Alam naman nating ang Ingles ay official na lengwahe dito sa pilipinas, ang problema nga lang yung iba sa atin eh hirap mag english, alam naman natin yung iba sa atin eh hindi nakapag tapus nang pag-aaral, may solusyon ba kayo para matuto ng higit pa sa lenggwaheng Ingles?
Siguro mga nasa 4.5/10 rate yun magsasalita ako ng english tapus 6/10 naman kapag nagsusulat.
Dati nasa mga 3/10 - 5/10 ata? pero nung kakapanood kunang ng anime, movies at music videos eh natuto narin ako. :-D
Sa inyo kaya? share niyo naman. ;-D
Dalawang way yung pag re-rate panyero. Kagaya mo ganyan din ako e. Pag nagsusulat mas high percentage. Pero pag nag salita mas mababa. Payo lang kung hindi pa masyadong fluent kagaya ko. Madaming way para matuto like for example manuod ng english movie na may subtitle. It really helps alot. Di naman maikakaila na kelangan talaga natin ng english language lalo na sa ginagawa natin ngayon which is yung BTC nga. Tsaka alam ko most of campaigns are foreign, meaning inglishan na itu hahaha.