Genemind (OP)
|
|
April 30, 2020, 01:26:32 AM Merited by cabalism13 (1) |
|
Good morning everyone!
Dahil lockdown at birthday ko ngayon, dito na lang ako mag cecelebrate. Meron akong 21 SMerit at gusto kong ishare ito sa mga kapwa ko Pinoy. Simple lang ang gagawin:
- Create a post here in this thread ng achievments, failures and lessons na natutunan nyo this year. - Dapat constructive ang post. - Mamimili rin ako ng 3 best post (my personal choice) at bibigyan ko ng load 100php each.
Gusto ko lang mag share ng blessing ngayong Birthday ko. Keep safe everyone. Have a blessed day.
|
|
|
|
xenxen
|
happy bday kapatid kahit na hindi ako mapili sa pa giveaway mo ay okay lang pero kung mapili naman ay salamat narin. dahil ang totoong hangarin ko lang dito sa thread mo ay mabati ka lang sa araw nang iyong kaarawan. naway dagdagan pa yang mga blessing mo dahil sadyang napakabuti mo at hindi ka nakakalimot sa mga kapatid natin dito.. wala man akong maipost na achievement at failure sapat na ang mabati kita.
|
|
|
|
Nellayar
Full Member
Offline
Activity: 868
Merit: 185
Roobet supporter and player!
|
Bago ako magsimula, gusto kitang batiin ng Maligayang Kaarawan kababayan! Maraming bitcoin at blessings pa ang dumating saiyo!
Dahil hindi pa naman kumpleto yung year 2020, kaya gusto ko na lang ibahagi yung kwento ko last year lamang.
"The ends justify means"- Niccolo Machiavelli
Hindi ako yung tipo ng estudyante na matalino talaga. Yun bang maraming awards na natatanggap at recognition na nadadaluhan sa tuwing magtatapos ang taon. Kaya naman isang malaking hamon para sa akin ang makapasa sa Licensure Examination for Teachers o LET. Masyadong, maliit ang percentage na nakakapasa sa LET, imagine 20-40% lang ang nakakapasa out of 200K na nagtatake. Kaya naman talaga bwenas ka kung makapasa ka.
Mahirap, ika ng mga instructor at ibang batchmate na ahead sakin para ipasa ang LET, kailangan mo nito paglaanan ng oras sa pagrebyu. Subalit, isa ako part time job hunter dito at sa aming lugar. Kailangan kasi din magtrabaho para may maitulong ako sa gastos sa bahay at pagkain. Lalo na at wala ng tatay na tumataguyod sa amin. Kaya naman halos, hindi ako makafocus sa pagrerebyu. Ang tanging oras ko lamang ay 10pm to 12am. Kaya kape at determinasyon na lamang ang aking panlaban sa antok at pagod. Ang laging routine ng buhay ko ay magtrabaho, magpost dito sa forum, asikaso sa bahay at magrebyu kahit antok na.
Dumating ang araw ng paghuhukom. Hehe. Sa tingin ko naman ng mga oras na yun ay ginawa ko ang best ko at iniisip ko na kapag bumagsak, edi magtake ulit. Hindi naman nakamamatay ang judgement ng ibang tao di ba? Ngunit, simula pa lamang ay nagkaroon na ako ng aberya. Nasulatan ko ang answer sheet ko sa Majorship ng ballpen which is malaking epic dahil baka hindi na tanggapin ang sagot ko ng scantron machine. Pero tuloy lang ang laban. Inisip ko na lang lahat ng pagod at sakripisyo na linaan ko para sa exam na yun.
So, fastforward. December 1 yun eh nung lumabas ang exam. Sakto parating palang yung Bagyong Tisoy ng ilabas ang result. Hehe. Expected ko ng wala ako sa listahan pero nagbaka sakali pa din. Grabe yung kaba ko noon and mina-mind set ko na bawi na lang next time. Lalo na nung malapit na sa apelyido ko pero wala pa din pangalan ko. Haha. Pero, God is really good at all times. Lahat ng hirap, effort, antok na naramdaman ko ay worthy dahil pumasa ako sa LET. With matching 91.00 ang General Education.
