mas safe na paraan at hindi maapektuhan yung tiwala ng sambayanan kasi kapag ganito, sigurado sa mga IT experts meron agad na makikitaang pwedeng malusutan ng mga mandadaya.
9903  Local / Pamilihan / Re: 🔥🔥🔥 Hindi na NAKAKATUWA ang CoinsPH sa Pag-CASHOUT ng Bitcoin🔥🔥🔥 on: March 05, 2020, 07:11:48 AM
May mga ganito talagang pagkakataon at kahit na verified ka na, pilit silang gagawa ng mga kaek-ekan na kailangan mo ulit magpasa ng KYC sa kanila. Pero kung gusto mo din naman, tama nga yung sabi na parang formality lang yan at may nanghihingi ng addt'l na docs.
Masyado na sila mahigpit ngayon at kahit angkop naman yung documents na ipapasa, dinedeny nila at manghihingi pa ng additional docs para i verify. Sana yung mga old users hindi na nila ginaganito lalo na kung matagal ng nag comply sa kyc. Maganda kasi gamitin ang coins.ph kaya nakakapanghinayang bitawan. Yung case ko almost 1 month na ata pero wala pa sila reply sa docs na pinasa ko kung approve ba o hindi.
Old user naman nila ako at wala ako masyadong problema sa kanila. Sabagay kasi hindi naman ganun kalaki yung pera ko sa kanila at pa konti konti lang din ako pag nag wiwithdraw sa kanila at load load lang din. Ano yung hiningi na documents nila sayo? kung 1 month na yan at ganun katagal na pending dapat I-follow up mo sa kanila kasi baka natambakan ka na ng ibang query kaya hindi na nareview yung sayo. Email o chat mo nalang din sila para mabalikan ka.

Tandaan na crypto is not privacy, especially kung mga bitcoin o forks nito. But we all know that, for most use cases, hindi rin nila malalaman o ma prove kung sino talaga gumagamit o saan galing ang mga coins.

Anyway, pag ganito, kung gusto mo pa gamitin, sagutin lang mga tanong. Ako friendly sa kanila, dito lang ako sa forum nagrereklamo. Still Level 3 or 4 verified and I think I can now use it just fine. Until next year ulit pag gusto nila tumawag.
Ganito lang din ginagawa ko, friendly as always sa kanila kasi kailangan talaga yun at in real life ganun din naman ako. Comply lang talaga ang kalian kapag gusto ipagpatuloy at di natin matanggi na maganda talaga service ni coins.
9904  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Ripple will Power remittances to the Philippines(BDO Partnership) on: March 05, 2020, 06:21:05 AM
Paki-correct kung tama pagkaunawa ko na yung technology ng Ripple ang gagamitin nila at hindi mismo yung coin na XRP. Magandang initiative ito kahit anoman sa dalawa yung gagamitin ng BDO at Rakbank. Maganda yung pagkasabi na walang bayad pag magta-transfer ng pera mula Dubai hanggang dito sa Pinas. Malaking bagay yan para sa mga kababayan nating OFW na nagtatrabaho sa Dubai at sa iba pang lugar na magiging sakop ng partnership na yan.
Yes ayun din pagkakaintindi ko, Technology lang ng Ripple ang gagamitin ng BDO at RakBank upang maging tulay sa pagkakaroon ng mabilis at low fee na transaction. Dahil mula RakBank ay maaari na ng mgapadala ang mga kababayan natin thru BDO. Malaking tulong ito sa ating mga kababayan upang maipadala nila ang kanilang mga pera ng instant at walang mataas na fee na babayaran.
Oo nga aalisin nila yung mga hidden charges na yan yung kinaiinisan nating lahat. Kasi imbes na kung magkano lang yung sinabi nila, nagkakaroon pa pala ng additional fees kaya nagmamahalan yung mga remittances. Pero sana bago nila mapatupad yang technology nila, consider nalang din nila yung mismong cryptocurrency kaso ang mahirap mga banko kasi sila at hindi sila pwede sa masyadong mataas na volatility na meron ang crypto.
9905  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Ripple will Power remittances to the Philippines(BDO Partnership) on: March 04, 2020, 05:14:56 AM
Paki-correct kung tama pagkaunawa ko na yung technology ng Ripple ang gagamitin nila at hindi mismo yung coin na XRP. Magandang initiative ito kahit anoman sa dalawa yung gagamitin ng BDO at Rakbank. Maganda yung pagkasabi na walang bayad pag magta-transfer ng pera mula Dubai hanggang dito sa Pinas. Malaking bagay yan para sa mga kababayan nating OFW na nagtatrabaho sa Dubai at sa iba pang lugar na magiging sakop ng partnership na yan.
9906  Local / Pamilihan / Re: 🔥🔥🔥 Hindi na NAKAKATUWA ang CoinsPH sa Pag-CASHOUT ng Bitcoin🔥🔥🔥 on: March 04, 2020, 04:12:47 AM
May mga ganito talagang pagkakataon at kahit na verified ka na, pilit silang gagawa ng mga kaek-ekan na kailangan mo ulit magpasa ng KYC sa kanila. Pero kung gusto mo din naman, tama nga yung sabi na parang formality lang yan at may nanghihingi ng addt'l na docs.

