Panong mataas yung fee sa coins.ph? Okay din naman don kesa maghahanap ka pa ng ka meet up dahil medyo hassle, mahirap na din kase maghanap ng nagbebenta dahil kalimitan sa coins.ph na sila nag cacash-out. 1% lang naman ang cash-in fee ng coins.ph hindi na masyadong mabigat dipende nalang kung hundred k ang icacash-in mo.
Ganito kasi yun, mag cash in sana ako ng .12btc around 50k php pero meron pa nakalagay na extra sa payment method fee saka coins.ph fee aside sa buy rate na gamit kaya medyo mabigat. Nakakainis sobrang dami ng fee na kailangan ishoulder para lang makabili ng coins
Try mo sir mag cash-in sa peso wallet tapos i convert mo nalang, ganon kase ang ginagawa ko tuwing bibili ako ng btc, nagpupunta lang ako sa 7/11 tapos magcacash-in ako sa peso wallet then convert pagkatapos.
Pero okay lang naman din sa P2P na transaction ang problema lang mahirap na maghanap ngayon dahil sa coins.ph kesa nga naman ibenta nila nagcacash-out nalang sila para hindi na kailangan makipagmeet-up at magaksaya ng extrang oras.