Ngunit nakakaalarma parin dahil sa katunayan, issue padin ang Wika sa bansa.
Ito ang gusto kong pagusapan sa thread na ito. Ang naturingnag isyu ng Wikang Filipino sa bansa. Ako ay curious as kung papaano naramdaman ng may akda na mayroong isyu ang wika sa buong Pilipinas? Mayroon tayong humigit kumulang isang daang wika at diyalekto. Take note wika ang tawag ko sa mga pangunahing mga lenguahe sa Pilipinas tulad ng Ilokano, Kapampangan, Ibaloi, Kankana-ey, Bikolano, Waray, Ilonggo, Cebuano, Chavacano, Maranao, Maguindanaon, Tausug at marami pang iba na hindi ko na babanggitin. Para sa akin kasi - eto opinyon ko ito pero marami akong kasamang naniniwala dito, para sa akin kasi ang isang dialect ito ay variation ng language,
pero nagkakaintindihan pa rin ang mga speaker ng mga dialekto kung sila pagtatapatin mo, kumbaga mananalita ng Tagalog ng Bulacan at isang mananalita ng Tagalog sa Batangas, magusap sila at hindi sila mahihirapang magkaunawaan.
Ang wika, pagtapatin mo sila at hindi sila magkakaintindihan, magusap ang Ilokano at Cebuano, kung magkaintindihan sila, tatanggapin ko yan na dialect. Pero kahit ano gawin mo, hindi sila magkakaintindihan pag pinagtapat mo sila.
Yan para sa akin ang isyu ng Wika sa bansa. Gusto ko malaman sa OP kung ano ang mga saloobin niya sa pagkakasabi niyang may isyu parin ang wika sa bansa.