Bitcoin Forum
April 27, 2024, 05:07:36 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: [1]
1  Local / Altcoins (Pilipinas) / SafePal limited edition USDC hardware wallet for FREE! on: January 25, 2024, 03:51:16 AM
Swap atleat 35 USDC lang sa App nila

Ang ginamit kong chain is Matic(Polygon) sobrahan niyo na ng USDC dahil hindi pwedeng 35USDC lang ang iswap nasa 80 USDC ata minimum dun. Nagdouble withdraw ako dahil sa ganyan. If ever na gagamit kayo ng ibang chain alamin niyo muna minimum sa app swap nila. Sana makatulong at sana lahat makakuha.

Limited lang sa 3,000, ewan if makakahabol ako.

Ibang task nasa app nila, hindi lang yang 35Usdc ang tasks nila may mga kasunod pa pero madali lang naman.

PS.. Haha nakaabot ako



Source: https://fs.isafepal.com/giftbox/pro/?test=a86#/giftbox/finished?activity_name=usdcx1
2  Local / Altcoins (Pilipinas) / Taiko Node Tutorial on: December 12, 2023, 02:22:58 PM
Ito yung kailangan na specification para irun itong Taiko node

Minimum:
CPU with 2+ cores
4GB RAM
1TB free storage space to sync the Mainnet
8 MBit/sec download Internet service

Recommended:
Fast CPU with 4+ cores
16GB+ RAM
High-performance SSD with at least 1TB of free space
25+ MBit/sec download Internet service


Pero kung balak niyong mag run pa ng proposer at prover na mas kailangan ng mas mataas na specification orderin niyo itong gaya ng specification ng inavail kong node. Dahil sa requirements ng prover ang need ay At least 8/16 core CPU at 32GB of RAM.


Paano magpurchase ng VPS sa Contabo?

Sinusuggest kong gumamit kayo ng Termius Application para kahit madami na kayong node at iba iba ang password at I.P address hindi kayo malito. Dahil pwede niyong lagyan ito ng name, username at password para mabilis niyong maaccess ang inyong mga VPS. At higit sa lahat pwede niyo itong maaccess sa inyong mga cellphone at other devices.



1. Una mag install muna ng Git, at docker dahil kailangan ito. Isa ito sa mga prerequisite para mapa run ang Taiko Node
Code:
apt install git
Ganito dapat ang lalabas, siyempre type Y para magtuloy ang paginstall.

Ito next na lalabas.


Code:
apt install docker.io
Ganito dapat ang lalabas, siyempre type Y para magtuloy ang paginstall.

Ito next na lalabas pero dulo lang dahil mahaba ito. Pero dapat ganyan ang dulo


2. Clone simple-taiko-node
Code:
git clone https://github.com/taikoxyz/simple-taiko-node.git
cd simple-taiko-node
Ganito dapat lumabas


3. Copy the sample .env files
Code:
cp .env.sample .env
Walang lalabas jan bale magnenext lang tayo sa next step pero ganito ang makikita niyo sa screen niyo.

Code:
nano .env
Ito naman ang lalabas after maenter itong code na nano .env

Ito ang babalikan natin mamaya after magawa natin yung sa Alchemy

4. Gaya ng Starknet Node natin gagawa ng alchemy sa mga wala pa pwede kayong gumawa dito Alchemy

Pero mas okay yung sa Blockpi io na gamitin dahil mas mabilis magsync compare sa Alchemy, same steps lang naman dito WSS lang pinaka mahalagang kunin, yung sa  L1_ENDPOINT_HTTP ito nalang gagana din ng walang problema = https://rpc.sepolia.org
After gumawa ng account, punta tayo sa create app ng alchemy


Next, iconfigure ang iyong app

Para sa "name", enter "Taiko Node", o kung ano ang iyong nais na pangalan
Para sa "chain", piliin ang "Ethereum".
Para sa "network", piliin ang "Ethereum Sepolia".
Tapos, iclick ang "Create app" button.
BTC

Magreredirect kayo sa mismong dashboard niyo at iclick niyo ang "API KEY"

Ganito ang lalabas


Makikita niyo itong wss://eth-sepolia paki copy niyo ito.

