Bitcoin Forum
May 26, 2024, 08:43:24 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 449 450 451 452 453 454 455 456 457 458 459 460 461 462 463 464 465 466 467 468 469 470 471 472 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 [499] 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 ... 694 »
9961  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: January 25, 2020, 08:01:21 AM
Desktop user ako. Nag logout ulit yung session sa browser ko kahit hindi ko naman nila-logout at mukhang ito na nga yung update. Naka 2FA ako at wala ng hinihingi na OTP sa akin. So, ang OTP pala ay para sa mga users na hindi naka-activate ang 2FA nila.
Para precautionary measure ni coins para maiwasan yung nakaraang nangyari. Mukhang hindi ko na kailangan pa I-update yung account ko sa OTP dahil naka2FA naman ako.
Yes bro, hindi na nga kailangan.
Okay na sa akin yung auto-log out. Parang exchange na ang dating.
Hindi parang facebook.  Cheesy

Kahapon nag log-in din ako thru desktop. Then, ngayon nakalog-out na siya so log-in ulit ako then 2FA lang.
Safety yun sa mga nagcocomputer shop diyan.  Grin Lalo sa kulang sa Memo Plus gold at di nailog-out.

Kahit same IP pa. Basta close mo ang browser. Dati kasi pag open ko ng computer then bukas coins.ph nakalagay agad "Go to wallet".
Maya testing ulit.
Siguro ngayon lang yang auto log out kasi nga nagkaroon ng update. Wala namang problema kahit mag auto logout ng session basta activated ang 2FA o OTP.
9962  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: January 24, 2020, 11:50:00 PM
Update lang guys.

So pinag-update ulit ako ni Coins.ph kanina.
Android application.

Same pa din. Log-in lang and then 2FA. No other codes or whatsoever they need.
So proven na nga sa mga naka-2FA hindi na kelangan ng OTP.
Then nag-try ako mag withdraw just for experience kung may magiiba.
Wala pa din OTP. 2FA lang din.

