Bitcoin Forum
February 23, 2024, 10:37:26 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 26.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: [1] 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 »
1  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: Today at 04:10:40 AM

Question... naka lagay ba sa terms of use nila na dapat laging active ang account? ....snipped....

Probably wala ito sa terms and services nila since crypto wallet ang inooffer nila pero dahil may regular KYC ang wallet nula kaya dapat ay gamitin mo ang wallet mo at least a year para mag update ng KYC since requirements ito ng government para matrack lahat ng user nila.

....snipped.....


Nag announce pala ang coins.ph last year na magsisimula na silang mag deduct ng 15 pesos per month starting January 30, 2023 sa peso balance ng mga users kapag walang activity ang account for at least 12 months.

Ngayon ko lang nalaman  Cheesy buti pala nagsearch ako dahil sabi ng AI ni microsoft, ganyan din pala ang terms ng GCash and Maya... Kaya, yeah, pa-kyc pala talaga ulit ng paulit ulit, taon taon


Quote
GCash’s terms and conditions state:

“GCash may charge dormancy maintenance fees to GCash Wallets that have not been used for any monetary transaction at least six (6) months from date of the last transaction. The maintenance fee shall be automatically debited from the User’s Wallet… GCash Wallets that remain inactive for six (6) months and with zero balance shall be automatically deactivated without further notice. (Dormancy fee ₱50).”

Maya’s terms and conditions state:

“In case of dormancy, the Account may be zeroed out as a result of fees charged. In this case, PayMaya shall have the discretion to close or purge the account in accordance with the applicable laws, rules and regulations. (dormancy fee (1% of the balance with a maximum ₱ 30.00/month)”

Source: https://bitpinas.com/news/coins-ph-to-charge-15-per-month-for-inactive-accounts/

2  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: Today at 02:24:07 AM
Sabagay, kasi dapat sila din ang maginitiate kung talagang concern sila sa mga end-users nila, may laman pala yung account/wallet sana nagpadala sila ng notice para naasikaso ng may ari at para patuloy pa rin na gamitin ang serbisyo nila, medyo mas okay na sa kin na payagan na makuha yung pera tapos tsaka eh permanent ban kesa hindi mo na makuha yung pera tapos ganun din naman yung gagawin sa account mo.

Wala talaga tayong magagawa kung anoman yung magiging outcome ng issue ni kabayan, sa pagitan na ng asawa nya at ng coins.ph ang magiging sagot dito.

Question... naka lagay ba sa terms of use nila na dapat laging active ang account? Nakasaad din ba na kapag inactive ang account, ibig sabihin abandoned na yung wallet? Ang nature kasi ng mga crypto holders is HODL di ba? Pwede ba nilang isipin na kaya hindi gumagalaw yung account is talagang gusto lang ng user is maghold until such time na satisfied na siya sa exchange rate at doon lang sa time na yun nya pagagalawin yung funds nya? Nakalagay ba sa terms nila yung duration ng inactivity para ma-declare nilang dormant na yung account and abandoned na nga? Kasi kung wala yan sa terms nila, wala silang karapatan dun sa funds mo and nararapat lang nilang i-release yun dun sa owner ng account di ba...
3  Local / Pilipinas / Re: Philippines SEC will Ban Binance. Effectivity End of Feb. 2024 on: February 22, 2024, 08:53:34 AM
Inaayos na rin siguro yan ng Binance... ito yung reply nila dun sa nag inquire na kabayan natin...

4  Local / Pamilihan / Re: Binance being banned in the Philippines in a few days on: February 22, 2024, 08:30:16 AM
Marami pa akong hindi nilipat lalo na mga erc. Pero yung bnb and fdusd nasa launchpool kasi, participant kasi ako sa farming so sayang yung dagdag kita doon. Ganda ng returns nung last, yung PIXEL, 300usd din yung bumalik sakin dun so not bad. Yung bago ngayon is PORTAL naman, farming for 7 days.

Kung may ganyan sana yung mga local exchanges, baka dumami ang traders na gagamit ng platform nila. Ang tanong, kung sakaling magkaron ang local exchanges ng farming ng new coins at ang returns mo ay 500k pataas, may assurance ba sila na di sila magsuspend ng account? Paano yung amla? Kasi paano kung sa isang araw, nag scalping ka so in and out ang funds mo and lumalaki ang funds mo, paanong sistema nun? Masususpinde ka ba or kukunin nila yung funds mo dahil mahusay ka magtrade at lumaki ng husto ang profits mo?
5  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: February 10, 2024, 09:01:35 AM
Maaring tama ka @care2yak... pero assumption lang din yang sinasabi kung sino man ang abugado.