Lessons? 1. Lahat ng ginagawa natin ay dapat lagyan natin ng purpose. Para kahit ano pa man na pagsubok atleast alam mo kung ano ba ang layunin mo. Hindi masamang mangarap lalo na kung lalapatan mo ito ng sipag at tyaga. 2. "Give me 6 hours to cut down a tree and I will spend the first hour, sharpening the axe" - Abraham Lincoln. In every battles of life, kailangan mo maging prepared. Kasi ang opportunities ay nanjan lang, marami ang nagbubukas ng pintuan para sa atin. Ang tanong, handa ba tayo para dito? So, we need to make the best thing para sakaling magkaroon ng problema man, alam natin kung paano ito lagpasan.
Isa din na gusto kong ibahagi ay ang pagbobounty ko, hehe. Biruin mo, 3 years na ako pero member rank pa din. Hirap kasi akong pagsabayin talaga ang pag-aaral, pagside line and trabaho. Kaya wala akong masyadong post na creative talaga dati.
Marami din akong nasalihan na failed at exit scam ICO, di ko na ata mabilang sa daliri ko. Halos ilang buwan ako nagtagal sa Arena Space. Kaasar yun! Hindi man lang kami nabayaran. Haha. Pero tuloy pa din ang laban.
Kahit na ilang libo pa lang ang nahawakan ko dahil sa pagbobounty at inabutan ako ng merit system. Sinisikap ko pa din maging creative na member ng forum at kumita sa pagbobounty. Tyaga at sipag lang. Kahit wala pa akong masyadong kita dito. Pero sa ngayon natutuwa na ako dahil tumaas na ang bilang ng merits ko.
Lesson? Never give up, failure and rejection are the first step to success.
God bless everyone, I hope nakainspire ako kahit sa kaunting bagay lang. Hehe.
|
|
|
|
Wolfencloud
Member
Offline
Activity: 67
Merit: 10
|
Una sa lahat, Maligayang Kaarawan kababayan! Sana'y maging masaya at malusog and iyong pamumuhay.
Baguhan palang ako sa Crypto. Oo siguro nga baguhan pero ang totoo marami na akong nalalaman, hindi nasusukat sa "Rank" ang nalalaman ng isang tao. Isa lang naman akong istudyante na natuto sa Crypto, nag iipon ng pera kahit pa unti-unti. Pero kahit hindi pa ako ganun katagal sa larangan na ito, masasabi ko na sa haba ng aking pag lalakbay ay may mga naranasan na din akong naranasan ninyo.
Isa sa mga pag kakamali na nagawa ko ay ang pag "Invest" ng aking pera sa maling oras, nawalan ako ng mahigit 2000 sa ginawa ko na yun at dahil nga ako ay istudyante palang, sobrang laki na ng halaga na yun para sa akin, natuto ako sa pag kakamali ko na yun at sinibukan kong dagdagan ang aking kaalaman, natuto ako sa mga pag kakamali ko na iyo ang ngayon, alam ko na kung kelan dapat mag pasok at mag labas ng pera, alam ko na din kung paano kumita ng pera kahit di ganun kalakihan.
Siguro masasabi kong isa sa mga achievement ko ngayong taon ay natuto ako ng maraming bagay lalo na sa mga pag kakamali ko, ang sabi nga "Experience is the Best Teacher". Nabawi ko na din ang nawalang pera sa akin ang nakaka ipon na din ako kahit paano mula sa mga kinikita ko. Isa pa sa mga lesson na aking natutunan ay wag maging gahaman sa pera dahil ito ang nagiging simula ng pag bagsak ng isang tao, wag susuko kapag nagkamali, sumabay lang sa agos ng buhay, tuloy tuloy lang hanggang matupad ang mga pangarap sa buhay. At huli sa lahat, mag bahagi ng mga blessings na natatanggap, hindi man bagay pero ang pag babahagi ng mga bagay na natututunan sa ibang tao ay sapat na.
Siguro nga hindi pa ako ganun ka experience pero alam kong marami pa akong matututunan dito. Salamat! Godbless everyone!
|
|
|
|
plvbob0070
Copper Member
Sr. Member
Offline
Activity: 658
Merit: 402
|
Things na nangyari this year, I think wala pa naman masyado since we're still starting with 2020. Though madami nang naganap for the first quarter of the year.