Oo kabayan ginib-up ko na, di naman sila makakapagmalaki daming pwedeng gamitin para icash out ang ating mga cryptos di ba, may mga exchange na nag-ooffer na rin ng encashment via debit/credit card at local banks, marami din local exchange na pwedeng gamitin like Abra at iba pa, so wag tayo ang ANUHIN nila hehehe
Tama, may mga ibang exchanger na din naman kaya hindi na mahihirapan. Check mo din yung moneybees, licensed na sila ng BSP.
9907  Local / Pamilihan / Re: Let's talk about ABS-CBN possible shut down. on: March 04, 2020, 03:06:23 AM
1. Yung pag-allow nila ng foreign investors na magkaroon ng malaking share sa kumpanya. Yan yung ibig sabihin na quo-warranto na finile ni Solgen. Callida.
2. Bababa at tataas din yan kinalaunan. Normal lang yan na kapag may mga ganyang news, mag panic mga holders nila at sure na sell. Pero sa mga wais, alam nila na huhupa din yang tensyon ng ABSCBN franchise. At pagkakaalam ko ngayon, mas tumaas na nga yung price ng stocks nila kaya solve at panalo yung bumili nung kainitan sa simula.
3. Yung pagkawala ng mga empleyado yun ang mas mahalaga. May mga kumpanya din naman na nag-evade ng tax nila at millions to billions din, saka lang aasikasuhin kapag nasilipan.
9908  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: March 04, 2020, 01:31:32 AM
I'm expecting them to make me kulit again next year, sa susunod na bull run, pag nag cash out o withdraw ng 1 BTC ... hehe.. so mag handa na kayo sa ganyan exsena, first try to withdraw a little bit muna, like 50k o 100k, mga 2 times, then 400k ... tingnan naten kung ano gagawin nila. At that point, naka handa na lahat ng requirements, kasi paulit ulit ko naman binibigay, at ang mga tanong nila, paulit ulet ko rin sinasagot.