 L1_ENDPOINT_WS sa inyong .env. sa dulo ng Step 3

5. Bumalik sa Termius or Putty kung ano ang ginamit niyo kanina tapos icopy paste ang mga nakuha sa API KEY ng alchemy
Gaya ng aking ginawa sa baba.

Now we have to insert our links, change one value, and insert our private key from MetaMask.
Palitan niyo ang DISABLE_P2P_SYNC from false to true
In the L1_ENDPOINT_HTTP=https://rpc.sepolia.org ito nalang gamitin niyo para walang error na lalabas.
In the L1_ENDPOINT_WS dito niyo ipapasok ang WSS
Sa ENABLE_PROVER palitan niyo ang false sa true
Sa L1_PROVER_PRIVATE_KEY ilagay niyo yung metamask private key, dapat yung private key ay dummy lang para lang dito sa taiko, walang ibang laman or silbi.
Palitan ang ENABLE_Proposer from false to true
Sa L1_PROPOSER_PRIVATE_KEY ilagay niyo yung metamask private key, dapat yung private key ay dummy lang para lang dito sa taiko, walang ibang laman or silbi.
Sa L2_SUGGESTED_FEE_RECIPIENT ilagay ang wallet address na connected sa privatekey



Control + X para makaexit, then click Y para masave yung inedit natin.
babalik kayo sa ganitong itsura sa inyong mga terminal


6. Dapat pala mag install muna nito din. Hindi gagana yung nasa baba kung hindi kayo mag iinstall ng ganito.
Code:
apt install docker-compose

ito din para maupdate yung docker niyo https://docs.docker.com/engine/install/ubuntu/#install-using-the-repository

7. Para maparun ang node ito ang code
Code:
docker compose up -d


8. Icheck niyo if running na sa Alchemy dapat may mabago sa dashboard niyo sa Taiko Node. Gaya nito


CONGRATS RUNNING NA ANG IYONG NODE


Isusunod ko sa baba yung pag enable ng proposer at prover ng Taiko Node.
3  Local / Altcoins (Pilipinas) / Paano magpurchase ng VPS sa Contabo? on: December 08, 2023, 04:39:54 PM
Base sa aking experience sa paghahanap ng mga Nodes project, pagsali at pag bili ng mga VPS. Ang  reliable talaga na service ay Contabo, ilang buwan nadin walang palya ang kanilang serbisyo 24/7 kaya ito ang masusuggest kong subok na. At karamihan din sa discord kong napasukan ito din ang sinusuggest nilang cheap na VPS compare sa ibang mga VPS.

Ang cheapest na VPS nila dito ay nagkakahalaga lamang ng $5.5 kung sa pera natin ay nasa $5.5 x 56 = 308 php per month. Mura nato compared sa mga sinusuggest ng mga nasa twitter usually ang sinusuggest nila ay nasa 10-30 USD each month. Pero siyempre iba iba ang specification nila dito. Meron din namang mataas na option sa Contabo na nagkakahalaga ng $12.50, $21.50, $40.00, at $77.00. Pero kahit pag komparahin mo itong specification ng contabo sa iba mas mura talaga ang matataas na specification nila.


Mas makakamura sa EURO kung pinalitan niyo yung currency.


Mostly din ang ginagamit at nirerequire ng mga NODE project ay yung specification ng $5.5 na pinaka mura na inooffer ng CONTABO na may specification na 4 vCPU Cores, 8 GB RAM, 50 GB NVMe o 200 GB SSD. Gaya ng Myria Node, XAI Node at marami pang iba. Hindi naman kailangan sobrang taas ng specification minsan, at minsan din hindi need irun ng 24 hours ang mga node, yung iba gaya ng myria need lang ng 6 hours per day kaya yung iba gumagawa ng script para irun ang nodes nila sa iisang VPS tapos may nakalagay na tatlong myria nodes. Ang risk lang dito sa tatlong nodes isang vps ay pag hindi nagrun ng maayos ang VPS sa isang araw na which is rare naman mangyari sa contabo base sa experience ko.