Anyways, nagiba ang looks ah. Medyo mas gusto ko yung ngayon.
Totoong upgraded na nga.
Pati yung list sa use recent transaction. Mas okay, basang basa na ngayon.
Desktop user ako. Nag logout ulit yung session sa browser ko kahit hindi ko naman nila-logout at mukhang ito na nga yung update. Naka 2FA ako at wala ng hinihingi na OTP sa akin. So, ang OTP pala ay para sa mga users na hindi naka-activate ang 2FA nila.
Para precautionary measure ni coins para maiwasan yung nakaraang nangyari. Mukhang hindi ko na kailangan pa I-update yung account ko sa OTP dahil naka2FA naman ako.
9963  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: TOKEN POCKET NEW USER "SIMPLE GUIDE" on: January 24, 2020, 10:52:41 PM
Nung sinearch ko itong tokenpocket hindi ko maunawaan. Ang akala ko, token siya yun pala wallet na Chinese ang may mga gawa. Anong token ang tinransfer mo sa wallet na yan para magkaroon ng CPU power equivalent?
Madami bang gumagamit ng wallet na yan? first time ko lang kasi narinig yan.
9964  Local / Pamilihan / Re: Anyone with Brave Browser? Crypto on Browsers? on: January 24, 2020, 09:47:52 PM
Safe gamitin yang Brave Browser. Yan ang ginagamit ko madalas tapos kapag naka activate yung earn crypto feature mo magkakaroon ng mga pop up ads mismo sa desktop mo na dapat mo lang I-click tapos kusa na siyang maglo-load sa brave browser mo.
Kapag na-open mo na yun, automatic na magcount na siya as BAT mo pero need mo gumawa ng account. Kaso dumalang na din ang mga ads ngayon sa akin. At ang pagkakaalala ko para sa mga publisher ang KYC.
9965  Economy / Services / Re: [OPEN] SmartMixer Signature Campaign | Sr./Hero/Legendary Members on: January 24, 2020, 02:48:35 PM
Applying for Senior Member
Bitcointalk profile link: https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=816893
Username: blockman
Current amount of posts (including this one): 3921
Amount of merit EARNED in the last 120 days: 5
SegWit BTC Address for payouts: I will provide if accepted.
9966  Local / Pilipinas / Re: Boy Abunda's statement about cryptocurrency on: January 24, 2020, 07:09:06 AM
Iba kasi ang basic na understanding ng karamihan sa mga pinoy pagdating sa crypto. Akala nila ito ay parang quick rich scheme sa pamamagitan ng investment o kaya recruitment na may kasamang solicitation ng registration fee o investment amount. Naunahan kasi ang mga may alam ng mga taong sumakay lang sa crypto trend para sa kanilang kalokohan. Kaya parang ayoko na ring magexplain tungkol sa crypto sa publiko kasi parang napagkakamalang manloloko ka pa.
Hinahalintulad kasi nila yung nangyari nung 2017 pero hindi na nila tinitignan yung mga sumunod na pangyayari. Ang hirap talaga sa mga ibang kababayan natin, kapag marinig lang na kumita yung ibang tao, gusto rin nila kumita agad agad kahit walang background research o pag-aaral man lang. Sa case na ito, tama lang ang ginagawa ni Tito Boy kasi nga public figure siya at hindi naman talaga siya related. Madaming beses ng nangyari yung ganyan na ginagamit ang mga artista at iba pang mga kilalang tao para sa pangs-scam nila. Naalala ko nga merong nabalita dati sa 24 oras na nagsimula yung network sa casino kasi nga may kilalang artista na nagsabi na nag-invest din sila kaya yung kawawa nating kababayan, nag-invest din at nagtiwala.
9967  Local / Altcoin Announcements (Pilipinas) / Re: Lingguhang paguulat ng Tachyon Protocol #10 on: January 24, 2020, 01:56:10 AM
Hindi inaabiso ng managers na pagsamasamahin ko ang mga threads bilang iisa, tinanong ko na rin ang mga managers patungkol dito ngunit ang sinabi nila hanggat hindi ako nakakalabag sa mga patakaran dito ay okay lamang ito. Maraming salamat!
Pero meron po tayong patakaran sa forum at sana mabasa mo po ito. Maraming salamat.  Smiley
(https://bitcointalk.org/index.php?topic=2383339.0)
9968  Local / Others (Pilipinas) / Re: Millionnaire mind : Paano Yumaman? on: January 24, 2020, 01:03:06 AM
Idol ko yan si Marvin Germo, pinapanood ko yung mga videos niyan at yung mga ibang successful na businessman na nasa contents niya. Ito yung mga tingin ko sa mga binigay mong mga factors.

1. Mindset. Tama na magkaroon ng positibong mindset at dapat lahat ay kakayanin mo sa sinabi ni Jack Ma, totoo yan. Kasi parang sa sitwasyon natin ngayon, kapag merong problema, merong solusyon at mga oportunidad na lalabas. Katulad na lamang nung mga popular ngayon na TNVS. Nagsimula silang lahat sa problema sa ating trapiko at kaya nga din naman nagawa ang bitcoin dahil sa problema sa crisis nung isang dekada na nakararaan.

2. Skill. Marami ngayong mga tutorials paid at free sa internet at ang kailangan mo nalang gawin ay pumili at maglaan ng oras at panahon para mahone mo yung skill na gusto mo.

3. Business. Mahabang debate yung tungkol sa pagiging empleyado at pagkakaroon ng business. Pero meron talagang mga tao na para sa lang sa pagiging empleyado at takot sa risk ng pagtatayo ng business. Kasi sa pagiging empleyado merong assurance at tatanggap ka nalang ng sahod mo kinsenas o buwan buwan at meron pang mga benefits kaya ito yung gusto ng iba. Para naman sa mga open minded at gusto talagang umangat, negosyo talaga ang panlaban. Maganda rin kung kaya mong ipagsabay habang nagsisimula ka at kapag naging stable na negosyo mo pwede mo na iwan trabaho mo at mag focus nalang sa tinayo mong business.