Ang SEC issuance ay galing sa agency ng Pilipinas, government yan, kaya maaring ma implement yan kung gustohin nila. Maaring mahaba pa ang proseso na ito patungkol sa pag block ng Binance sa kanilang website. Sa sinasabi mong kailangan ng court order at maghaharap ang Binance at Government, sino kaya ang papayagan? Ano naman ang laban ng Binance kung sila mismo walang business registration dito sa Pilipinas, or wala man lang assurance na kukuha sila at mag cocomply para maayos.

Nakikita naman natin ang habol ng SEC dito, magregister sila para kumita ang bansa natin through taxes, pero hindi nila ginawa yan. Kung na penalize sila mismo sa US na mayroon silang license to operation doon sa pagkakaalam ko, dito sa Pilipinas hindi sila ma penalize, kasi hindi sila regulated ng agency natin, kaya ang option ay i block nalang para mapilitan silang kumuha ng license.

Basta ang alam ko, dapat "prevention" lang gawin natin kahit optimistic tayo na hindi ma bablock ang Binance, kaya ready lang anytime dapat.


I agree, assumption sya pero backed by legal basis kaya naishare ko yung post sa BitPinas. Marami na kasi ang involved sa crypto and crypto trading -- kasama na jan ang samu't saring mga propesyon including accountants, doctors, politicians, and lawyers mapa private mam or gov't employed. And I'm sure na Binance na yung pinaka convenient para sa atin. True na ang SEC ay gov't institution pero may sinusunod pa rin tayong constitution, mga legal codes and ang kagandahan dito sa atin dahil tayo ay isang democrasya, may due process. Kaya naniniwala akong hindi yan basta basta maipapatupad unless bigla tayong maging tulad ng china na communist country. Pag sinabing block, blocked.

Kaya nga mahalaga yung unang requirement ng SEC which is business registration and licensing. Para pwede mong habulin yung kumpanya kung may grievances. Pag walang license to operate, di sila makakasingil ng taxes and annual permits, di rin makikilan. Same with dun sa company in question, kapag sila naman ang may grievances, di nila magagamit ang Philippine laws to their advantage.

Agree din ako sa nasabi nyong prevention. That is true. Mababasa din naman dito sa bitcointalk ng paulit ulit. Never leave your funds in any exchange kasi nga di ba, not your keys, not your assets. Kung biglang di ma-access, punta na ng Thailand para magtrade. Mura lang airfare pag group package  Cheesy
6  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: February 10, 2024, 06:32:40 AM
May nag-marites pa na ang ka-meeting ng sec is coins kaya alam na bakit gustong ipa-block ang Binance...
Knowing na si Wei ay part ng Binance dati, alam niya talaga kung sino ang malakas na kakumpitensya tapos naglabas pa ng datos si coins na kahit millions registered users sila, parang ang active lang ay a couple hundred thousand.
Talagang kompetisyon lang ang dahilan kaya nagkaroon ng ganitong issue sa ngayon. Ang habol talaga ng coins ay yung pagtaas ng bilang ng active users nila na sa sobrang dami ng registered users ay mahina pa din ang umiikot na pera sa loob ng exchange. Kung maayos lang talaga ang pagpapalakad nila sa exchange nila at tinatanggap ang ilang concern ng users, malamang mas madami pa users nila sa ngayon.

Kung hindi sana nila pinagtataboy yung karamihan ng mga nauna nilang users na kesyo may mga na-violate kuno sa terms of use nila, e di sana ang tibay na ng trading nila. For example ako, July 2015 yung account ko sa kanila. Mas marami pang naunang users sa akin. BDO pa ang pag cash in dati then babalik yung cash in fee mo pagka credit ng cash in. And that time, dumadami na yung mga kabayan nating nagkaka interes sa bitcoin. Mura pa ang bitcoin that time! Kelan sila nagsimula? 2014 buhay na sila. Kelan nila sinimulan ang coinspro? 2019 ba? Limot ko na dahil di ko naman ginamit. Pero ang point is, hindi sila nag grow in terms of active users. Iniwan na sila ng mga veteran users nila na kung tutuusin eh bumubuo ng malaking porsyento ng active users sanan nila. Karamihan ng mga nasa coins ngayon ay more or less baguhan. Paanong titibay yung exchange kung ang karamihan ng mga users ay di marunong magtrade? Yung iba, marunong na magtrade pero risk-averse!

