Ako nga medyo matagal na sa Crypto hirap pa rin sa ganito, nag aaral parin ako at nag susubok mag improve. ang gusto ko talaga matutunan ay yung emotional control, mahirap iwasan manginig pag makikita mo malalim na pag pula ng asset mo.
iniiwasan ko na din sumabay sa mga Hype, mahirap kung di ka ganun ka active pag silip mo bagsak na agad.
Nakaka depress naman talaga kapag nakikita nating pula ang estado ng asset natin lalo na kung mataas ang expectation mo o hindi mo inaasahan yung ganong sitwasyon. Pero siguro bago naman natin pinasok ito eh alam naman na natin ang risk, may possibility talaga na matalo. Hindi magiging mahirap tanggapin kung ang inilaan naman nating puhunan ay yung kaya nating mawala.
Sa totoo lang kung pinaghandaan naman natin yung pagpasok sa crypto trading o kahit anong may risk ay dapat hindi tayo made-depress kasi kasama na dapat paghahanda yung emotional aspects.
Pero yun na nga, hindi natin mapipigilan yung emosyon natin lalo na kung kumita na tayo ng malaki ngunit naubos rin. Based on my experience, bilang isang studyante nagkagain na ako ng halos isang million nang ilang beses ngunit naubos rin ito sa ng biglaan lang dahil sa pagkatalo sa trading.
Nung nangyare to sakin, syempre na-depress din ako dahil pera na naging bato pa. Pero iniisip ko rin na halos wala naman akong nilabas at may mga nabili rin naman ako kahit papano para sakin.