4. Investment. Maganda na alam natin yung bitcoin kasi isa na ito sa mga investments. Pwede rin pagsamahin ang business at investment, kapag naging stable na yung business mo at may mga tauhan ka pwede na yung passive income mo doon mag manage ka nalang pero kailangan mo pa rin mag laan ng oras yun nga lang mas magiging magaan na yung ginagawa mo.

Sa bansa natin, ang mindset ng karamihan ay maging empleyado at okay na sila doon. Pero kung ikaw yung taong may pangarap at hindi ka takot sa risk o bumagsak ng pansamantala para sayo talaga ang pag nenegosyo at investments tulad ng bitcoin. At kapag natutunan mo na yung diskarte sa pagkakamali at pagbagsak mo, magbubunga lahat yan balang araw.
9969  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: January 23, 2020, 11:45:55 PM
Bali, ibig sabihin sa browser mismo yung ganito at hindi kay coins.ph? At kung sa app naman at nirequire ka mag login, meaning merong update si coins?
Kai coins parin yung control, sila nah d'declare if ilang days lang an login session every user, once may major update pwede din nila i'auto logout or kill login sessions lahat ng users web man app para mag login ule.
Okok, salamat boss blank. Kaya minsan nagtataka ako kapag na log out yung account at sa sobrang paranoid kasi naiisip ko na baka merong tao na nag login ng account ko sa ibang lugar na logout yung session sa akin. Pero kahit meron namang notification sa email at nababasa naman kung meron kaya nga lang iba kasi ang impact kapag masyado ng napapaisip sa mga hacking na nangyayari.
9970  Local / Pamilihan / Re: [Phemex Giveaway] Win 2 BTC Puzzle Contest sali na mga kababayan! on: January 23, 2020, 10:51:28 PM
Hello guys nag tweet na ang phemex ng tips and hint para dun sa puzzle for 2.1btc ito yung remaining hint para sa mga nagttry pa din masolve ang puzzle.

From Phemex CEO: Without further ado, here are some clarification and hints to help you solve the puzzle:

1•The first 21-digit prime found in consecutive digits of e is: 957496696762772407663
2•The private key you derive from Satoshi’s portrait is a big integer, not Wallet Import Format (WIF)
3•The filename of the picture is irrelevant
4•The next step involves converting some words from the portrait, without I/O, into a 27-digit number
Go back to step 4) again if you can’t figure it out.
Ang galing nung isang sumagot sa tweet nila yung rzerod, tama yung sagot niya sa 21-digits. Nasagot niya nung January 16. Halos lahat tayo dito di kaya isolve to at mas nakakaabang nalang kung sino yung makakuha ng bitcoin na nasa puzzle nila. At kapag wala parin siguro makakuha baka may magpanggap nalang na solve niya puzzle pero yun pala part siya ng company na yan.
9971  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin price movement tracking & discussion on: January 23, 2020, 10:02:40 PM
Mukhang medyo mahihirapang bumalik si BTC sa $9k mark.  Sa ngayon kasi  may dalawang resistance para makarecover ang Bitcoin to $9k.  Kailangan munang basagin ni Bitcoin ang  resistance sa $8,760 at $8,800.  Kapag nabasag nya iyan malamang makakarecover ang Bitcoin pabalik sa $9k dahil magkakaroon ng panibagong panimulang rally ang bitcoin na sa tingin ko ay posibleng magtuloy tuloy sa $10k.
Swak na swak nga itong analysis niya. Hindi na rin naman nakakapagtaka na kahit na biglang bumaba. Sana mabasag muna yung resistance na yan at baka bago mag halving makita natin na abot tayo ng $9k-$10k.