Ang binance, kelan lang nagsimula di ba? July 2017 nagsimula ang Binance! Ang ganda ng growth nila and mahusay silang mag bigay ng assurance sa mga users nila. Nakapag establish na sila ng regular traders and nakagawa sila ng tamang sistema para sa lahat ng users, whale ka man or guppy. Siguro nafru-frustrate na si Wei dahil sa panahon na lumipas na naka upo siya, wala masyadong significant growth yung revamped exchange nila dahil maunti lang ang active users nga naman...

For me, para kasing trap yung coins eh. Lahat tayong mga naging users ay pinadadalhan ng mga promotional emails nila. Ang kaso, kapag kinagat mo, may mahiwagang violation ang magaganap bigla. Basta, lagi silang may rason para mag suspend ng account or ma-hold ang funds. So why go back there? At dahil sila ay kumpleto na ng mga registrations at kung ano ano pang documentos, siguro ang nasa isip nila ay dapat lang na sila ang dapat i-patronize ng mga kababayan natin. Kaya siguro ganito ang issue ngayon kay binance?

Pero lam nyo, binalikan ko yung advisory ng SEC. Nabasa nyo na ba? Advisory siya. Binibigyang impormasyon lang nag publiko na walang license ang binance na magconduct ng buying or selling ng securities dito sa Pinas. Walang nakalagay doon na sila ay ibo-block or ban. Try nyo pong basahin... naka pdf sya eh...

https://www.sec.gov.ph/wp-content/uploads/2023/11/2023Advisory-against-Binance.pdf

Yan ang link doon sa advisory nila. Walang nakalagay jan na ipapablock nila ang Binance. Ang dami kasing nagpanic nung sinabing may magaganap na pag ban or block. And so tama yung kabayan nating nagsabing mahabang proseso pa yang ibig nilang gawin na ma-block ang ip and ma-ban ang binance sa Pilipinas. Kasi registration and licensing requirement pa lang ang hinihingi ng sec na compliance. Pero ang sabi nung kabayan natin na di ko din po sure kung abogado sya dahil mabilisan lang din ako nagbasa, is para maging successful ang sec sa pagblock ng binance is kelangan pa muna nilang magsampa ng civil or criminal case against binance and ang case is violation sa securities regulation code. Kasunod nyan is makakuha ng court order sa korte para sa pag block ng ip and ayun, same court order naman para sa mga telco para i-block ang access sa site(s) ng binance.

Ang lawyer na sumagot tungkol sa issue ay pinost ni bitpinas. Mababasa po natin dito sa link po para mas maunawaan po natin ang issue.

https://bitpinas.com/op-ed/rafael-padilla-binance-website-block/

So mahaba habang proseso pa. Pero tulad nga ng sabi ng mga ibang kabayan natin, kung nerbyoso po tayo at sigurista, tama lang na magtransfer muna ng funds sa trusted nating wallets. Para sa mga risk takers, tuloy langd ang pag trade sa binance para i-take advantage ang kilos ng markets ngyaon. Cheers po sa lahat!!!




7  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: February 09, 2024, 02:41:20 AM
Wala akong nakitang official na statement regarding dyan at kung meron man mag share na sinabi nila ito ay pwede pa share para makatulong sa iba nating kababayan na gumagamit kay binance araw araw nilang trade. At sana naman talaga wag matuloy ang pag block ng access dahil malaking tulong talaga si binance satin. Sadyang napaka purol talaga ng utak ng gobyerno natin at ewan ko ba bat paatras tayo dahil pera-pera lang talaga ang para sa kanila.

Kung matuloy man talaga ang pag block nila kay binance ay di muna ako gagamit ng VPN since magiging bawal na talaga ito lalo na gobyerno na ang nag implement na e block sila at baka mas lalong maging kawawa tayo pag nag pumilit pa. Siguro lipat nalang muna talaga at hintayin maayos ng binance ang issue nilang to.


Kabayan, doon yan sa Binance Filipino na group sa fb. Napag usapan yan doon. May kabayan tayong nagtanong sa support ng Binance. Ang sabi is aware sila sa issue dito sa atin and kung sakaling kailangang mag withdraw ng funds ay mag iinform naman daw ang Binance dahil importante sa kanila ang lahat ng kanilang mga users.

May mga ibang nagdiscuss doon ng proseso para ma-block or ma-ban ang Binance sa Pilipinas. Isa na jan ang pagkuha ng court order mula supreme court, may mga filings pa silang kailangang ma-accomplish para sa mga telco para sa pagblock ng ip para di ma-access ng users ang Binance. Ni isa jan, wala pang nagawa ang sec. May nag-marites pa na ang ka-meeting ng sec is coins kaya alam na bakit gustong ipa-block ang Binance...
8  Local / Pilipinas / Re: Best non custodial wallet on: January 10, 2024, 10:38:21 AM
Ang magandang tanong dito mairerecomend mo ba itong mga Non custodial wallet? Kung ako tatanungin oo mairerecomend ko ito, hanggat maaari is gamitin lamang ang mga Non custodial wallet kasi ikaw lang ang may control sa private key mo (unless ma compromise mo). Lagi nating tatandaan na "Not your keys, Not your coins".