Since we started our year with unwanted calamities, I think my greatest achievement for this year so far is yung I can contribute financially para makapag provide ng pangangailangan ng aking pamilya especially during this pandemic. Kahit na estudyante pa lamang ako, the thing is, I can already help my parents. Right now, ako yung nagbibigay pang gastos sa pagkain. It's the least I can do pero nakakaproud na para sa part ko.
Para sa failures naman, parang wala pa naman akong ka grabeng personal failure this year pero kahit na ganun, everyday may lesson na natututunan. First is, during this pandemic, narealize ko (and for sure most of us here) na saving money in case of emergency is really essential dahil biglaan ang mga nangyayari, okay yung handa tayo. We can't always depend on the hands of the government. Second is lack of knowledge is not a hindrance para kumita ka, kailangan lang talaga ng diskarte. Kasi lahat naman nagsimula sa walang alam, pero pag inaral mo naman ay matututunan mo. Same thing here sa crypto, nagsimula ako na walang alam pero efforts lang ang kailangan. And now, nakakatulong na ko para sa mga expenses ng pamilya ko. Nasa sa atin yan, hindi natin pwedeng isisi lagi sa iba kung bakit wala tayo or hindi natin kaya.
Btw op, happy birthday sayo! Pwede pa rin maenjoy ang birthday kahit na naka quarantine tayo.
|
|
|
|
Debonaire217
Sr. Member
Offline
Activity: 644
Merit: 364
In Code We Trust
|
Bago ko simulan, pagbati muna sayo kabayan dahil birthday mo ngayon. Achievements: Isa sa mga greatest achievement ko ngayong taon ay ang pagiging Sr. Member ko dito sa ating forum. Indikasyon ito ng pagiging aktibo at paglikha ng mga topic na nakatutulong sa ating mga kababayan. Dagdag pa dito, isang achievement ko na rin siguro na magkaroon ng stable weekly income. Failures: Well, kaakibat ng weekly income, nanjan din yung temptation ko sa pag withdraw ng Bitcoins, at isa sa mga failures ko ay ang pag bebenta ng BTC dahil nag papanic ako sa price nito. Alam ko di naman ito maiiwasan dahil kung meron tayong investment, natatakot tayong malugi. Lessons: Una, pinagtibay ko yung tiwala ko sa BTC, nag Hold ako ng matagal kahit na pabago bago ang nakaka tempt mag sell, sa panahon ngayon, nakikita ko yung profit ko dahil to the moon nanaman ang BTC. Medyo wala pa tayo sa mid year kaya kakaunti pa lamang yung mga nasshare ko, dagdag pa yung EQC, nga pala, achievement ko na din siguro makatulong sa bansa sa pamamamagitan ng website ko na to, covidawareness.live/tracker.html. Since IT student naman ako at wala mapagkaabalahan, nag aaral nalang ako gumawa ng website at systems. Another lesson siguro, ay imaximize natin yung time natin ngayong wala tayong kakayanang lumabas ng bahay, why not mag study nalang sa bahay at huwag na lumbas para hindi na makadagdag sa cases ng COVID sa bansa. Happy Birthday ulit kabayan.
|
|
|
|
maxreish
|
Marami ang nangyari ngayong taon na ito sa akin na siyang mga naging achievements ko sa buhay. - Una: Being a total noob sa forum turned into a Senior Member rank is one of the greatest achievement ko. Naging inspirasyon ko ang karamihan sa mga kababayan natin dito upang mag rank up.
- Pangalawa: Na achieved ko ang goal ko sa pag iipon ng bitcoin. As a long term holder, ang mga ganitong situation ng market tulad ng bull run ang nagpapatunay na tama ang napili kong investment. It takes time to get profits pero worth it ang lahat.
- Pangatlo: Naging smooth ang trading ko this year compare last year. Dahil na rin hindi ako tumigil para matuto ng mga useful tools sa trading.
- Lesson Learned: Dahil sa may ipon akong bitcoin at sa biglang crisis na dumating sa atin kapag pala sa ganitong biglang pangangailangan ay may mahuhugot tayo lalo na at no work no pay ang karamihan sa atin. Kung wala tayong ipon na crypto coins, mas lalong mahirap ang sitwasyon.