Note: Hindi ko sinusuggest/promote yung mga nodes na nabanggit ko, sinabi ko lang as example. Sobrang mahal ng mga may daily rewards na nodes gaya ng Myria kaya if ever man hindi ko kayo hinihikayat baka kasi hindi niyo mabawi or yung project is hindi magtuloy ako pa ang masisi.

MGA KAILANGAN SA PAGBILI NG VPS SA CONTABO
1. Online Payment Card, meron yung MAYA at GCASH niyan para sa mga online purchases.
2. Pera

Steps kung paano bumili ng VPS sa CONTABO
1 . Basahin muna ang gusto mong salihan or bilhin na node kung anong requirement ng Node na irurun mo. Make sure na tama ang iyong pipiliin na specification para hindi ka madouble gastos.

2. Pag nakapili kana ng Specific VPS na tama sa iyong binabalak na node iselect mona.


3. May option sa una na kung ilang buwan mo ito gagamitin. Ang mga pagpipilian ay 1 month, 3 months, 6 months at 12 months. Siyempre nasa sayo yan kung ilang buwan mo ito balak gamitin.
Note: May dagdag fee na setup fee yung mga mas mababang buwan na subscription, kaya if long term kang magrurun ng node sinusuggest ko talaga na 12 months na kunin mo.

4. Pangalawang pagpipilian ang region, hindi kona binabago ito dahil hindi naman mahalaga yung region sa requirement ng node na pinaparun ko. At sa free lang ako usually. Yung ibang option may dagdag bayad.


5. Storage type, gaya ng mga nasa taas depende ito sa kailangan ng iyong node na irurun. So dapat alamin mo talaga if enough ba para sa long term mag run parin yung node mo.

6. OS, lahat ng pinaparun ko ngayon ang ginagamit ay ubuntu 20.04, pero depende sa balak mong irurun na node, kung sabi sa tutorial na debian 11, edi yun ang sundin mo.


7. Login at password, dito ito pinaka mahalaga, default na yang root pero kung anong gusto mong ipangalan ikaw bahala, kahit sa password basta ang mahalaga tandaan mo itong mga ilalagay mo dito.


8. Hindi kona ginalaw yung ibang option dahil hindi na kailangan sa mga nirurun kong node yung mga yun. Click next if gusto monang bilhin at tama na lahat ng specification na need mo.
Naka 2 server nga pala ako dahil ayan need ko para mairun yung nabili kong myria node at xai node. Isa lang if isa lang need mo.




9. Lagay mo lang lahat ng information mo sa mga fifillupan, then next.




10. Lagay mo yung Online Payment Card na gamit mo para bayaran na ito.




Wala man 5 minutes dadating ito agad sa email mo yung mga login details.

Ganun lang kasimple bumili ng node, sana makatulong dahil parami na ng parami ang mga project sa crypto na may nodes. Sana pumaldo tayo bago matapos ang taon. Salamat
4  Local / Altcoins (Pilipinas) / Starknet Node Tutorial on: November 26, 2023, 08:07:40 AM
Itong tutorial na ito ang aking ginawa sa pag setup ng aking node sa Starknet, tatlong beses kong nirestart ang VPS ko para lang mapagana ito. Sinubukan ko yung ibat ibang tutorial sa twitter at ibang website pero itong tutorial na ito lang ang napagana ko.