May mga custodial din naman akong ginagamit pero more on pang cash out lang. Hanggat maaari is wag mag stuck ng crypto sa mga wallet na ito.

Same, recommend ko din pero siguro kung malakihang funds, and security ang after talaga natin, much better ang hardware wallet.

Ang Trust halimbawa, non custodial wallet. Meaning yung private details (keys, recovery info, etc) access mo and controlled mo. Hindi na kailangan ng kahit ano pang kyc para magamit mo, and ang dami nyang supported na crypto and nfts.

Maraming advantages ang Trust, kaso hot wallet sya tulad ng karamihan na free and accessible sa interwebs kaya susceptible sa phishing attacks. Kaya kung ang device na gamit ay may malicious software / program, delikadong gamitan ng hot wallet.

Siguro kung may hot wallet ka sa device mo, never use that same device to access sites na may tendency na mang infect ng device ng malicous programs para di macompromise ang funds.

Kung nabalitaan nyo yung nangyari sa Trust nung November 2022, nagkaron sila ng security vulnerability kaya ang daming users ang nagkaron ng losses. Nadiskubre na lang yung vulnerability na yun nung 2023 na kaya kung may hardware wallet kayo, much better pa rin.
9  Local / Pilipinas / Re: Best non custodial wallet on: January 01, 2024, 04:23:20 PM
Sa mga nagamit ko, try ko mag identify ng pros and cons...

1. Jaxx / Jaxx Liberty - started using this in late 2015.

Yung Jaxx ang una kong ginamit na non custodial wallet. Madaling gamitin and mas mababa ang fees compared sa iba. Tapos nung time na yun, nag partner sila sa Shapeshift so pwede magconvert (buy/sell) ng assets like for example, yung btc convert to Doge. Tapos ang bilis maka receive and magsend.

Last kong ginamit nung 2016 nung lumipat ako sa exodus. That time kasi, although mas mura ang rates, parang btc, eth, doge, and litecoin lang ang supported assets. Pero nag add na rin sila ng ibang assets after 2016 nung nilabas nila yung Jaxx Liberty. Yun nga lang last year, nagretire na si Jaxx Liberty and yung mga devs, nag recommend na magtransfer sa exodus dahil same sila na multi-asset wallet and same standard nila for interoperability. Same din na commited ang devs and staff sa pag lend ng support sa users.

2. Coinomi - Habang gamit ko yung Jaxx, sinubukan ko din yung coinomi dahil maraming supported coins noon si coinomi na wala sa jaxx. Kaya lang ang bagal ng refresh ng coinomi. Yung coins mo, ang tagal magrefelect so di mo sure kung may natanggap ka ba or wala. Tapos madalas , para siya nao-oofline! So wala na, di ko na ginamit.

3. Exodus - nadiscover ko yung exodus parang early 2016. Yung dev dun, dating nagwork sa apple so nabilib na ko agad. Palagi silang may update, maya't maya may update, parang twice a month nagu-update sila ng versions tapos parami na ng parami yung mga supported nilang digital assets. Buti nga ngayon supported na nila yung BEP-20. Dati kasi panay ERC so ang sakit sa bulsa ng fees and panay ang kaltas sa eth holdings kung nagho-hodl ka ng erc coins.

Pwede kang gumamit ng exchange from within exodus. So kung medyo tamad ka na mag transfer ng assets palabas ng exodus pero may type kang bilin na asset, magagawa mo yun within the platform.

May staking na din sila for assets na may staking like algo, ada, yung trx din ata, atbp.

