In-translate ko lang po yung post ko sa beginners and help since wala pa pong nakapansin sa posts ko kaya nagbaka sakali ako baka may makatulong po saakin dito. Eto po ang aking orihinal na post:
https://bitcointalk.org/index.php?topic=3330261.0Meron po akong maliit na problema. Meron po akong tokens sa myetherwallet ko. Para mai withdraw ko yon ay kinakailangan ko itong itransfer sa isang exchange kaya nag download po ako ng binance. Kaso nung itatransfer ko na siya sa binance, insufficient funds ang lumabas. Doon ko po nalaman na kelangan pala ng gas fee para sa transactions fee.
Para makalkula ang tx fee:
Tx fee= gas price * gas limit
Nag set ako ng gas price ng 20 GWEI pero wala pala akong eth balance kaya kailangan ulit mag transfer ng kaunting halaga sa eth wallet ko. Nag send ako ng .001 lng kaso nagka problema da transaction ko.
Meron po ba dito ang nakaranas na ng ganitong problema or dala lang ito ng sobrang mabagal na transaksyon ngayon?