Meron din siguro diyan sa data na yan at registered users na doble ang account kaya kina-count lang din nila yun. Pero totoo na maraming lowkey lang na mga kababayan natin ang nasa crypto at hindi nagpapahalata na kumikita sila ng crypto at holder din.
Mahirap lang din kasi sa panahon ngayon kapag masyado kang mahilig mag brag, mayayari ka sa mga kaibigan at kamag anak mo at lalong lalo na sa mga masasamang loob. Puwede rin naman na exaggeration lang ng mga local exchanges yan pero ako naman naniniwala sa mga numbers na binibigay nila kasi pati inactive at mga banned accounts paniguradong sinasama nila yan.
Pwedeng isipin na malaki ang bilang ay inactive at banned accounts kasi kung kahit 20% lang sa mga ito ay banned at inactive accounts at ang rest ay active traders o users malaking profit ang papasok sa mg alocal exchange na ito, competitive na rin sila at meron sila stable profit dapat mag move forward ang Coins.ph at PDAX para mag main stream hindi yung sa Cryptocommunity lang sila gagalaw, wala ako nakikitang malaking banner ng mga dedicated local Cryptoexchanger natin, kasi sila ang unang makikinabang kung mag main stream sila kasi sila ang first choice na exchange kung maging main stream at very popular na ang Cryptocurrency sa ating bansa.
Nakakapagtaka lang din talaga, sa sobrang dami ng datos nila eh bakit wala silang ads sa mainstream eh ang sureball
naman na makikinabang eh sila din kung sakaling tangkilikin ng mga pinoy ang kanilang services di ba?
Pero hanggang sa ngayon wala din akong napapansin na malalaking ads para sa kanilang negosyo, at gaya nga ng sinabi mo
sure na stable profits kung sa ganung percentage eh may gagamit ng exchange nila.
Marami din kasing pwedeng dahilan sa kin lang personal na opinyon eh sa tiwala nagkakatalo mas madami pa rin atang kababayan natin
na Binance p2p pa rin ang gamit.