4. Metamask - ok din ang metamask pero bihira ko lang ginagamit, Mukhang simple pero may pagka complicado haha

5. Safepal - ala masyadong supported assets

6. Trust - Ginagamit ko lang pag gagamit ng pancake  Grin

10  Alternate cryptocurrencies / Altcoin Discussion / Re: Where TO Find Quality Air Drops on: December 28, 2023, 12:20:20 PM
I haven't joined in airdrops for about 3 or 4 years now. The last one I participated in just rug pulled and so I promised myself to never join again. If you want a reputable source, maybe participate in an exchange's launchpad instead, like the one from Binance. Check your favorite exchange for a counterpart.
11  Alternate cryptocurrencies / Altcoin Discussion / Re: WHAT IS TRADED IN FOREX? on: December 28, 2023, 11:28:17 AM
You trade currencies in forex; forex meaning foreign exchange. But aside from foreign currencies, you can also trade commodities. The basic principle for trading currencies and cryptocurrencies is you buy low and sell high. That's it. The value of the currency is a reflection of the market's opinion on the current health of a particular country's economy. In crypto, it's the health of the digital economy.
12  Bitcoin / Bitcoin Discussion / Re: are there any bitcoin faucets nowadays !! on: December 28, 2023, 11:02:19 AM
There still are a few bitcoin faucets active but the dole outs are so small, it's just not worth spending your time and effort collecting every drip. There's 99 Bitcoins where you get free satoshis every few minutes, FreeBitcoin where you can claim free satoshis every hour (i think) plus earn from their referral program and lottery, then there's CryptoAddicted where there's a referral program as well and earn free satoshis for completing tasks. Then there's also Cointiply with ads, surveys, etc and you earn free sats by the hour.

As far as I know, these are the faucets that could still be active and can give you free satoshis directly. But nowadays, the fad is to participate in those play and earn games where you can indirectly collect bitcoins for free. You won't be collecting sats directly, rather, you would be collecting the game's tokens. You can then exchange these tokens to another altcoin or to bitcoin. Imo, it's the fastest way to collecting around $10 or more compared to bitcoin faucets.
13  Local / Pilipinas / Re: Nakakabahalang balita mga kabayan. on: December 27, 2023, 11:54:55 AM
Magandang gumamit ng VPN para kontra geo-blocking. Kaya lang, kung sakaling magbago ang terms of service ng Binance at mapasama ang Pinas sa list of restricted countries, delikado ang gumamit ng VPN dahil ang Binance mismo ang nagdidiscourage sa pag gamit ng VPN and if ma-detect na ang user ay gumamit ng VPN from a country na restricted ang access sa Binance, masususpinde ang account nung user. Paktay ang funds....
14  Local / Pilipinas / Re: Nakakabahalang balita mga kabayan. on: December 19, 2023, 05:51:52 PM
Wala na yatang chance maka access pa tayo ng Binance mga kabayan, sayang naman ito pa naman ang pinaka magandang exchange na ginagamit ng majority ng mga Filipino. Basahin nyu nalang ang full story kasi parang totoo na ito, mismong SEC na mismo nag issue tapos with partnership pa sa NTC para ma block ang website ni Binance.

Ano kaya ang magandang gawin natin dito? Kunyare hindi kasama ang coins.ph sa option, meron pa bang iba na maganda ring exchange?

Goodbye na nga pala sa p2p. Cry Cry

Quote
MANILA, Philippines – The Securities and Exchange Commission (SEC) is moving to block embattled crypto trading platform Binance from being accessed in the Philippines to safeguard the public from unregistered investment products.

The commission noted that Binance, the world’s largest crypto trading platform, is not authorized to sell or offer securities to the public in the Philippines, pursuant to Republic Act No. 8799 or the Securities Regulation Code.

The SEC has requested assistance from other government agencies, namely the National Telecommunications Commission and the Department of Information and Communications Technology, to block access to Binance in the country.

The SEC said the removal of access is expected to take effect within three months after the issuance of the advisory to give Filipino investors time to close their positions and take out their investments.
https://www.rappler.com/business/securities-exchange-commission-moves-block-binance-urged-investors-close-positions/

Mali pala yung nagamit kong term na "ban" dahil di naman mababan yung entity. Ipinapa-block pala ng SEC sa NTC ang access nating mga users. Sasampolan lang nila sa Binance. Depende na din sa Binance kung mag impose sila ng limitations sa users na ang IP ay PH. Kasi pwede pa natin yun ma-access lalo na pumapalya din yung pag block ng ntc sa mga sites na ayaw nilang ipa-access, halimbawa na yung mga porn sites and gambling sites. Hindi lang si Binance ang binabalak nilang i-block. May mga forex trading sites din silang sasampolan.

Pero napakaraming trading sites and exchanges, lalo na mga DEX na napakahirap limitahan ang access. Kelangan iblock pa nila ang internet access, eh sa ngayon, internet is life haha! Apektado din sila kung nagkataon. Or limitahan ang network protocol na gamit nung DEX, ewan lang ano mangyari pag ganun dahil sabi dun sa nabasa ko, baka magkaron ng unintended consequences kung gagawin yun, and napakirap ma-implement.
15  Local / Pamilihan / Re: Mga legal na lokal exchange na aprobado ng Banko Sentral ng Pilipinas on: December 19, 2023, 05:29:52 PM
Sa kapanahunang ito karamihan na ginagamit natin na mga global cryptocurrency exchange ay mga unregulated, at kamakailan lang dahil sa ngyari balita na hindi pa naman final ay nababahala ang marami dito sa sa atin na baka daw maban or mablock na ang website ng Binance dito sa bansa natin, na kung saan ang pinangangambahan ng karamihan ay kung saan na sila magtetrade ng crypto.