Again, maligayang kaarawan sayo. Nawa'y magkaroon ka pang maraming blessings.
|
|
|
|
Asuspawer09
|
Maligayang Kaarawan sa iyo @Genemind Medjo nakakalungkot lang dahil hindi tayo makakapagcelebrate kasama ang ating mga kaibigan at kapamilya dahil na rin sa enchaned community quarantine. So far Medjo mahirap ang taon ng 2020 dahil na rin sa mga nangyayari dito sa mundo kasama na rin itong COVID-19 virus na hindi natin alam kung kailan ba talaga matatapos. - Isa sa mga natutunan ko ngayon mayroon tayong pandemic disease ay napakahalaga na mayroon tayon investment or savings. Kapag tayo ay kumikita ay akala natin ay magiging okey lang ang lahat at okey lang na bumili tayo ng mga bagay na gusto ko natin dahil sa mga susunod ay kikita pa naman tayo which is i think hindi magandang thinking katulad ng nangyayari ngayon na maraming tao ang jobless dahil narin sa ecq, kahit papano ay nakakatulong ako sa family ko dahil kumikita ako sa investment,trading at signature campaign. Habang tayo ay kumikita wag nating kalimutan na magtabi kahit papano dahil hindi natin alam kung kailan natin kakailanganin natulad na lamang ngayon.
Marami din skills ang pede mong pagkaabalahan ngayon dahil nasa bahay ka lang i suggest be more productive ngayon. - Marami akong failures pagdating sa cryptocurrency dahil na maraming times na rin akong namudos ng Bitcoin kahit ang tagal tagal ko nang naghohold at kumita dito madalas ay nawawalan parin ako ng pagasa sa bitcoin ay sa huli ay napapabenta pa rin ako which is a wrong move dahil malaking pera na rin ang nawala saken dahil sa mga ganitong pagkakamali.
- When it comes to achievements siguro isa sa pinakamalaking achievement ko dito sa forum ay magrank up sa Senior at katulad ng dati ay nakabalik na ako sa paghohold or pagtatrade ng ibat ibang token, pagdating sa sa personal na buhay naman medjo wala akong masyadong achievements dahil na rin laging nasa bahay lang at more on online lamang ang gawain.
Keep Safe mga kabayan Godbless.
|
|
|
|
kotajikikox
|
mababaw lang namana ng kaligayahan ko kabayan,Achievements na para sa akin yong matutunan ko ang cryptocurrency in the deepest form i mean na hindi lang dahil sa kikitain kundi dahil sa bagay na maidudulot nito sa kinabukasan natin lalo na ng mga Anak natin dahil sila ang lubos na magtatamasa ng ating mga pagsisikap na mapaunlad at malaman ng Buong mundo ang bagay na benefits ng crypto against Fiats.
sa Failures naman?siguro eto yong mga panahong masyado pa akong Greed na nagpapatalo ako ng medyo malaking halaga sa Sugal dito sa online,at ang pag Invest ko sa mga Tokens/coins na refer lang naman ng mga nakilala ko dito sa forum in which in the end ay scam lang pala.
but happiest moment ko so far since na mababaw nga lang talaga ang kaligayahan ko ay nong nanalo ako last december sa isang event dito sa lokal ng BTC prize at last couple of weeks na nanalo ako ng Netflix 1 month subscription hahaha sa mga ganong bagay ay lubos na akong sumasaya.
Maligayang bati sa iyong Kaarawan kabayan,Naway pagpapala at Kalusugan ang Itulot sayo ng Amang may kapal ngayon at magpakailan man.
|
|
|
|
lienfaye
|
Sa nakaraang isang taon hindi ako masyadong active sa trading dahil mas pinili kong mag hold lang. Pero nakapag sell ako dahil sa nangyaring krisis ngayong taon, importante talaga ang may savings para sa mga ganitong sitwasyon.