Una sa lahat kailangan natin ng VPS, ang minimum requirement ng Starknet Node ay ito
Minimum Requirements:
CPU: 2+ cores
RAM: 4 GB
Disk: 600 GB
Connection Speed: 8 mbps/sec

Ito naman ang recommended nila.
Recommended Specifications:
CPU: 4+ cores
RAM: 16 GB+
Disk 2 TB
Connection Speed: 25+ mbps/sec

Gawa din kayo ng account sa Alchemy.com
1. Pindutin ang "Create app"
2. Piliin ang Ethereum chain
3. Piliin ang Goerli network
4. Pindutin ang "Create App"

5. Pindutin ang "API key" at isave niyo or ipaste ang HTTPS key sa inyong Notepad.

Download niyo din iyong Putty dito
https://putty.org

Nasa sainyo kung bibili kayo ng VPS na nakaayon sa recommended ng mismong Starknet, akin kasi yung pinakamura lang. Meron din yung free na shinare before ni tech30338 dito, hindi ko lang alam kung anong specification nitong VPS sa google, pero may free naman so aralin niyo nalang sa thread na ito kung gusto niyong makatipid ng malaki. https://bitcointalk.org/index.php?topic=5473717.0

Note: Hindi rin sure ang kitaan sa pag run ng nodes pero ito ang nauuso ngayon way gaya ng airdrop para kumita sa mga crypto projects.

Kung ready na ang inyong VPS simulan na natin.

1. Buksan ang inyong Putty application, ilagay ang IP address ng nabili niyong VPS at iclick ang OPEN
2. Iaask ng Putty kung san kayo maglologin, ilagay niyo lang yung root kasi ayan ang default pero kung binago niyo edi ayun ang ilagay niyo then Enter. Tapos itype ang inyong password na nilagay niyo sa binili niyong VPS.
 

3. Palitan niyo yung YOUR_ALCHEMY_HTTP_ADDRESS ng inyong alchemy address dito
Code:
ALCHEMY=YOUR_ALCHEMY_HTTP_ADDRESS
echo 'export ALCHEMY='$ALCHEMY >> $HOME/.bash_profile
Tapos i copy paste niyo ito sa Putty and then Enter.
Note : Ang paste ng Putty ay right click o press Shift + Insert.

4. Copy and Paste niyo itong script na ito para sa mabilis na pag install.
Code:
wget -O starknet.sh api.nodes.guru/starknet.sh && chmod +x starknet.sh && ./starknet.sh
Hintayin matapos ang pag install. 763 ang icocompile dito so medyo matagal ng konti ito.

5. Check Node Status niyo muna gamit ito
Code:
 systemctl status starknetd

Tapos pag lumabas ito, running na yan.
Code:
● starknetd.service - StarkNet
     Loaded: loaded (/etc/systemd/system/starknetd.service; enabled; vendor preset: enabled)
     Active: active (running) since Sun 2023-11-26 14:59:58 +08; 58min ago
   Main PID: 17275 (pathfinder)
      Tasks: 21 (limit: 9476)
     Memory: 158.3M
     CGroup: /system.slice/starknetd.service
6. Sumali sa discord nila http://starknet.io/discord at ipost sa thread na ito ang mga sumusunod screenshot ng running na node mas okay with check logs at dashboard sa alchemy dashboard, evm address at starknet address https://discord.com/channels/793094838509764618/1117343675329024020


Hindi kona nilagay yung IP address ko hindi naman na siguro ito kailangang ilagay dahil sa thread name mismo nakasulat na "Full nodes Why you post ip address makes no sense".

Other Commands
Check logs
Code:
 journalctl -u starknetd -f 
Check node status
Code:
 systemctl status starknetd
Restart node
Code:
systemctl restart starknetd 
Stop node
Code:
systemctl stop starknetd 
Delete node
Code:
systemctl stop starknetd
systemctl disable starknetd
rm -rf ~/pathfinder/
rm -rf /etc/systemd/system/starknetd.service
rm -rf /usr/local/bin/pathfinder