Actually, meron naman tayo dito sa ating bansang pilipinas, kaya lang hindi ginagamit dahil karamihan nga ay mas nagtitiwala na
 mas maganda parin gamitin ang international cryptocurrency exchange at totoo naman din kasi ito dahil sa mga user experienced na nararanasan natin sa mga int'l crypto exchange at yun naman talaga ang katotohanan dito kumpara sa ating mga lokal exchange.

Ngayon ano-ano ba ang makukuha natin at pwedeng maitrade sa ating mga lokal exchange na ito, mula sa trading fee, withdrawal fee, at iba pa.

1. Coexstar - Isa lamang ito sa mga aprobado ng ating banko sentral na pilipinas  na itinatag nung 2019. So, dito pwede rin tayong makapagtrade ng cryptocurrency, walletm at sa mga darating na panahon ay magkakaroon din ito ng P2P at ang mga supported cryptocurrency ay mabibilang lang, in short konti lang.  Kaya kung maghahanap ka ng bagong altcoins ay hindi mo yan makikita dito.

2. Coins.ph - Ito alam naman ng karamihan sa ating dito na isa ito sa mga pioneer sa industry na ito na nagsimula nung 2014. At nakapag-aquired sila ng licensed dito sa bansa natin nung 2017 pa. Bukod dyan madami ding mga choices na crypto na pwedeng gawan ng trading activity depende sa gusto mong itrade sa platform. Kaya lang spot trading lang ang pwedeng magawa dito.

Ngayon, pagdating sa fee medyo competitive siya at mataas kumpara sa iba. At depende din kasi ito sa vip level. Ang problema lang dito at hinaing ng mga users ay yung spread nila ay masyadong mataas.

3. Moneybees - Ito naman yung exchange na pwede kang bumili ng crypto at magbenta nito, kaya lang ang madalas na transaction dito ay madalas over the counter lang. Walang trading platform o trading book. At iilang lang ang sinusuportahan nilang cryptocurrency. At ang pinagmamalaki lang nila dito ay yung walang fees gaya ng sa P2P transaction.

4. Maya - isang klase ng digital bank na kilala dito sa bansa natin, at kamakailan lang ay suportado narin nila ang cryptocurrency. Kaya lang wala itong trading platform na tulad ng sa coinsph. Pero makakabili at makakapagbenta parin naman ng crypto. SImpleng wallet lang ito dati na nagevolved as a digital bank. Pero kagaya lang din ito ng coinsph na malaki din ang spread nya na kung saan halimbawa magwithdraw ka ng 20k pesos ay mababawasan na agad yan ng 1000 pesos sa laki ng spread nya.

5. Gcash - ito naman ngayon yung kinikilalang leading mobile wallet apps at madami sa atin ang gumagamit nitong apps na ito. At madami din itong cryptocurrency na nakalista dito nasa around 26 din na crypto kumpara sa Maya. Meron din itong convenienct fees at  network fee.

6. PDAX - isa din itong kilala sa ating bansa na aprobado din ng banko sentral ng pilipinas. Tapos nasa 37 cryptocurrency lang ang pwedeng maitrade sa platform na ito. Pagdating naman sa trading fee sakto lang din. Pwede ding magcash-in or cash-out sa peso dahil integrated ito sa gcash.

Nice list. Siguro maganda na i-expand pa natin ito para mas extensive and makatulong sa pagdidisisyon ng mga newbs and others by including pros and cons ng platform.

Ngayon ko lang na-encounter ang coexstar... si coinsph nagchange ng management and yung bago nilang platform, ala na kong alam. Di ko na ginamit si coins since 2019 nung basta basta na lang silang nag downgrade ng limits, and nag accuse ng imaginary violations. yung moneybees, di ko din alam... thanks talaga for this list at pag aralan ko yung mga nakalista na di ko pa kilala...