I'm sure I'm always talking to a different employee, but say the same thing every year. Ayun, approved naman palagi, basta you talk nice to them. My answers are always vague too.
Mas maganda talaga kapag pautal-utal nalang yung pag withdraw parang doon kasi sila sa mga malakihang amounts nagiging strikto at nagiging hyperactive. Baka yung iba rin hindi maganda yung pagsagot sa support kaya nawawalan ng gana asikasuhin yung concerns nila. Ako kapag kinokontak ko sila parang casual yan at syempre respect din kahit na may problema para lang din mag-adjust at hindi lalong mapending yung magiging ticket mo sa kanila.
9909  Local / Pilipinas / Re: [Allegedly] Mr. Raul Lambino Corrupt crypto regulator sa ating Bansa on: March 04, 2020, 12:59:43 AM
Masyado atang malaking pera yan para makubra man ni Mr. Lambino. Wala akong pinapanigan sa dalawa sa kanila, kay Mr. Tulfo o Mr. Lambino pero kung sakali mang totoo yan ay ang pinaka apektado yung magiging tingin sa bansa natin nitong mga foreign potential businessman at iba pang mga gustong magtayo ng business na related sa cryptocurrency. Kasi nga nagsisimula palang ang CEZA at dapat nga dyan mas lalong tinututukan kasi nga related sa technology yan at isa yan sa emerging markets na makikinabang ang buong bansa natin. At kung ito man ay isang propaganda rin lang, bansa pa rin natin ang apektado. Sa panahon ngayon, mahirap na I-determine yung totoo at peke na balita at maging sa mga kawani ng gobyerno.
9910  Alternate cryptocurrencies / Bounties (Altcoins) / Re: [CFNP] Koinly Signature Campaign, payout in ethereum weekly. on: March 03, 2020, 11:46:48 PM
Thank you for adding me to this campaign, I confirm all the details.
9911  Alternate cryptocurrencies / Bounties (Altcoins) / Re: [Open] Koinly Signature Campaign, payout in ethereum. on: March 02, 2020, 11:39:42 PM
Bitcointalk profile link: https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=816893
Current amount of posts (including this one): 3976
How much merit have you earned in the last 120 days: 3
Ethereum Address for Payouts: 0x1e8623b3c1f84AEB4cAdb0555782989d41d1C1F9
I think it's a good idea if you will include the personal text space too.
9912  Local / Pilipinas / Re: Correction ba ulit tayo? dahil ba ito sa stock market? o dahil ba ito sa Virus? on: February 27, 2020, 11:49:38 PM
Still good pa rin naman tayo kahit na bumaba siya galing sa $10k. Masyado kasi tayong na attached sa price na yan kasi nga mataas pero kung suma-total, ang ganda pa rin ng galaw ng bitcoin.
Mas naniniwala akong may kinalaman pa yung halving dito kasi mas ginagawa ng whales na pababain muna kasi nga lesser rewards na pagkatapos ng halving.
9913  Local / Others (Pilipinas) / Re: Paolo Tomenes, famous pinoy sneaker YouTuber, nahack ang YouTube account on: February 25, 2020, 11:42:48 PM
Napanood ko sa bagong channel niya at inexplain niya yung nangyari. Na-gets ko na agad yung nangyari sa kanya kasi may dinownload pala siyang software na nirequire sa kanya sa email ng scammer na yun na nagpakilala siguro na mags-sponsor sa mga videos niya or known as advertiser.
Trend yan ngayon ng mga scammer kaya pala maraming naloloko sa mga pa giveaway livestream na ginagamit pangalan ng Binance at iba pang kilalang service dahil sa malaking bilang ng subs nila, ganito pala ginagawa nila.
Ok naman na ulit at nabalik na sa kanya account niya na may 360k+ subs.
9914  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: February 24, 2020, 11:57:16 PM
Mataas ETH rate ngayon sa coins.ph. Convert na guys Cheesy
Haha nagba-bug yan. Ganyan din napapansin ko kapag sini-shift mo sa ibang crypto like XRP at BCH mabilis nga lang mag-iiba.   Tongue

update ko lang kayo: down ang instapay at gcash.
Ok na ulit.  Cool
9915  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: February 21, 2020, 11:27:36 PM
Sa mga madalas magbayad ng bills ask ko lang di ba instant ang meralco payment sa coins paano malalaman kung na process na ang payment?

Wala pa kasi ako na receive na email galing sa kanila kahapon ako nagbayad.
Yung sa mga bills ko sa phone, instant siya pero kung kuryente at tubig.

Ang pagkakaalam ko 3 days bago siya ma-post sa mismong service provider (meralco, maynilad, etc.).
9916  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin price movement tracking & discussion on: February 21, 2020, 11:18:52 PM
Update:
Bitcoin crashes to 9737$.
Naging $9,500 pa yan kahapon. Nung nagche-check lang ako kahapon nakita ko $10,000 sabay biglang bulusok ng $9,600 sabay bumaba pa nga. Epekto na din yan ng paparating na halving at iba pang mga bagay. May mga mababa pang predictions akong nakita at nagsasabi na $8,500 posibleng mangyari nitong March at April.
Pero syempre, di ako ganun ka negatibo, tignan nalang natin kung mangyari sa mga nasabing buwan.
9917  Local / Others (Pilipinas) / Re: The Two Best Investment on: February 20, 2020, 11:12:12 PM
Controversy ngayon yung shutdown to abs-cbn saatin ngayon at bagsak ngayon sila sa stock market few days ago. I must admit isa ako dun sa bumili last few days ako at right now 25% increased ang ABS-CBN Corp. Market.
Ito yung naisip ko nung nakaraan dahil nga sa balita na yan. Matagal ng company yan at yung nangyayari sa kanila malalagpasan yan kaya pabor yan sa mga stock traders na nung bumaba at maraming nagpanic, time na yun para magsibili kaso nga lang wala akong spare nung mga panahon na yun kaya ang ganda sana ng entry nun para sa lahat.