Kung may katanungan kayo pwede niyo akong IPM or magpost dito. Buong maghapon ko yan sinetup dahil sa hindi din ako ganun kagaling pero handa naman akong tumulong as long as sinundan niyo lang yung mga steps tingin ko gagana na yan. Nahirapan lang ako kanina dahil yung mga code na nakuha ko ay hindi gumagana. Sana makatulong
5  Local / Pamilihan / Collectibles Question on: November 21, 2023, 04:32:08 PM
Hello may mga kababayan ba tayo dito ang nangongolekta ng Collectibles? Nagagandahan ako sa mga nakikita ko sa Collectibles pero hindi ako manalonalo sa kadahilanang natatalo ako lagi sa auction. Since hindi naman din tayo ganun kayaman para ipursue ang isang bagay na itatago lang, hinahayaan ko nalang minsan pag may nakapagbid na mas mataas. Pero kung papalarin matanong ko lang sana kung nasa magkano ang shipping fee ng inyong napanalunan sa auction? Kahit sana estimate lang. Para sana maging ready man lang ako just in case na may magustuhan akong item at ipursue kong labanan sa bid ng iba. Flex mo na din yung nabili mo kung maaari.

Tanong ko nadin if safe ba bumili ng mga collectibles na may laman na bitcoin or other crypto-currency dahil nga nasa Pilipinas tayo baka macustom tapos buksan diba? Matatalino na ang mga tao ngayon baka mapag interesan diba.

Salamat sa sagot.
6  Bitcoin / Bitcoin Discussion / What will happen to bitcoin price if Solar superstorm 'wipe out the internet'? on: November 16, 2023, 04:04:06 AM
While browsing through social media, I came across an article that mentioned Solar superstorms could 'wipe out the internet' for weeks or months, scientist says. Will the loss of internet connectivity for weeks or months affect the value of cryptocurrencies such as Bitcoin? What will be the outcome?

Source: https://www.foxweather.com/earth-space/solar-storm-wipe-out-internet
7  Local / Pilipinas / “CrypTalk: University Caravan” on: November 09, 2023, 01:18:13 PM
“CrypTalk: University Caravan”
Napadaan ako ngayon sa Youtube at nakita ko ang Youtube ni Coach Miranda Miner, sa simula ng kanyang video na naglilibot siya sa mga unibersidad upang ikalat ang kaalaman sa crypto-currency. Malaking maitutulong nito para sa Bitcoin dahil nadadamay lagi ito sa mga masasamang investment na ginagamit ng mga scammer sa ating bansa. Naglilibot pa siya sa mga iba pang universidad at sa mga may gustong makipag coordinate at makasali sa ganitong University Caravan na ganito maari niyo siyang macontact sa kaniyang email: coach@globalmirandaminer.com

Sa mga may kakilala sa universidad baka sakaling gustuhin nila ang ganitong programa, tulong tulong tayong ikalat itong ganito para mas lumawak ang knowledge ng mga pilipino tungkol sa Crypto-currency.

Dati akong nag avail ng course niya kaya nakafollow ako sa Youtube channel niya, sa kasamaang palad diko natapos ang course at naexpire lang. Hindi ako kasama sa team niya or affiliated sa kanya shinare ko lang itong information na ito para makatulong lang ding ikalat yung mission niya at makatulong mapalawak ang kaalaman ng mga pilipino.

Source: https://www.philstar.com/the-freeman/cebu-business/2023/08/15/2288791/crypto-education-caravan-gains-ground-universities
8  Local / Altcoins (Pilipinas) / May bagong project si Corey Wilton ng Mirai Labs on: October 30, 2023, 06:10:41 PM
Alam niyo ba kung ano ang meron ngayon sa post na ito? Kung isa itong laro? Magtitiwala paba ang mga dating Manager dito sa Pegaxy sa ganitong bagong ilalabas na laro? At bakit?



Link: https://www.facebook.com/1306997141/videos/1428428948054268/
9  Local / Others (Pilipinas) / May free courses pala from Stanford University! on: October 28, 2023, 06:34:31 AM

No fee or application. Disadvantage lang may bayad ang certificate if kukuha kayo.