Si maya, sobrang lapad ng spread tapos delayed ang kilos ng price. Paakyat na ang price pero sa kanya, mababa pa rin... Si gcash, pdax ang ka-link na exchange. May account ako sa pdax pero di ko naman ginagamit dahil may binance na much better.  Sana walang maganap na ban...
16  Local / Pamilihan / Re: Bakit ganito ang BInance ngayon? on: December 19, 2023, 05:10:14 PM

Wala tayong magagawa karamihan na officials sa gobyerno natin mga buwaya at mahilig sa under table, Ako nga kahit mataas ang kumpyansa ko sa Binance pero nagdesisyon na ako na ilabas or ilipat na ang mga assets na meron ako dito sa ibang platform. Medyo malaki narin kasi para sa akin yung total value ng mga assets ko dyan nasa around closed to 1200$ narin.

Kaya nilipat ko na muna sa ibang exchange platform na alam kung medyo safe at komportable ako, sa binance kasi hindi na ako komportable na mag-iwan pa ng crypto assets. Kaya kung bigla kang kinabahan, senyales na yan na ilipat mo narin ang assets na meron ka sa binance kung meron man. Kesa naman hintayin mo pa ang 90 days na binigay na palugit dyan, mahirap na baka mamaya nyan mas mapaaga pa sa 90 days.

Nakita ko lang itong convo dito na pinaguusapan ang Binance. Makikibalita sana ako dahil may assets din ako dun and di pa ako naglilipat sa ibang wallet. Pero napa-comment ako dito kay boss about moving assets to another exchange... unsolicited advice kabayan, never keep your assets in an exchange unless regular ka magtrade. Pero long term na maghold sa exchange, delikado. Naging lesson ko kasi yan twice. May assets lang ako sa binance dahil nilalaro ko and nagjojoin ako ng launchpad. Nawindang lang ako sa news kya ngayon malungkot and need mag transfer ng funds siguro sa decentralized hot wallet muna habang nag aabang ng news until Feb.

Pero lam nyo, maraming users ng Binance ang employed sa gobyerno. Wala sigurong magaganap na ban.... (fingers crossed)
17  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: March 18, 2023, 07:24:30 AM
Hindi naman siguro dahil wala namang CEO na gustong bumaba ang kanilang mga account. Ang basehan nila ay ang mga direktiba mula sa BSP, at kung merong mga accounts na hindi pasado, yan meron din silang ginagawa, isa na diyan ang paglimit, and worst ay ma close ang account. Kaya't mabuti na rin na meron na ang Binance P2P kasi wala itong limit, parang lumang coins.ph lang na walang masyadong tanong, siguro hindi ito sakop ng BSP.

maybe. ang sad lang kasi unfair yung pagpenalize sa isang user. sana ibase nila ang violation sa current activity ng account. hindi yung past. dahil lahat naman tayo dumadaan sa proseso -- mula newbie na natututo pa lang sa crypto, hanggang sa maging advanced user na alam na kung ano yung foul. so syempre, matatabangan na yung mga old users kasi di naman nila purposely gagawin ang isang bagay na alam niilang at stake yung account nila.

anyway nag open ako sa web ngayon. binago na nga ng tuluyan ang coins. sa web, coins pro na talaga. yung limits ko, balik na sa dati. pero sa app ewan ko lang kung ganun din or custom pa rin na downgraded.

nakausap ko yung friend ko sa singapore. correct me if i'm wrong pero base sa kanya, nagagamit na nya ang coins sa sg. nakapag usap kami dahil nanganga pa daw siya dahil binago na rin ang app. di na daw nya alam paano mag convert. di nakasi yun ang ginagamit na terminology ngayon ng coins. buy and sell na talaga. and yung mga user na nasanay lang sa "Convert" ay naninibago ulit ngayon.

Dami na nilang changes. Kahit super asar ako sa kanila, and nagwish na sana mawala na mga users nila (lol, ganun ka asar eh nu), binabago ko na ang opinion ko. Sana maging maayos na rin sila and i-consider yung sentiments ng old users nila. Kasi, kapag maganda ang feedback ng users, siguro gaganda na rin ulit ang services nila. Sana lang naman. Pero kung ayaw nila... e di wag. hehe. la naman ako magagawa
18  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: March 10, 2023, 10:18:31 AM
... Ano dahilan mo kung bakit wala kang tiwala sa P2P ng binance. Sa ngayon kasi parang sobrang hassle na gamitin ng Coins.ph kaya madalang ko na siyang gamitin. Iniingatan ko lang yung account para maging back up kung sakaling kailanganin.

may mga merchant na di talaga mapagkatiwalaan. minsan nga before ako makipagtransact, binabati ko muna yung katransaction ko ng tagalog. hinihingian ko ng qr code ng gcash or bpi nila para lang malaman ko kung pinoy yung kausap ko. at para na rin alam nya na pinoy yung katransaksyon nya. para mahabag if ever nagbabalak di ba...
19  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: March 10, 2023, 10:08:22 AM
coins.ph user ako since May 2014 pa. Si Ron pa mismo nag activate ng account ko. Na meet ko rin siya sa noon 2014 BitcoinPH meetup sa Taguig.