Tingin ko nagkakaroon na ng resistance since Malaki ang tinaas nya sa mga nakaarang araw, marami din ang senyales ng pagtas ng market ngayon kaya tingin ko kahit ganito ang presyo ng bitcoin sa market ay magtutuloy tuloy parin ang pagtaas ng presyo neto sa market paaunti unti hanggang makarecover sa dump neto noong nakaraang taon. Maarami rin bansa ang nalegaalized na ang cryptocurrency o bitcoin sa kanilang bansa na tiyak makakatulong sa paglaganap ng bitcoin para sa akin ay normal lamang ang ganitong paggalaw sa presyo ng bitcoin.
Cycle lang din naman, taas baba taas baba. Paulit ulit lang yan pero kapag nakuha mo kung paano basahin pwede mong pagkakitaan at maging day trader ka.
9972  Local / Pilipinas / Re: Boy Abunda's statement about cryptocurrency on: January 23, 2020, 06:07:39 AM
Napanood ko ito kanina. Akala ko lumang video pero bago lang pala, hindi kasi ako mahilig manood ng mga palabas ngayon. Nadamay pa si Vice Ganda dyan at itong mga scammer na ito gumagamit talaga ng pangalan ng mga sikat para lang makapanghikayat, maganda na rin yan na nilinaw ni Boy kasi baka sa bandang huli kapag magcollapse yang "Bitcoin Revolution" na yan siya ang sisihin ng mga biktima.
9973  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: [Question]Meron po ba dito gumagamit na ng DeFi (decentralized finance) on: January 23, 2020, 03:20:43 AM
Bago pa lang kasi yan kaya wala pa masyadong nakasuboj. Nababasa ko na din yan parang decentralized lending siya o ganyan nga siya mismo talaga. Ang pinaka dapat muna nating unawain kasi konti palang ang users nya at sa bansa natin mukhang hindi pa masyadong maingay para sa atin kaya kokonti palang nakakaalam niya.
9974  Local / Altcoin Announcements (Pilipinas) / Re: Lingguhang paguulat ng Tachyon Protocol #10 on: January 22, 2020, 11:43:33 PM
Kung meron kang weekly reporting para sa project na yan, hindi mo na kailangan pa gumawa ng iba pang thread. Mas maganda pagsamahin mo nalang lahat ng update at report sa iisang thread. Kasi kabayan dami mo ng ginawa na thread para sa project na yan.
(https://bitcointalk.org/index.php?topic=5218861.0)
(https://bitcointalk.org/index.php?topic=5218288.0)
(https://bitcointalk.org/index.php?topic=5218540.0)
9975  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Unionbank Stablecoin (PHX) on: January 22, 2020, 10:58:23 PM

Hindi lang sa akin nangyari yan halos yung mga kakilala ko na nasa crypto din, yung friend nga ng katransact ko na-freeze pa ng BDO ang pera niya.
Siguro ngayon hindi na kayo gumagamit ng BDO. Sana itong PHX ay mas magkaroon ng atensyon ngayong taon at mas imarket siya ng Unionbank para mas maging aware yung mga tao sa ganitong pangyayari. Na kapag nalaman nila source mo ay galing sa crypto, ipi-freeze nila ng walang pakundangan.
9976  Local / Pilipinas / Re: Pagdami ng mayroong 1bitcoin on: January 22, 2020, 09:52:52 PM
Yung kasabihan siguro na at least 1 bitcoin dapat ay meron ka ay ina-apply ng iba pang mga investors. Sa bansa natin, sa totoo lang ang pagkakaroon ng ganyang halagang investment sa bitcoin lang ay mahirap gawin. Pero kung ikaw ay isa sa mga kababayan natin na may ganitong goal, napakaganda ng goal mo kasi alam mo yung ginagawa mo at hangga't maaari sana ito yung maging goal ng karamihan na wala pang 1 bitcoin yung ipon.
9977  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: January 22, 2020, 03:48:21 PM
Natyempuhan ako kanina sa gcash nagcashout ako sa coins.ph kanina tapos after ilang minutes hindi dumating yung pera ko tapos pagtinfin ko ulit nakatemporary available na yung gcash need na need ko pa naman yung pera ngayon process pa rin nakalagay at hindii nila nasend yung payout ko paano kunf hindi maayos yung gcash so maghihintay pa ako ng matagal dapat nasend muna nila yung pera ko bago nila ginawa yun dapat tinignan muna nila yung mga previous na nagcashout muna.
Malas mo lang nataon lang na maintenance at wala kang choice kapag ganyan kundi maghintay lang.