sobra laki ng entry level sa real estate at maintenance compared sa stock market
May technique sa real estate, kuha ka ng mga foreclosed properties na pwede mo hulugan sa mababang halaga tapos renovate konti at paupahan mo. Tapos yung upa, yung ang ibabayad mo sa monthly amort. Pero maging wise ka lang sa magiging area/location ng mapipili mo. Sa stocks, tama pwede na kahit sino mag invest sa stocks kaso kapag maliit ka lang talaga at wala kang long term na plano, dapat hindi ka nalang nag stock.
9918  Local / Others (Pilipinas) / Re: The Two Best Investment on: February 19, 2020, 11:02:24 PM
Ganito dapat yung mga topic, ang ganda kapag tungkol kung paano mapalago ang ating mga hawak na pera. Sa ngayon para sa akin ang lupa ay ginto at yan lagi ang tinatatak ko sa isipan ko. Ang mga mayayaman, lahat yan may mga real estate investments, mapa-SM, Ayala, basta halos lahat sila merong mga investment yan sa real estate kaya maganda yung paupahan na business kasi meron at merong uupa niyan. Kung wala pa, wala ka naman talo kasi nakatengga lang. Iwas ako sa stocks muna mas prefer ko ang crypto, high risk pero high reward pero sa stocks mabagal ang galawan. Nasa isip ko na rin yung sinabi ni harizen na parkingan for rent pero sa Metro mahal na mga lupa pero pag maka jackpot talaga, yan ang isa na gagawin kong negosyo. At syempre, hold lang ng bitcoin at ibang mga altcoins.
Ngayon, pinagpa-planuhan ko naman sa courses at magdagdag ng skills o di kaya mag-masteral para pang dagdag credential at pwede din mag-apply ng mga part times na may high paying per hours.

Keep it coming guys at I-share niyo mga naipundar niyo o businesses niyo para magkaidea tayong lahat.  Smiley
9919  Local / Pamilihan / Re: Buy Giftcards with Bitcoins on: February 17, 2020, 03:36:22 PM
Kung sa steam wallet ang ginagamit ko madalas coins.ph pero never ko pa nagamit yang Bitrefill baka sakaling magamit ko yan in future use.
May tanong ako, may nakakita na ba sa inyo ng Tom Clancy Division 2 na galing epicgames/Ubisoft? On sale kasi sila ngayon at worth P100+ lang siya mula P2000.
Ang problema ko, hindi ko ma-avail kasi wala akong payment method na CC at PayPal. Baka may alam kayo na parang bitrefill na pwede gamitin bitcoin pambayad. Hanggang March 3 lang ata ang promo na yan.
9920  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: February 15, 2020, 08:21:03 PM
Munting update lang sa inyo baka may magtataka kung bakit hindi ka makatransact sa araw ng Feb.20, 2020 dahil meron silang scheduled maintenance.
Tignan niyo nalang mga email niyo o di kaya sa mismong website o app dahil nag early message sila. Isang oras lang naman na maintenance at hatinggabi pa ng 11PM-12MN.
Isang linggo pa naman yan bago maganap pero maganda yan dahil nag-uupdate na sila kaagad siguro mag uupdate sila dahil hindi kinaya ng system dahil sa taas ng bitcoin maraming gumagamit ng system nang sabaya sabay kaya medyo need ayusin . Pero saglit lang naman yung maintenance na magaganap at baka tulog pa ako niyang mga oras na yan.
Matagal pa nga sya kaya yun ang kinagandahan nila. Naga-update na sila agad para kung meron mang mga kabayan natin na magkakaroon ng transaction sa ganyang oras ay aware sila na magkakaroon ng delay o kaya hindi sila makakapagtransact.
Normal lang naman na mag-update sila kasi dumadami users nila at meron pa ring mga service na palagi nalang naka-maintenance kaya tinutugunan lang nila yun.

Thank you for reminding us dito ko lang nalaman na may maintenance kasi di ko nabubuksan yung app naging busy lately. Pansin ko lang kapag nagkaron sila ng maintenance laging nasa alanganin na oras kung hindi hating gabi eh madaling araw naman kaya for sure sa mga oras na yun konti lang gumagamit. Pero maganda naman kasi hindi tayo masyado since sa mga oras na yun kalimitan ng users natutulog pa.
Welcome.  Wink
Tama lang yung oras na binibigay nila kasi maraming tulog.
Pages: « 1 ... 446 447 448 449 450 451 452 453 454 455 456 457 458 459 460 461 462 463 464 465 466 467 468 469 470 471 472 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 [496] 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 ... 694 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!