Malaki tiwala ko sa coinsph dati since ginawa ko sya cold/main storage and main exchange ko. Malaki rin naitulong nya sakin noong kailangn ko mag papalit.

Pero ung KYC ung naging main issue ko sa knila.. almost every year need mag update. Ilan beses n rin ako na limit ung account kapag hindi ko maverify agad ung account.

Last Nov 2022, tuluyan ko na inalis ung mga funds/crypto ko sa kanila. Yun din ung time na first time ko gamitin ung Binance P2P.



unfortunately, si wei zhou na ceo nila ngayon. may kinalaman kaya pag downgrade ng acct limits natin dahil dun?  Huh

20  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: March 10, 2023, 10:01:35 AM
Sobrang dami mo palang scam na nadaanan simula pa mmm,

oo, kaya nga ako natuto  Cheesy pero dahil sa mmm natutunan kong mag bitcoin. although hindi ko yun first ecounter sa btc kasi nakikita ko na yung btc dati sa pirate bay. di ko pa lang maunawaan that time. hinihingi nilang donation is btc then may qr code na sa site nila para pag scan, wallet address na nila ang lilitaw.

Naalala ko kahit yung hashocean since isa din ako sa victim nun LOL. Yun yung last time na nascam ako ng medyo malaki at sa tingin ko pinaka pinag sisisihan kong na scam ako kaya sobrang memorable. Coins.ph din gamit kong wallet that time and obvious na hindi pa sila masyadong strict nun.

same, coins din ang receiving wallet ko ng funds sa hashocean. pati mmm dun din. di nga sila strict pwera na lang talaga pag lumampas ng konti yung incoming btc mo ng 400k equivalent. mura pa nga btc that time di ba? parang 2015 naging 8k pesos lang ang 1 btc. then kapag mag cash in ka sa bdo, may cash back kang 40 pesos. and back then pwede kang mag transact ng more than 400k a month. basta ang daily mo lang is up to 400k. nag initiate na lang sila ng verification via video interview nung 2016 eh, i think dala din ng mmm dahil ang daming guide na na-flag ang account dahil sa suspicious activity.

About binance p2p, If maingat ka naman and alam mo ginagawa mo ehh hindi ka naman ma sscam kasi pwede mo i contest yung transaction for a certain amount of time pag nag ka problema or may nag attempt, Kaso minsan may mga pabaya lang kasi kaya naiisahan sila ng scammers.

yup, lam ko na ngaon. nung first time ko mag p2p 2020 nun kaya di ko pa alam gagawin ko. wala naman akong coach haha. natututo ako mag isa. natuto via experience and kaka basa. hehe. tska di ko mahanap ang support dun! sa ibang exchange ang dali pero ngayon alam ko na. pero ninenerbyos pa rin ako. lol. dahil na rin siguro may kalakihan ang transactions ko. yung dalawang transactions na nawala sakin, pinabayaan ko nga. charge to experience. pero pinagdarasal ko pa rin talaga na pwede na mag direct bank transfer from binance to ph bank. may nabasa ako pero di ko na tanda kung saan ko nakita na pwede na mag withdraw to ph bank from binance? sa bitpinas ko yata nabasa...?

Buti nga di ka na flag sa big transactions mo sa coins.ph kasi alam ko maraming na faflag lalo na pag above 400k annually yung transaction amounts nila.

di naman. madalas nga akong mag transact ng ganung amount eh. kaya nga pati mga tyahin ko sumama para lang makapag transfer sila ng funds ng madali. coins n coinbase ginamit nila. siguro kaya walang suspicious activity sakin, dahil siguro ginagamit ko din yung platform para bills payments. wala pang bills payments sina gcash pero nauna na ang coins. lately lang ako binabaan ng limits eh. tapos ayun nga dahil may violation daw. so hinala ko yung activity ng mmm, hashocean na sinaunang activity pa. never naman akong nag gambling. so yun lang talaga ang suspetya ko.

Kadalasan ay re KYC sa coins ph and minsan is binababaan nila yung limit mo which is kabaliktaran ng dapat mangyari kasi it shows na nasakanila ang tiwala mo tapos bibigyan ka nila ng reason kung bakit hindi mo sila dapat gamitin.

true. ayaw nilang may magtiwala pa sa kanila lalo na ang mga legacy users nila. funny sila nu.

Pages: [1] 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!