Di ako madalas gumamit ng app pero sa desktop madalas din mangyari ito sa akin. Kahit na naka log in lang ako merong mga pagkakataon na nirerequire nila ako mag login kahit wala naming update. Siguro merong specific na oras lang din sila na di sinasabi na nakalog in yung mga account natin sa app o desktop browser nila tapos kapag na reach yun, automatic logout kaya nirerequire nila ulit tayong mag log in.

30 days lang ang cookie validity ng coins.ph sa mga browser, After that yung session automatic mawawala at need mo ulit maglogin.



Also kapag nag clear ka ng cache at data automatic malologout ka din sa coins.ph
Kaya naman pala, maraming salamat sa info na ito. Bali, ibig sabihin sa browser mismo yung ganito at hindi kay coins.ph? At kung sa app naman at nirequire ka mag login, meaning merong update si coins?
9978  Local / Pilipinas / Re: Ledger Nano X [Simple Guide for everyone] on: January 22, 2020, 06:12:46 AM
Kung gusto nyo naman ng mas mura pero same pa rin naman ang safety at security na binibigay, dun na lang kayo sa Ledger Nano S. Nasa 3k lang mahigit in pesos.
Nano S pa rin gamit ko ngayon pero sa original price ko siya nabili dati nung wala pang nano x. Salamat sa pag-share mo OP ang maganda sa nano x pwede mo siyang connect sa smartphone mo samantalang kapag nano s, sa PC lang talaga siya. Ang dami rin palang freebies pag nano x kasi may sticker, sa akin dati nung nano s binili ko wala. Kahit na meron na akong nano s balak ko din mag avail soon ng nano x para hindi nawawala sa bago.  Grin
9979  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Unionbank Stablecoin (PHX) on: January 22, 2020, 02:54:35 AM

Totoo yan ang BDO ay nagdidisable ng account kapag alam nila na galing ito sa cryptocurrency at isa ako sa sa sinaraduhan ng account kaya I hate BDO. Buti na lang at nakuha ko yung aking maintaining balance. Pahirapan pa nga.
Ibig sabihin yung sabi sabi tungkol sa kanila ay hindi lang isang sabi sabi kundi totoong pangyayari pala talaga. Mabuti nalang at hindi ako nag open ng account sa kanila kahit na sila yung banko na may pinakamaraming branch.

magandang balita to dahil meron na tayong stable coin na mabibili at magagamit dito mismo sa sarili nating bansa at suportado ng isa sa pinaka matagal at kilalang bangko sa Pilipinas ang UnionBank .
Hindi pa ata sya nationwide na pwedeng gamitin at parang kay Unionbank palang.
9980  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: January 22, 2020, 01:33:18 AM
Guys, sino na naka experience sa inyo sa app e mag lolog in ulit kapag binuksan ito? Nag open kasi ako at ayun nga pinag log in ako pero hoping na di kasama yun sa dagdag security nila.

Ilang days of weeks ba inaabot bago mag expire yung log in sa app at kailangan mo ulit mag log in? baka kasi nag expire lang yung log in ko kaya pinag log in ulit ako? 
Di ako madalas gumamit ng app pero sa desktop madalas din mangyari ito sa akin. Kahit na naka log in lang ako merong mga pagkakataon na nirerequire nila ako mag login kahit wala naming update. Siguro merong specific na oras lang din sila na di sinasabi na nakalog in yung mga account natin sa app o desktop browser nila tapos kapag na reach yun, automatic logout kaya nirerequire nila ulit tayong mag log in.
Pages: « 1 ... 449 450 451 452 453 454 455 456 457 458 459 460 461 462 463 464 465 466 467 468 469 470 471 472 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 [499] 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 ... 694 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!