Share ko na lang yung panahon na nalaman ko ang tungkol sa bitcoin at ibang coins. Ilang years na rin ako sa mundo ng crypto at maraming natutunan na bagay bagay hindi lang tungkol sa pag iinvest kundi pati na rin sa aking sarili. Natutunan kong maging patient at makinig sa mga taong mas mataas ang kaalaman, magkaron ng plano at diskarte. Yung naging achievement ko ay ang makapagpa renovate ng bahay sa probinsya, dun ko inilaan yung malaking kinita ko sa crypto nung 2017 bull run. Marami din akong naging failures sa investment at trading, pero wag mag give up agad, kung bigo ka man ngayon hindi ibig sabihin ganun ulit ang mangyayari sa susunod dahil may pagkakataon na mag improve at makabawi.
Gusto ko lang din ibahagi ang karanasan ko kahit di mapili. Maligayang kaarawan kabayan @Genemind.
|
|
|
|
Peanutswar
Legendary
Offline
Activity: 1736
Merit: 1321
Top Crypto Casino
|
Bago ko simulan ito nais ko lamang mag bigay ng isang pag bati sa iyo kabayan, inabot pa ng lockdown sayang.
Matagal na akong tambay dito sa forum na ito pero ngayon ko lang naisipan gumawa ng account. Dahil dito madami akong natutunan related sa bitcoin, at mga ibat-ibang wallets na maari kong magamit sa pag sasagawa ng mga bawat transaksiyon tulad ng investment at trading.
Achievements : Marahil isa na sa mga achievements ko dito ay umabot ako ng member at sa ngayon ay mayroong 35 merits dahil nung una ay problemado ako paano ako makakakuha ng merits tulad ng mga tulong ng iba nating kabayan nag bigay sila sa akin ng mga suhesyon upang mas mapaganda ang mga ginagawa kong content at mas lalong makatulong sa ibang users din sa forum na ito lalo na sa local. Isa pa sa mga naging achievements ko ay nakakuha ako ng pinaka una kong campaign at sana ay legit ito.
Failures : Ito kasama ako sa mga karamihan nakakaranas ng failure na ito, pag dating sa investment dahil akala ko nung una ay basta lamang nag pasok ka ng pera sa cryptocurrency at nag invest ka ay kikita kana sa unang mga linggo at buwan maganda ang takbo ng pera ko ngunit hindi ko inaasahan biglang bumaba ang presyo ng ripple at ng bitcoin kung saan na-uwi ako sa hodl ng coins hanggang ngayon ay lugi padin ako at kailangan ko hintayin ang halving baka sakaling umangat at mabawi ko ang investment ko.
Lesson : Lesson sa buhay dapat mayroon ka laging ipon laking tulong ng forum na ito upang makapag ipon ako lalo sa crisis na kinakaharap natin ngayon, Lesson sa forum, marami akong natutunan na wala sa haba at dami ng image ang kailangan upang mag karoon ng merits kung maganda talaga ang content mo kusang dadating ang merits sayo.
Muli maligayang pag bati sa iyo kabayan.
|
|
|
|
XenoFever
Member
Offline
Activity: 127
Merit: 28
|
|
April 30, 2020, 09:49:29 AM |
|
Una sa lahat maligayang kaarawan sa iyo kabayan, sana masaya ang iyong kaarawan ngayong EQC kasama amg iyong mga pamilya.
Achievements:Wala pa akong nakikitang achievement ko dito sa forum at sa cryptocurrency na ito dahil bago palang ako dito, pero sa tingin ko ang mga impormasyong nababasa at nalalaman ko about sa cryptocurrency ay masasabing achievement na rin para sa akin dahil before wala akong kaalam alam about cryptocurrency and then when my friend told about this, I became interested and keeps on learning.
Failure: Ang failure na masasabi ko ay yung nag invest ako sa isang website na nireffer sa akin ng kaibigan ko, hindi naman ako galit sa kanya dahil refferal lang naman yun ay depende na sa akin kung papatulan ko iyon nawalan ako ng 0.001 btc dahil sa nangyareng yun at isa pa ay yung hindi ako nakapag invest nung umabot nang $3900 yung btc nakaraang buwan anlaking panhihinayang ko dun dahil sa takot ko nawala yung chance para kumita ako ng malaki
Lesson learned: Natuto akong mag invest na sa mga legit websites atmag hold ng bitcoin hanggangg tumaas ulit ito, pero isa pa sa gusto ko matutunan ay kung paano ang trading at kasalukuyan ko naman syang inaaral.
