@care2yak
okay yang style mo..naihalo mo na sa business mo yung crypto parang natatago/halo-halo na...ang advantage nyan ay kung naghahanda ka sa possibility na itax ang crypto..pwedeng maimamask mo yan at makatakas ka sa tax....pero wala din yan pag thoroughly inaudit ka baka hindi bumalance.
sa akin kasi gusto ko iclear ang path para sa mga galaw na matindi when opportunity comes...tingnan mo noong bumaba sa 5k usd yung BTC paano kung may pathway na...kung nakainject ako ng 3M eh di pag balik ng BTC to 10k usd may income akong 3M...walang business na basta basta makakaproduce at makakamask ng 3M profit in a short period of time...
kung sa basketball para kang pinagbawalan mag dunk...special na galaw yun almost 100% chance talagang papasok ang bola sa dunk...
ang mga international whales, yung tunay na mga mayayaman/elite naglalaro dapat may gateway tayo makalangoy kasabay nila...kung mapredict natin ang movement ahead, malaking pera yun (kung malaking taya)...
malinis ang pera, malinis ang galaw, walang dapat itago...hindi lang para sa akin ito dapat makagalaw din ng ganito ang iba..the more the merrier..healthy ito sa BTC/crypto currency in general...at healthy din sa atin na yumaman dito..
yeah well, may risk involved. hindi ako sugod ng sugod. i think kaya ganyan ang replies mo is that kaya ng tolerance mo pero di pa kaya ng tolerance ko. i have kids and ang business ko, pinaghirapan ko. hindi ko minana. hindi ko kayang mawala yun para lang isugal ko sa banko ang sagot na half of my deposits were gains from crypto trading or investing. i applaud your boldness if nagawa mo nga yung sinasabi mo. pero yung example mo, wag mo lahatin dahil ang ibang early adopters ng crypto dito sa pinas ay hindi kasing yaman mo na naga-around the world pa (in previous posts you said you traveled to indonesia). ang iba sa kanila, nagtiwala sa crypto at ngayon umaani pero ang bank account nila hindi kasing active ng account mo.
nasa pilipinas ka at tantanyahin mo rin yung kausap mo kung open ba siya sa sagot na crypto trading or investing, and hindi siya gagawa ng hakbang para i-freeze ang account mo.
since same tayong may bpi account, magkaiba tayo ng branch na kinausap at ang utak ng mga bank rep ay hindi rin pare pareho dahil ang crypto nasa gray area pa. nababalitaan na yan sa dyaryo, tv at net so ang awareness nila pwedeng novice to moderate ang degree. pero maaaring di pa tayo fully aware kung may policy sila against virtual currencies. so ako, nagtatantya, naninimpla, at nag-iingat muna.
also, aminado ka man or hindi, iba iba din ang trato ng mga rep sa corporate world in general sa mga tao. nananantya din sila ng tao at nagka-categorize ng tao. and then there's your account threshold. ang threshold ng account mo in terms of cash flow, hindi ko threshold kaya hindi tayo pareho at malamang ganun din ang ibang kasama natin dito. kung mas frequent ang in and out ng pera mo sa banko, good for you. pero hindi lahat ng tao dito, ganyan ang kilos ng account.
bottomline is, pinagiingat natin ang mga kasama natin na baguhan or relatively new.
kung active ang account, go for the max cashout.
kung tumawag ang bank at magtanong, sagutin politely.
kung kaya ng powers nyo ang sagot na crypto-related, go for it. if not, be discreet muna. kasi darating din ang panahon na ang crypto, hindi na nila yan gagawan ng issue dahil magiging part talaga yan ng buhay.
gusto nyong umiwas sa marami pang kuskos balungos, then yung cashouts to banks natin moderate amount lang tapos siguro umpisahan nyo sa twice a week then magprogress na yan later kapag nasanay na yang mga bankers sa flow ng cash sa accounts nyo.
yun lang po, salamat po. cheers.
matatawa kayo kung magsshare ako ng tungkol sa buhay ko...hahaha huwag na nakakahiya, nakakatawa ..ewan basta private na yun..
pero wiling ako ishare na dito ako sa crypto nagka pera, hindi minana, hindi dating mapera...kaya nga nahihirapan sa paliwanagan ng source of funds kasi sa crypto galing hindi sa fiat....saka kaya ako may time para makapag pa indonesia kasi unemployed haha (imaginin mo wala pang 0.3 BTC ang nagastos sa lahat lahat samantalang nagkalat ang BTC dito noon)....kaya nga din nilalakad ko yung custom limits kasi pinipave ko yung way out ko for exit strategy...at dapat kung may exit, may enter din (tulad ng yung 5k usd)...yang mga limits na yan ang naghahadlang sa mga exit-entry stategies--->kailangan natin lahat yan..
assuming na nalock mo sa PHP ang crypto mo pag kataasan..ang tanong ititiwala mo lahat yun sa coins.ph? halimbawa may 3M ako..hahatiin ko yan 1M sa union bank, 1M sa bpi, 1M sa coins.ph
mahirap din dito sa crypto..alam ninyo naman kung gaano ka miserable ang mga tao sa crypto noong 2014-2015...ako okay lang kayang kaya ko kasi hilig ko at enjoy ako haha
i perfectly understand you...aaminin ko medyo bold talaga ako, which is somehow related na rin sa pagka risk taker ko..
kaya iniispear head ko ito para makita ng banko..unahan ko na..let the word spread like fire para maging normal na ang ganito..maging masmadali sa lahat, malaki o maliit makakapasok-makakalabas ng madali...kagaya nga sinabi mo nasa utak lang yan ng mga tao..time will come na (sana) magiging normal ito..
bottom line..galing ako sa crypto hindi ako galing sa fiat...aaminin ko medyo hindi maganda ang naging aura namin ng bank officer noong inenrol ko yung dragonpay sa bpi..tinanong ako mga ilan daw ang ipapadaan ko doon...isip ako ng madali, sabi ko mga up to 5M depende (kasi nga ang market ang basehan ko ng desisyon ko everytime)..na feel ko talaga biglang nagbago ang aura haha..tapos medyo mahaba pa yung balbas ko kasi nga unemployed tapos medyo puyat pa sa trading at kakabasa at observe sa crypto...imaginin ninyo ang itsura ko at yung sulyap noong matandang bank officer na yun hahaha...minamanmanan talaga ako noon, i can sense it..sigurado.
tawa nga ako nga tawa noong nagpa indonesia ako kasi nang tinawagan ako nasa manila ako tapos lalabas pa ng bansa na para akong tumatakas eh na book na yung flight na yun mga ilang buwan na.
hindi ako takot sa mga empleyado ng mga bank branches..malaking biyaya nga sa kanila na doon mo nilagay yung pera mo....kaya nga ang mga nagiging bank manager/pinagaagawan maging bank manager ay yung maraming kilalang mayayaman kasi nakukumbinse nila na doon ilagay ang pera sa branch nila...
saka hindi lang yung frequency ng pera o volume ang dapat bantayan...dapat subukan din na iupdate ang customer information, mailagay ang "crypto currency trader" sa source of funds.
pasalubong ko pala sa inyo from bali, indonesia..kakaiba ang experience nang tinitingnan ko ito ng malapitan sa museum.