1. Computer Science 101: https://online.stanford.edu/courses/soe-ycscs101-computer-science-101

2. Machine Learning Specialization: https://www.coursera.org/specializations/machine-learning-introduction

3. Designing Your Career: https://online.stanford.edu/courses/tds-y0003-designing-your-career

4. Introduction to Internet of Things: https://online.stanford.edu/courses/xee100-introduction-internet-things

5. Databases: Advanced Topics in SQL: https://online.stanford.edu/courses/soe-ydatabases0001-databases-advanced-topics-sql

6. Game Theory: https://online.stanford.edu/courses/soe-ycs0002-game-theory

7. R Programming Fundamentals: https://online.stanford.edu/courses/xfds112-r-programming-fundamentals

8. Cryptography I: https://online.stanford.edu/courses/soe-y0001-cryptography-i

9. Advanced Cybersecurity Program Preview: https://online.stanford.edu/courses/xacs100-advanced-cybersecurity-program-preview

10. Algorithms: Design and Analysis, Part 1: https://online.stanford.edu/courses/soe-ycsalgorithms1-algorithms-design-and-analysis-part-1

CCTO- https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=pfbid02s9qTmYwEe7JWMJj27dLBwkhRQX6UQq84iv5GY4yo957GTPBV8gj2aMFfmDT67YEvl&id=100089484083126&mibextid=Nif5oz
10  Local / Pamilihan / Shopee Voucher(1.5k,1.3k,1.2k) on: September 28, 2023, 05:07:32 PM
Sa mga hindi pa nakakaalam. May 30% off worth 1,500, 1,300 at 1,200 voucher si Shopee. Sana makatulong at makabawas ng malaki sainyong mga gastusin kabayan medyo mababa lang kasi natitipid ko dahil sa shipping fee ang taas since medyo malayo kami sa Metro Manila.


Gumagana lang siya sa mga Shopee Mall at yung ibang voucher ay may minimum spend na makikita lahat ng detalye sa mga susunod na larawan.



11  Local / Altcoins (Pilipinas) / Testnet na may posibilidad na magkaroon ng Airdrop on: May 05, 2023, 07:41:59 AM
Nakita niyo ba kung gaano kalaki ang kinikita ng mga nag tetestnet sa Arbitrum? sa sei? Sawa naba kayo kaka sana all? Ginawa ko itong thread na ito para sa mga testnet na may possibilidad na magkaroon ng airdrop. Nasa sainyo kung gagayahin/gagawin niyo.

Paalala maaring mahack ang wallet na gagamitin niyo dahil hindi lahat ay legit. At hindi porket lehitimo ang website tayo ay magtitiwala na ilink ang ating mga wallet na may lamang asset. Kaya suggestion ko para sa mga susubok, gumamit ng mga bagong wallet na walang laman. Salamat

Sei Testnet
- mag sign up/login dito para sa mga kompletong mission sa sei - https://edge.blocked.cc/

-I download at gumawa ng wallet,  isave ang seed phrase
google chrome extension - https://chrome.google.com/webstore/detail/leap-cosmos-wallet/fcfcfllfndlomdhbehjjcoimbgofdncg

- magclaim ng testnet token para makapagtransact sa sei
leap faucet - https://app.seinetwork.io/faucet/

gawin ang lahat ng mission sa https://edge.blocked.cc/

Kabuuang thread ng testnet sa twitter https://twitter.com/NDIDI_GRAM/status/1646885068638498819?s=20


zksync Testnet

Metamask wallet
- https://chrome.google.com/webstore/detail/metamask/nkbihfbeogaeaoehlefnkodbefgpgknn

-pumunta sa https://goerli.portal.zksync.io/faucet and request tokens

-pumunta sa https://syncswap.xyz/ pindutin ang Faucet, gawin ang task para makareceive ng token

-pumunta sa https://syncswap.xyz/swap at mag transact ng maraming beses.

Kabuuang thread ng testnet sa twitter https://twitter.com/MingoAirdrop/status/1632765514031460353

Magdadagdag pako ng mga testnet na makikita ko para makasali tayong lahat at matuto.