Muli, Maligayang kaarawan, wish you all the best for this year.
|
|
|
|
cml2019
Jr. Member
Offline
Activity: 46
Merit: 3
|
|
April 30, 2020, 10:17:45 AM |
|
First of all I want to start this post with a greeting. Happy Birthday to you and Hope you are doing great despite the pandemic, it's unusual to see generosity in this crying times so I commend you to that.
About me naman, so these are the things I have learned, my achievements and failures. So hindi ko na bubuksan ang journal ko and I'd post what comes first in mind.
Achievement - I am thankful na nandito parin ako sa crypto sphere kahit bear market, for me strong hand na ako nun so siguro iyon ay maituturing ko na achievement and because this could be a potential source of income and investment. Marami akong natutunan kaya ko sya kinokonsider.
Failures - Not being able to stay fit and healthy, bad investment decisions, impulsiveness and unable to control my emotions and the words I speak. We all know naman na words cut deep
Lessons - So I was trying to learn trading, with an already unhealthy lifestyle I got to trade my money that results to impulsiveness, I am mentally unhealthy and nagkakasakit na dahil doon kaya't hindi sya maganda para sa kalusugan talaga. Dahil duon naapektuhan din ang relasyon ko sa family and that times ay sarili ko lang talaga ang iniisip ko. Mabuti at nakapag nilay-nilay na ngayong quarantine period at nakipag bonding sa pamilya kaya't overall beneficial ang quarantine para sa akin. Siguro next time iwas nalang sa pag habol sa pera at mas ienjoy ang buhay.
Overall I think crypto ang lesson, achievement and failure ko pero I really believe na it's worthy. Siguro ayusin nalang ang way of life and treat it as a blessing.
|
|
|
|
btc78
Full Member
Offline
Activity: 2688
Merit: 218
⭕ BitList.co
|
|
April 30, 2020, 11:54:09 AM |
|
Happy Bornday Kabayan More Bdays to come ...
Achievements = Siguro sapat na sakin ang Rank na FM para masabing nagtagumpay ako dito sa forum(pero Syempre pangarap ko pa ding umangat) at yong natutunan ko pahalagahan ang Bitcoin at ibang altcoins na meron ako now.
Failure = Nung naging Involve ako masyado sa pagsusugal using crypto na halos lahat ng Kinita ko sa mga campaigns ay naubos lang sa pagsusugal (but i learned my lesson nnow)
Lessons = Dapat wag masyado nagpapa akit sa mga pang hihikayat dahil taga crypto din ang nag encourage sakin mag sugal(pero di ko siya sinisisi kasi kasalanan ko din na nakinig ako)at pinaka importante ay Ingatan ang ating mga cryptos dahil malaki ang hinaharap natin sa tamang panahon.
|
|
|
|
cabalism13
Legendary
Offline
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
|
|
April 30, 2020, 04:03:07 PM |
|
Dahil May 1 na, Belated sa OP. At sguro dahil May 1 na ay dapat na din mailock ang thread mo and pili ng mga lucky winners, I just hope na lahat ng nabigyan ko ay hindi Alt Account ng kung sinong Kapre. Nakakatakot na tuloy mamahagi ng Merit ngayon sa totoo lang dahil sa mga past incidents na ngyari dito sa ating lokal. Anyways, Congrats to ALL.
|
|
|
|
Genemind (OP)
|
|
April 30, 2020, 05:36:23 PM Merited by cabalism13 (1) |
|
Dahil May 1 na, Belated sa OP. At sguro dahil May 1 na ay dapat na din mailock ang thread mo and pili ng mga lucky winners, I just hope na lahat ng nabigyan ko ay hindi Alt Account ng kung sinong Kapre. Nakakatakot na tuloy mamahagi ng Merit ngayon sa totoo lang dahil sa mga past incidents na ngyari dito sa ating lokal. Anyways, Congrats to ALL.
Salamat sa lahat ng bumati at nagpost. Mag ssend na lang ako ng PM mamaya para dun sa napili kong tatlo na nanalo ng load 100php load each. Keep safe and God bless everyone.
|
|
|
|
|