Hindi lahat ng testnet ay nagbibigay ng airdrop, karamihan sa mga ito ay tinuturuan lang tayo upang makipag interact sa kanilang blockchain. So para sakin win-win paring ang ating pag try kahit na wala tayong makuha dito, natuto naman tayo.  -NeillostBitcoin 2023  Grin
12  Local / Others (Pilipinas) / Floyd Mayweather & KSI vs Manny Pacquiao & Salt Papi Misfits Tag Team match on: March 14, 2023, 08:04:31 AM
Nakita ko lang sa facebook ito recently akala ko fake news since dami sa pinas ang mahilig sa gawa gawang ganito. Pero nung nagsearch ako kahit mga legit pages pinopost ito.

Tingin niyo mga kabayan kaya pa kaya ni Manny Pacquiao labanan at matalo si Mayweather kung natuloy ito sa kabila ng kanyang edad? Sino ang inyong tatayaan or papaboran kung matuloy itong laban na ito?

Kasi para sakin matanda na masiyado si Manny Pacquiao para sa ganitong laban. Mukhang hindi rin papayag dito si Mayweather dahil nanalo naman na siya dati baka mawala yung angas niya kung matalo pa siya dito. Ngunit kung matuloy man ito sana naman maging patas na ang hurado, at mapatumba ni Manny itong si Mayweather.


Source: https://www.philstar.com/sports/2023/03/14/2251622/pacquiao-tag-team-match-works
13  Local / Pamilihan / Ponzi operated by a Filipino. on: April 10, 2016, 05:22:46 AM
Anyone knows this user? "vicmarigza"

She's promoting her website here https://bitcointalk.org/index.php?topic=1430284.0
Facebook page: https://web.facebook.com/thinkbigbits/
Website: http://thinkbigbits.wix.com/thinkbig
BCT Profile: https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=730161

As you can see on her images, her mining farm is not true. Beware people.
14  Economy / Investor-based games / Recommendation: Cloud Mining Websites on: April 09, 2016, 01:15:56 AM
Hi guys, I am planning to invest on some cloud mining sites, but I don't know what is the best. Please recommend some of your cloud mining investment, I want a fully transparent and also had a lot of media exposure like genesis mining, etc. Bad comments are welcome. Thanks!
15  Economy / Service Discussion / 2FA Authentication on: April 06, 2016, 03:04:36 PM
Is it better to have 2FA authentication code in your bitcoin site? Ex: Faucets, investments, and wallets?
What is the advantages and disadvantages of having 2FA code in your account? Thanks!
16  Economy / Micro Earnings / List of Scam Faucet Sites on: April 03, 2016, 12:56:47 AM
I was finding some faucets lists here that were turned to scam but I didn't found anything. Someone please post your scam sites here in thread so that others will have a reference also. Thank you. Smiley
17  Bitcoin / Mining software (miners) / Bitcoin Mining Software for Windows on: April 01, 2016, 09:33:04 AM
Hi to all, is there any LEGITIMATE Bitcoin Mining Software for Windows that can earn faster?


P.S. Admin please remove this thread if it is not allowed here.
18  Economy / Micro Earnings / Paste your LEGIT FAUCET REFERRALS HERE I WILL USE THEM ALL. on: April 01, 2016, 06:29:24 AM
Hi, I want some faucets that is really paying and legitimate please post your referral links to this thread, I will use them as long as it is legit. Thank you Smiley I will delete this thread if it is not allowed in here.   Smiley
19  Economy / Micro Earnings / WARNING! THIS FAUCET IS A SCAM! "gameofcoins.org" on: March 13, 2016, 10:42:08 AM
First, they will let you refresh your browser so that they can earn more and more using their shits (ads), but after that you will be banned. EXTREME CAUTION! BE CAREFUL. THERE ARE SO MANY TRUSTED FAUCETS, USE THEM, NOT THIS.
Pages: [1]
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!